17

945 26 0
                                    





"Kung hindi ka ba naman tanga diba!?"

Ngumuso siya ng tiningnan ako. Maingat kong nilapag ang palaggana sa mesa bago nilagyan ng cold compress ang sugat niya sa may ulo. Malakas kasi ang pagkakauntog niya kanina kaya nagkapasa tuloy. Mabuti na lang hindi natanggal ang braincells niya. Tch!

"A-Aray, dahan dahan naman!" angal niya.

Umirap ako at mas diniinan pa ito. "Nakakainis ka kasi eh!"

"Huh? Naiinis ka dahil nauntog ako? Kasalanan ko ba na hindi ako marunong sumakay sa jeep at pinanganak akong mayaman? Tch!" inis din niyang sabi.

"Naiinis ako dahil nasasaktan ka! Tss. Sorry na!" amin ko. "Okay na ba? Wala na 'bang masakit?" naupo ako sa tabi niya.

"Wala na..." bumuntonghininga siya. "Nandiyan ka na eh..." ngiti niya.

Napailing na lang ako at di na siya pinansin. Ang weird niya talaga minsan. Hay nako Josh! Wag kang paasa oy! Nakakainis naman kasi dahil umasa na naman ako!

"Magluluto na ako, dito ka muna?" marahan na sabi ko.

Hindi muna ako mangaaway ngayon dahil may bukol siya sa ulo niya, baka palayasin ako n'on kapag inaway ko pa kaya ceasfire muna kami ngayon. Oh diba? Ang bait ko.

Matapos kong magluto ay inayos ko na ito at dinala sa dinning table. Napasinghap ako ng makita siyang nanonood ng tv. Hayst! Ba't kasi ang gwapo niya?

What if subukan kong sabihin sa kanya na gusto ko siya? What if sabihin ko sa kanya na subukan namin? Na kaming dalawa?

"Ang lalim ng iniisip mo."

Napaigtad ako ng magsalita siya sa tabi ko. Naupo na siya sa kabisera habang ako naman ay sa kabila, napanguso ako ng hindi niya iniwala ang tingin sa akin.

"What are you thinking?" he asked curiously.

"I-Ikaw--este uh... W-Wala! Oo wala!" tumango tango pa ako.

"Is there something wrong?" his brows creased.

"Ang kulit ng lahi mo 'no? Sabi ko nga wala!" irap ko. "Tsk."

"Okay."

Kinuha ko na 'yong kanin at nagsimula na kaming kumain. At first ay sobrang tahimik lang namin, pakiramdam ko tuloy ay parang walang tao dito. Napasinghap na lang ako bago nagmadaling nagsalin sa baso ng tubig. I'm full.

"Shane?"

Nasa veranda ako ngayon habang tinatanaw ang Taft Avenue na maraming dumadaan na sasakyan. Napatingin lang ako kay Josh ng tinawag niya ako.

"Hmm?"

"Boyfriend mo ba 'yong team captain ng La Salle?" tinaasan niya ako ng kilay.

Huh? Sino?

"Sino?"

"Zoriel Cleo Ramirez," aniya.

Huh? Si Leon?

"S-Si Leon?" nautal ako.

"Oo. Boyfriend mo 'yon?" seryoso niyang tanong.

Huh? Sinong may sabi?

"Ahm, hindi 'no! Wala akong boyfriend kasi gusto kita. Duh?" amin ko. "Nagmo-move on na nga ako eh, see?" itinuro ko ang mukha ko.

"Oh? Really? Bakit ka naman mag-mo-move on sa akin kung gusto mo naman pala ako?" he raised his brows.

"Correction. Mahal kita..." ngiti ko at napailing na lang bago nag-iwas ng tingin. "Alam ko naman kung saan ako lulugar." sabi ko pa.

Harap-harapan talaga, Shane? Well, hindi naman ako tulad ng ibang taong mas pinili 'pang itago ang nararamdaman nila. Gusto isahan lang para isahan lang din ang sakit.

Avenues Of Espana (Manila Avenue Series #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora