09

905 26 0
                                    







Napatingin ako kay Gle ng kinalabit niya ako. Nandito kami ngayon sa Katipunan para maghanap ng halo-halo at panghimagas. I wonder if there is?

"Okay ka lang?" kumunot ang noo niyang tanong.

"W-Wala." singhap ko.

"May date ka na ba sa watts party?" she raised her brows.

"Huh?"

"May date ka na ba sabi!?" highblood si Ate.

"Ba't ka galit?" sumimangot ako.

"Wala!" bagot niyang sagot.

"Hindi pa rin ba kayo nagkakaayos bes?" kumunot ang noo ko ng mas sumimangot siya.

"Sino bes?" nagmaang-maangan pa siya.

"Edi si Francis!" inis na sabi ko.

"Francis who?" she raised her brows.

Hindi ko na mapigilan ang mainis, mabilis kong pinukpok sa braso niya ang dala kong cellphone. Mabuti na lang at hindi nabasag ang cellphone ko. Arrgh!

"Aray ko! Ano ka ba bes? Epekto ba 'yan ng mga taong hindi pinili huh?" panunudyo niya.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Akala mo naman, pinili ka!" humalakhak ako.

"Ang saya mo ha-ha-ha." sarkastiko niyang sabi.

"Whatever!"

Iniwan ko muna siya sa waiting shed bago ako naghanap ng bibilhan ng gulaman at barbeque. Nilibre kasi ako ngayon ni Gle kaya ako na ang nagprisintang bumili, kawawa naman!

Thankful na din kasi ako dahil panakip gutom na rin 'yon haha!

"Thank you talaga bestfriend!" niyakap ko siya dahil sa bigay niyang gulaman at barbeque sa akin.

"Hmp! Walang anuman 'no! By the way, may date ka na ba mamayang gabi?" tanong na naman niya.

"Ikaw?"

Ang sarap niyang hampasin. Promise.

"Ako 'yong naunang nagtanong eh!" maktol ko.

"Ha? Eh wala akong date ngayon, ikaw ba?" balewalang sagot niya.

"Si Josh." wala sa sarili kong tugon.

"Talaga?" gulat na tanong niya. "Gusto ka na niya?"

"Hindi ibig sabihin na inaya akong maging date ay gusto na ako. Hmp! Kaya tayo nasasaktan e kasi masyado tayong nageexpect ng ganoon tas ganyan," irap ko.

"Ugh! Kaya tayo nasasaktan hindi dahil umasa tayo kundi dahil nagmahal tayo ng maling tao." pagtatama niya.

Somehow she have a point.

We are not hurt because of our assumptions but because we love the right person in the wrong timing.

Para sa akin... Oo, tamang tao si Josh para sa akin, nasabi ko 'yon dahil ramdam ko pero kung hindi siya ang taong 'yon... I am not closing doors.

Nagchikahan pa kami bago kami nagpaalam sa isa't isa. Maghahanda kasi kami sa gaganaping watts party sa Tagaytay kaya we need to hurry.

Naalala kong first time kong dumalo sa ganitong pagtitipon. Isa akong underrated author na hindi pa publish author sa anumang publishing company dito sa Manila.

I just wear my halter top baby blue dress paired with a blue flat shoes. Dadalo lang naman kami, hindi kami sasayaw. I think Gle will do the same too but she will wear a red dress para mas daring daw.

Avenues Of Espana (Manila Avenue Series #2)Where stories live. Discover now