16

1K 25 8
                                    



"Aba! Hoy Josh! Gising na!!"

Napabalikwas siyang tumayo dahil sa lakas ng sigaw ko, sinamaan niya ako ng tingin na ikinatawa ko. Pffft.

"Chill!" natatawa kong sabi. "Morning, baby. Ayiee!" humalakhak ako ng ngumiwi siya.

"Ang aga aga bumabanat ka, ganyan ka ba kapatay na patay sa akin?" ngumisi siya.

"Ang kapal mo." ngumuso ako. "Akala mo naman kung sinong gwapo? Dzuh." umirap ako.

"I have a class today." ani niya bigla. "Hatid na kita?" he offered.

"Bago mo ako ihatid pwede 'bang bumangon ka na diyan? Handa na ang breakfast natin, Master." umiling ako bago siya iwan.

Oo nga pala. Today is Monday. Mabuti na lang at maaga akong gumising dahil schedule ko pala ngayon for the chores. Ang walanghiyang lalaking 'to! Nagkakalat pa kagabi, andami tuloy ang kailangan linisin! Kukutusan ko na talaga siya, malapit na!

"Yaya!" sigaw niya ng makalapit sa dinning area. Nakikita ko siyang nakaupo sa kabisera habang tinatawag ang yaya niya--

Teka? Wala naman kaming yaya dito sa bahay ah?

Nevermind.

Pumasok na ako sa dinning area dala ang mangkok ng adobong manok, nakita ko ang pagnguso ni Josh na nakatitig lang sa akin. Problema niya?

"Ba't ang tagal mo yaya?" tinaasan niya ako mg kilay.

What!?

What did he call me? Did he just call me his yaya!?

"Aray! Ang sakit! Ba't mo ko binatukan!?" inis niya akong hinarap.

"Kapal 'mong tawagin akong yaya e mas mukha kang katulong sa ating dalawa. Tss." ngumiwi ako. "Gago ka!"

"Salbahe ka ah? Bakit mo ako binatukan ha?" inis na tanong niya.

"Itanong mo sa Mama mo," pambabara ko pa.

"Tss." hindi na niya ako pinansin dahil kumain na siya.

Matapos namin kumain ay nilinisan ko na ang dinning table sabay ayos ng mga dishes na nagamit namin. Nakaupo lang si Josh habang hawak ang cellphone niya. Ang aga aga ah? Ang agang lumandi ng lalaking 'to.

"Punta tayong concert ng BTS." anyaya niya bigla.

"Huh?"

Napalingon ako sa likod baka iba ang kausap niya bago ko itinuro ang sarili ko. "Ako ba kausap mo Josh?"

"Ay hindi baka 'yong anino mo?" sarkastiko niyang sinabi.

"Ay sus, ba't ka galit?" irap ko.

"Sabi ko manonood tayo ng Blackpink concert!" nawawalan na siya ng pasensya.

Naguguluhan akong tumitig sa kanya. "Ano ba talaga, Josh? Blackpink o BTS?" medyo nainis na ako.

"Pupunta naman silang lahat dito e. Magkaiba lang ng day so pwede both." nagkibitbalikat siya. "Ano?"

"Gusto ko EXO eh, gusto ko si Kai." ngumuso ako.

"Ang tanong gusto ka ba?" pilosopo niyang sabi.

"Hindi. Ang importante gusto kita." ngumisi ako.

Natamene siya bigla. Hahaha. Myx, 1 point.

"Gusto din kita haha." biro niya.

Parang baliw.

"Tsk." umirap ako.

"So gusto mo pala si Kai?" ngumisi siya.

"Bias wreacker 'yon kaya gusto ko." nagkibit ako ng balikat. "Crush ko hayy." nakangiti ako sa kawalan.

Avenues Of Espana (Manila Avenue Series #2)Where stories live. Discover now