02

1.9K 39 111
                                    

"OMG Shane! Ako 'to si Glemarie!"

Nabigla ako ng may yumakap sa likod ko. Napalingon ako doon sa kay Gle daw ang pangalan. Isa siya sa mga kasama ko na nagsusulat sa watts and well, matagal ko na siyang kilala. She's my bestfriend and my number 1 supporter in life. Mahal ko si Gle kaya kahit niloloko na siya ng jowa niyang author din ay sinusuportahan ko pa rin kahit minsan gusto ko ng alugin ang utak niya ng matauhan naman kahit minsan.

"Hala! Ang ganda mo pala sa personal gago ka! Hindi halatang naghahabol ka sa boyfriend 'mong tukmol." ngumisi ako.

"Hoy ikaw ha! Napakabully 'mong babae ka! Hindi tukmol si Francis 'no!" depensa niya.

"Kilala mo ba ang GOMBORZA?" tinaasan ko siya ng kilay.

"Ha? Sino 'yon?" clueless siya.

"Sila 'yong mga martyr na pinatay sa Bagumbayan, buti hindi ka nasali." ani ko.

"Syempre 'no! hindi pa ako nabubuhay sa mga panahon na 'yon!" tumawa siya.

"Baka isa ka sa kanila?" pang-iintriga ko.

"Ha? Hindi ah! Pero bakit?" ngumuso siya.

"Martyr ka kasi e. Hindi pa nga nakamove-on sa ex niya 'yong Francis na 'yon e tapos habol ka pa ng habol!? Ano ka? Aso?" gusto kong iumpog ang ulo niya ng marealize niyang niloloko na siya ng boyfriend kuno niya.

"Alam mo mahal ko si Francis kahit ganon hayst! Wag na natin isipin ang depunggal kong boyfriend noh? Gusto ko lang na makasama ka ngayon! OMG! Parang kailan lang sa chat lang tayo naguusap huhuhu!" nagdrama pa talaga.

"Oo at ang kulit mo 'pang babae ka." asar ko pa.

"Whaaa! I'm glad nandito ka naaa!" tili niya.

Niyakap niya ako ulit, this time ay niyakap ko din siya. I can't believe na nagkita na kami ng long time internet bestfriend ko! Yay! I'm so happy!

"May meet and greet sa MIBF mamaya. Tara! Ipapakilala kita sa sikat and overgwapo kong sweethearthoneybunch! Ahihihi." niyakap pa niya ako sa sobrang kilig.

Gusto kong matawa dahil sa chessy endearment nila pero napailing na lang ako at napangiti. Susuportahan ko pa rin ang babae na 'to hanggang sa magising siya sa katotohanan hayst!

Nagpunta kami sa may booksigning sa MIBF. Nilibre ako ni Gle dahil sabi niya ay free daw siya kasi boyfriend niya 'yong sikat na author na Francis daw ang name. Aba'y thank you sa kanya haha!

"Alam mo may special na bisita si Francis! Fastest rising author of the year daw!" ngumisi si Gle sa akin.

"Huh? Sino?" tanong ko habang abala sa pakikipagsiksikan sa mga tao papunta sa harap.

"Basta!"

Napailing ako. Bahala na nga siya! Hay nako.


Marami ang nagtilian ng lumabas isa-isa ang mga authors ng LIB pub. Napalingon ako kay Gle na naghihintay sa paglabas ng boyfriend niya kuno. Asus.


"Whaaa sweethearthoneybunch nandito na me!" malakas na tili ni Glemarie na ikinabasag ng eardrums ko.

Marami ang nagtilian ng lumabas 'yong boyfriend ni Glemarie na si Francis. Isa siya sa mga exclusive writer ng LIB at napakagaling din magsulat. Well aside from that, guwapo din at cute haha! Kaya baliw na baliw si Gle dito e.

"Excuse me, Miss? Wag kang tumili at magbigay ng marriage contract kay Francis, duh? Ako ang girlfriend niya! Magpaganda ka muna like me." nang-aaway na naman ito.

Avenues Of Espana (Manila Avenue Series #2)Where stories live. Discover now