40 Part 1

2K 25 13
                                    

Wala sa sarili akong pumasok sa hospital kung nasaan sila ni Gle, nablanko agad ako sa nalaman ko. I don't believe them... Hindi... Hindi siya pwedeng mawala... Hindi ko kaya na mawala siya sa akin...

"Shane!"

Sinalubong ako ng yakap ni Gle na iyak ng iyak, gusto ko din na umiyak pero namanhid ako. Hindi pa siya mawawala... Mas kakayanin ko siguro ang saktan niya ako kaysa sa mawala na siya ng tuluyan sa akin.

"G-Gle..."

"Shane, a-alam na ng media na may anak ka. Kailangan 'mong protektahan si Avery dahil kung hindi, masisira ka na ng tuluyan." ani ni Gle.

Mas lalo akong naiyak sa binalita ni Gle sa akin. Mas mabuti pa sigurong sumuko ako. Ayoko na. Bibitawan ko na ang pagsusulat, hindi ko na kaya pa.

"S-Si Josh ang importante ngayon, Gle! Nasaan siya?" nanghihina akong napakapit sa kanya.

Naramdaman ko agad ang pangigilid ng luha ko. Sobrang naguguluhan na ako ngayon, hindi ko na kaya pa kung ano pa ang uunahin ko. Gusto ko ng sumuko pero...

"N-Nandoon siya... Hindi pa siya nailipat sa morgue, bes." niyakap niya ako.

Napahikbi na ako ng tuluyan bago nagmamadaling pumunta doon, tinuro ni Gle kung nasaan si Josh. Hindi ko ata kaya kung ano ang makikita ko doon. Sana mali sila ni Gle.

Hindi pwedeng mawala si Josh kasi mahal ko siya. Mahal na mahal.

Binuksan ko ang pintuan at halos magulat ko na nandito lahat ang mga kaibigan ko, umiiyak sila pero hindi ko naman nakikita na naluluha sila. Wala sa sarili akong napatingin sa hospital bed kung nasaan may nakahiga doon na tinabunan ng puting kumot.

Hindi...

Hindi 'to totoo...

Humikbi ako habang naupo sa kung nasaan si Josh, nilihis ko ng konti ang kumot at doon nakita ko siya. Namumutla, nakapikit. I-Is he really lifeless? Hindi ko kaya...

"Josh naman... Gumising ka oh..." bulong ko habang umiiyak.

Hindi ko na pinigilan ang sarili ko kundi ang yakapin siya.

"Hindi ko kaya ang mawala ka please..." halos hindi na ako makahinga sa kakaiyak. "P-Promise, kapag gumising ka diyan ay magpapakasal na tayo... Kakalimutan ko lahat ng sakit na binigay mo sa akin basta gumising ka lang."

Walang umimik.

"Josh... Please, wag kang mawawala... Hindi ko na kaya eh..." humikbi ako.

"Shane, tama na..." tinig ni Gle na parang natatawa o ano.

Tumingin ako sa mga kaibigan ko na nag-iwas ang tingin at pawang nagpipigil ng tawa. Bakit ganon sila? Bakit parang tuwang-tuwa pa sila na umiiyak ako?

Hindi ko na lang sila pinansin bago niyakap ulit si Josh. Hindi ako naniniwalang wala na siya. Sabi niya sa akin mahal niya ako, diba pagmahal mo hindi mo iiwan? Bakit ganon siya? Ang unfair niya!

"Josh diba hindi mo ako iiwan? Diba sabi mo mabubuo ulit tayo? Na mahal mo ako? Bakit nandyan ka? Bakit ang unfair mo?" mas lalo akong naiyak.

Hindi ako matigil sa pag-iyak habang ang mga kaibigan ko naman ay hindi ko na pinansin, bahala na nga sila. Mukhang natutuwa ata sila sa pighati ko ah?

"Shush, s-sino ba k-kasi ang may sabi na mawawala a-ako ha?"

Natigilan ako sa pag-iyak ng may humaplos sa buhok ko at nagsalita. Unti-unti akong nag-angat ng tingin ng makita si Josh na nakangiti, mahina pa siya.

"J-Josh! Oh my gosh? Buhay ka!" hindi ko na mapigilan ang sarili kong yakapin siya ng mahigpit dahilan para maputol ang suero. "Hala, sorry!"

"Okay lang." umiiling siyang ngumiti sa akin. "Sino ba kasi ang nagsabi na patay na ako?"

Avenues Of Espana (Manila Avenue Series #2)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu