Hindi ko naman kinukuwestiyon nang bongga ang mga ganoong bagay-bagay sa buhay.

Sobrang daming nagaganap sa city, fast-paced lahat. At dahil kailangan ko ng pera, kailangan kong magtrabaho nang bonggang-bongga. Hindi na nakakatugtog si Mama, wala na rin ang mga gamit ni Papa pam-paint. Pero ibinigay sa akin ang account nila at ang sabi ni Mama: Kapag dumating ang oras na wala na kami ng Papa mo, gamitin mo ito.

May ibinigay siyang maliit na box ng biskuwit sa akin. Naroon ang card nila ni Papa sa Jagermeister para sa pension. May mga susing hindi ko alam kung para saan e wala na nga kaming bahay na sususian.

At dahil wala akong pera at gawa sa purong ginto ang mga susi, ibenta ko na lang. E di nagkapera ako.

Na-culture shock talaga ako sa city, at ilang taon din akong palipat-lipat ng bahay. Lagi kasi akong napapalayas, kaya imposible ang love life sa akin. Nag-28 na lang ako't lahat-lahat, kahit isang lalaki, walang nag-attempt gawin akong girlfriend.

May mga nahalikan naman ako before, kaso ang first kiss ko, lasing na nga, baklang hindi pa nagre-reveal. Imbes na ako ang tumili, siya pa talaga ang nagsabing nakakadiri ako. She felt so dirty nga raw kaya sinampal ko na lang pagkatapos para magising sa katotohanan.

Nakabalik na nga ako sa lugar na malapit sa dating bahay namin—doon sa Aguero—kamalas-malasan pa, kinailangan kong magkulong sa apartment unit ko kasi talagang nangwa-war shock si Mrs. Fely. Kalahating taon din akong TNT sa kanya. Nagbabayad naman ako kapag nakakapagbenta ng music sheets saka kapag may bayad sa pagkanta, kaso sobrang dalang.

Ang hirap kayang mabuhay na wala ka nang bahay, wala ka pang pera, wala ka ring love life, 'tapos wala ka ring ganda. O kahit huwag nang love life at ganda, kahit pera na lang sana. Kaso ang kawawa ko kasi talaga, wala ako ng lahat.

Kaya bumaligtad talaga ang mundo ko mula nang magtrabaho ako kay Mr. Phillips.

Nagkaroon na ako ng bahay, nagkaroon pa ako ng pera, nagka-instant love life, at feeling ko, ang ganda ko na, at last.

"Hindi ka ba magtatanong kung bakit ang bilis kong mag-yes, Mr. Phillips?" tanong ko pa habang inuugoy-ugoy ang kamay naming dalawa habang paakyat kami sa third floor. "Hindi ka ba magtatanong kung love ba kita o baka pinagti-trip-an lang kita?"

"What about you? Aren't you going to ask me why I asked you to marry me all of a sudden?"

Napatingin agad ako sa itaas. "Hmm . . . sandali lang, isipin ko."

Puwede ko bang isagot na kasi wala siyang kasama rito sa Cabin? Kasi kung ako lang, asawa dapat talaga ang hahanapin niya, hindi lang sekretarya. Ang lungkot kasi ng buhay niya rito 'tapos wala pang nag-aasikaso sa kanya. Kung hindi lang kami nag-aaway parati, baka buong araw lang akong natutulog sa kuwarto ko. Sobrang boring naman kasi rito, sa totoo lang.

"Matanda ka naman na kasi, Mr. Phillips, kaya kailangan mo na talagang mag-asawa. Ulit." Ngumisi ako sa kanya pagkatapos. "Saka 127 years old ka na, di ba? Dapat nga, retired ka na."

"Are you sure about that, Chancey?" nang-aasar niyang tanong habang nakangisi.

"Basta 'yon na 'yon! Saka dapat nga, ikaw ang tinatanong ko kasi ikaw ang mayaman sa ating dalawa. Hindi ka ba magiging sugar daddy ko? Hindi ka ba natatakot na baka ubusin ko ang lahat ng pera mo?"

Bigla siyang natawa nang mahina sa sinabi ko. "Chancey, you even scolded me before I bought your phone. Gusto mo ng pera pero hindi ka naman abusado. I'm sure you can't drain even a quarter of my assets if I let you spend my money."

"Medyo mayabang ka nang slight diyan, Mr. Phillips, ha."

"Prios Holdings is a huge company, and you should know that."

Prios 1: Contract with Mr. Phillipsजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें