"Ria!"

Nawala ang paningin ko sa kanila ng akbayan ako ni linlin.

"Oh kamusta ka? Marami tatong quiz ah?nag review ka na ba?"

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. "Thank you." Tanging naisabi ko.

Weird siya na ngumiti sa akin. I know that she save me. Napakabait niyang kaibigan sa akin kahit pa hindi kami ganoong ka close.

"Walang ano man. Sabi ko naman sa'yo eh. Kapag masakit na sa eyes huwag mo nang titigan pa."

Napatawa ako sa biro niya. But it is true, why would I take a look to them if my heart will suffer? It's my responsible to save my self.

"Move on na siguro.."

Malungkot siyang tumingin sa akin. "Marami ka pang makikilala. Huwag kang maging loyal sa may nagugustuhan ng iba."

Masakit ang mga salitang iyon. But again it's a big truth! Bakit ba kasi ganito ang puso ko.

Mapait akong ngumiti at hindi alam ang itutugon sa kaniya.

"Okay lang 'yan, huwag mo na kasing isipin 'yan. Maiistress ka lang 'te."

Natawa akong muli at hinampas sota sa braso. "Bwisit ka talaga. Pero totoo naman, siguro tatanggapin ko na lang. Bata pa naman ako. Madami pa talaga akong makikilala. Pero sana naman yung magkakagusto sa 'kin pabalik 'no?"

Natawa siya sa akin. "Gaga ka. Hay nako huwag na kasi natin isipin 'yan. Bilisan na natin at mag re-review pa ako. Good luck sa quiz Ria!"

"Sa'yo rin linlin!"

Nagtungo na kaming dalawa sa aming puwesto. Magkalayo kasi ang puwesto namin.

I guess i need to move on. Magiging masaya na lamang ako para sa kaibigan ko. Mapait akong napangiti para sa sarili.

Lumipas ang tatlong minuto ay naramdaman ko na ang pagdating ni Ginger.

Nakatungo ako at nagsusulat ng notes sa notebook ko. I memorize formulas in math,isa kasi iyon sa Quiz namin ngayon.

Hindi ako tumitingin kay ginger pero nakikita ko sa gilid ng mata ko ang kilos niya. Inilagay niya ang bag niya sa upuan at naupo na.

Ilang sandali niyang kinalikot ang cellphone niya bago ay naramdaman ko ang pagkalabit niya sa akin.

Lilingon ba ako?o hindi?

Napapikit ako sandali bago ay hinarap din siya. "Bakit?" Formal kong sabi.

Napanguso siya. "Anong meron?bakit nagsusulat ka?may pinagawa na ba?" Pagturo niya sa ginagawa ko.

Hindi na naman ba niya alam na may quiz ngayon?at ano? Ako na naman ba ang magiging source niya para sa isasagot niya?....

"May quiz eh. Nagawa lang ako notes at minimemorize ko yung formula sa math."

"Hala takte! Meron?" Tumango ako sa kaniya. Halata sa mukha niya ang pekeng pagkakagulat.

Naiinis ang kalooban ko but i resist to not show it up to her.

Bakit nagpapanggap ka na sa akin ngayon kaibigan ko?

"Hala pahiram ako ng notes mo Ria. Mag re-review lang ako sandali" nagulat ako ng bigla na lamang niya iyon kuhanin sa lamesa ko. Saka hindi na ako pinansin pa.

Pinigilan kong mainis dahil kailang kong intindihin siya dahil kaibigan ko siya.

"Ahmm.. ginger. Yung sa isa ko na lang na notes ipapahiram ko sa'yo." Napatingin siya sa akin. "Mag re-review rin kasi ako eh. Sorry."

Tumango siya at iniabot sa akin. "Okay.." ramdam ko ang bigat ng kalooban niya. Iniabot ko sa kaniya ang isa ko pang notebook.

Hindi man lamang siya nagpasalamat sa akin basta na lang siyang tumagilid at sa kabilang gilid ng lamesa niya siya nag review.

Napabuntong hininga ako saka napailing. Kailangan kong intindihin ang ugali niya. Dahil ganito na rin naman siya noon pa.

Ilang minuto pa ay dumating na si Sir gapaz at ipinamahagi na kaagad ang quiz namin. Lahat ay nagsibalikan sa upuan at tumahimik ang buong classroom.

"Alam niyo naman ang number one rule ko hindi ba? Bawal ang pangongopya ni pagpapakopya. Nagkakaintindihan ba tayong lahat?"

"Opo sir" sagot ng buong klase.

Nang magkaroon ako ng papel na sasagutan ay umayo ako ng upo. Nang nag hudyat na maari ng magsagot ay nagsimula na ako. Tinatakpan ko ng panyo ang sagot ko.

Nakikiramdam ako sa tabi ko lalo na kay ginger. Siguro naman ay masasagutan niya 'to ano?

Nang nasa gitna ng aming pagsasagot ay lumabas si Sir Gapaz. Ilang sandali ay naramdaman ko na mayroong kumalabit sa akin at galing iyon kay ginger.

"Bakit?"tanong ko sa kaniya

Nakita ko ang problemado niyang mukha."patingin ako ng number 7 at 9 Ria. Parang mali kasi 'yung given dito sa akin eh."

Tinignan ko ang papel ko saka binagit sa kaniya ang given sa papel. "Number 7, x²-10x=0. Number 8 x³+13x²-x=0. Ayan yung given."

"Hindi ko parin maintindihan kung tama ba eh. Patingin na lang ako ng papel. Hindi ko naman kokopyahin huwag kang mag-alala."

I'm doubting if I show up to her my paper kasi may sagot na ako doon. Kahit pa sabihin niya na hindi niya ako kokopyahan ay dadalawang isip ako. Dahil pinaghihirapan ko ang sagot ko.

Sa huli ay hinawakan ko iyon at ipinakita sa kaniya. Hindi ko ipinahalata na tinatakpan ko ang iilang sagot dahil baka ma offend siya.

Nakita ko ang kilos niya.

Ang paningin niya ay nasa papel ko ngunit ang kamay niya na may hawak na ballpen ay pasimpleng nagsusulat.

At ano ang sinusulat niya?given o answer ko?

Tumagal ang pagtingin niya doon na nahalata kong pagkopya na talaga. Dahil saglit niya lamang dapat itong tignan kung talagang titigan niya lamang.

"Ayan okay na. Thank you. Tama lang naman pala malabo lang xerox nitong papel ko."

Napaawang ang labi ko at hindi ko iyon ipinahalata sa kaniya. Ano na namang pagpapalusot ito?






Road Of Our SoulsWhere stories live. Discover now