Chapter 118: Dalamhati ni Karen

4 0 0
                                    

"Ate, ate, tama na 'yan! Hindi maganda 'yan para sayo! Hindi ka pa lubusang magaling, ate. Saka pwede ba ha, saka mo na isipin 'yang paghihiganti mo na 'yan? Masyado ka nang stressed, ate. Umupo ka na muna." sambit ni Leslie.

"Les, hindi ako matatahimik hangga't 'di ko nasisingil ang mga hayop na 'yon. Hindi ako papayag na basta-basta na lang sila maging masaya." tugon ni Leslie.

"Anak, Karen, umupo ka na muna. Tama ang kapatid mo. Kumalma ka na muna." sambit ni Rico.

"S-sige po." tugon ni Karen at kaagad siyang umupo sa bangko. Tinabihan naman siya ni Nerissa.

"Karen, i'm sorry for your loss. Ang lungkot lang isipin na wala na ang pinsan mo. Pero alam mo, naging mabuti rin sa akin si Bella. Kung hindi dahil sa kaniya, hindi ako makakaganti sa mga Villanueva. Kung hindi dahil sa inyo, hindi niyo sila napalayas." sambit ni Nerissa.

"Alam mo tita, naging mabuting pinsan si Bella. Kahit na, ako ang pinagbintangan niyang pumatay sa nanay niya, kahit kailan, 'di ko siya sinisi. Ni minsan, hindi ako nagalit sa kaniya. Masaya ako dahil naging pinsan ko siya." tugon ni Karen.

"Oo nga. Alam mo, masaya rin ako na nakilala ko si Bella. Parehas lang pala kaming may galit sa mga Villanueva." sambit ni Nerissa.

"Nga po pala, kamusta na po si tito Nelson? Okay na po ba siya?" tanong ni Karen.

"Ayun, nasa ospital pa rin siya. Hindi pa rin siya gumigising. Pinagbantay ko si April para may kasama siya." tugon ni Nerissa.

"Sana po, gumaling na si tito Nelson. Sana, hindi na po siya magtagal sa ospital." sambit ni Karen.

"Sana nga, iha." tugon ni Nerissa.

"O insan, gusto mo ba ng kape? Tinapay? Ano bang gusto mong kainin?" tanong ni Ariana nang tinabihan niya si Karen.

"Ayoko, Ariana. Wala kasi akong gana. Pasensiya ka na." tugon ni Karen.

"Sige, okay lang."

Maya-maya lamang ay bumukas ang pintuan. Nakita ni Leslie na may dalawang babaeng pumasok. Sina Joana at Olivia.

"Joana? Anong ginagawa ninyo rito? Ma'am Olivia?" tanong ni Leslie.

"Ah, Leslie, nagpunta kasi kami rito dahil... dahil gusto namin kayong makausap ng personal." tugon ni Olivia.

Napatayo si Karen sa kaniyang kinauupuan nang makita ang mag-ina.

"Ano nanaman po bang ginagawa niyo rito? Pwede po ba, 'wag niyo nang guluhin ang burol ni Bella!" sambit ni Karen.

"Hon, kumalma ka." tugon naman ni Edward.

"Tama si mommy. Pumunta kami rito dahil nabalitaan namin na namatay na pala ang pinsan niyo. Gusto kasi sana naming makiramay." sambit ni Joana.

"T-totoo ba 'yan, Joana?" tanong ni Leslie.

"Oo, Leslie. Totoo 'to. Pumunta na rin kami dito para humingi ng dispensa. Gusto kong humingi ng sorry dahil sa mga hindi magandang nangyari sa atin noon. Gusto kong, gusto kong humingi ng tawad dahil sa lahat ng mga ginawa ko. I know that i've been cruel and unfair to you. I know na, hindi ako naging mabuting tao sayo. Hindi kita trinato ng maayos, hindi kita itinuring na tao. That's why, I'm really really sorry for that. Pangako Leslie, 'di na mauulit ang lahat ng 'yon." tugon ni Joana.

"T-totoo ba 'tong mga naririnig ko, Joana? Humihingi ka na ng tawad sa akin?" tanong ni Leslie.

"Oo, Leslie. Gusto ko na ring magbago. Ayoko na mang-bully ng ibang tao. I realized that, I did a lot of mistakes. I did a lot of bad things, lalong-lalo na sayo. Pasensiya ka na kung naging mainggitin at selosa ako. Alam mo naman kasing mahal na mahal ko si Nikko. Alam mo naman na parati akong naiinggit kapag magkasama kayong dalawa. Pero 'wag kang mag-alala, pinaparaya ko na siya. Alam ko namang kayo talaga ang para sa isa't-isa eh. At tsaka, may bago na rin akong boyfriend, si Luke." tugon ni Joana.

The SwitchTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang