Chapter 159: Sukdulang Kasamaan

6 0 0
                                    

"You're insane, Roxanne. You're insane!" sigaw ni Karen.

"Yes, I'm really insane! Alam niyo, kung hindi mo lang naman pinagdamot ang kung anong meron ka, hindi tayo magiging ganito! Pero hindi e. Hindi! Pinagdamot mo sila sa akin! Si Edward! Ipinagdamot mo siya! Siya lang naman ang gusto ko, 'di ba? Pero bakit pinagdamot mo pa rin siya?" tanong ni Roxanne.

"Dahil kami ang naunang nagmahalan. Mag-asawa na kami nung panahong nakilala mo siya. At anong tingin mo sa kaniya? Laruan na pwede na lang ipamigay kung kani-kanino?" tugon ni Karen.

"Wala akong pakialam sa sasabihin mo, Karen! Hindi ako magiging masaya hangga't hindi kayo nagiging miserable! Kung ako, miserable, dapat ganun ka rin! Ayos lang sa akin na hindi maging masaya. Basta dapat, hindi ka rin masaya. Kayong lahat! Hahahahaha!" sambit ni Roxanne.

"Wala ka na talagang pag-asa, Roxanne. Wala nang pag-asa na maisalba pa 'yang kaluluwa mo! At kapal ng mukha mong isisi sa amin lahat ng kamalasang nangyayari sa buhay mo! Kung mayron man ditong dapat sisihin, ikaw! Ikaw ang may kagagawan ng lahat at hindi ako! Kaya wala kang karapatang ibintang sa amin ang lahat! Wala kang karapatang isisi sa amin ang lahat ng kamalasan mo!" tugon ni Karen.

"Tumahimik ka!" sigaw ni Roxanne sabay sampal kay Karen.

"May karapatan akong isisi sa inyo ang lahat! Dahil kayo ang may kagagawan nun! 'Yung pagpapalayas niyo sa amin sa bahay namin, hindi ba kayo ng magaling mong pinsan na si Bella at si Nerissa ang may gawa nun? 'Yung pagpatay mo kay kuya? 'Yung pagburol niyo sa amin ng buhay? Hindi ba kayo? Kayo ang may kagagawan nun!" tugon ni Roxanne.

"Tama ka! Kami ang may kagagawan nun! Ginawa namin 'yun para protektahan ang mga mahal namin sa buhay! Ginawa namin 'yun para ipaglaban ang karapatan namin! Pero kung tutuusin, maswerte ka pa rin! Bakit? Namatayan ako ng tita, ng pinsan, ng kaibigan, ng mga taong tumulong sa amin, pero ikaw? Kuya mo lang ang nawala sayo! Kuya mo lang ang namatay!" sambit ni Karen.

"Pero buo ang pamilya mo! May nanay ka, may tatay, may mga kapatid ka! Eh ako, wala na akong tatay, tapos pinatay niyo pa 'yung kuya ko? Ang sakit no'n, 'di ba?" tugon ni Roxanne.

"Hindi namin siya pinatay. Namatay siya dahil sa sarili niyang kasamaan! Namatay siya dahil mas pinili ninyo ang kasamaan kaysa sa kabutihan!" sigaw ni Karen.

"Hindi. Ikaw pa rin ang pumatay sa kaniya! Ikaw ang may kasalanan ng lahat kung bakit kami nagkakaganito! Hindi magiging miserable ang buhay namin kung hindi dahil sayo! Kulang pa ang buhay mo sa buhay ng kuya ko!" tugon ni Roxanne.

"Hindi totoo 'yan, Roxanne! Kung hindi ka lang naging makasarili, at kung hindi ka lang naging masama, hindi magiging miserable ang buhay mo!" sigaw ni Karen.

Dalawang malutong na sampal ang binigay ni Roxanne kay Karen.

"Tama na 'yan, ha! Tama na 'yan! Alam mo Karen, kahit na ano pang sabihin mo, wala ka nang magagawa! Dito na kayo mamamatay kasama ng nanay mo at netong kapatid mo! Hindi na kayo magiging masaya! Kaya kung ako sa inyo, maghanda-handa na kayo dahil sisiguraduhin naming hindi niyo kakayanin ang mga susunod na mangyayari! At maghanda na rin kayong makita si Satanas!" sambit ni Vicky.

"Hayop ka talaga, Vicky! Ikaw rin ang may kagagawan ng lahat! Kung hindi ka lang naging masamang ina at nang-agaw ng asawa, hindi magiging ganyan ang ugali ng anak mo! Baka siguro, nahawa si Roxanne sa kasamaan ng ugali mo kaya nagkakaganito siya ngayon!" tugon ni Magda.

"Hayop ka, Magda! How dare you na husgahan ako at ang anak ko? Ang tigas din ng mukha mo, 'no? Wala kang karapatang sabihin 'yan sa amin! At kahit ano pang sabihin niyo, hindi niyo na mababago ang sitwasyon ngayon. Mamamatay na kayo! Mamamatay na kayo! Mamamatay na kayo!" sigaw ni Vicky.

The SwitchWhere stories live. Discover now