Chapter 155: Pagtutuos

1 0 0
                                    

"Eh friend, papaano mo naman gagawin 'yun?" tanong ni Ariana.

"Kailangan naming magtuos. Kailangan niyang pagbayaran ang lahat ng kasalanan niya. Maging ng pamilya niya." tugon ni Karen.

"K-Karen..." nanghihinang sambit ni Nerissa.

"T-tita? May kailangan po ba kayo?" tanong ni Karen.

"K-Karen, i-ipaglaban mo ang hustisya. W-'wag mong hahayaang m-manaig ang k-kasamaan. I-ipagpatuloy mo ang laban sa mga Villanueva. I-ipaghiganti mo ako, p-pati ang lahat ng mga taong pinatay nila. I-ipaghiganti mo rin ako kay Martha, a-ang taong pumatay sa asawa ko." nanghihinang tugon ni Nerissa.

"Opo, tita. Gagawin ko po 'yan lahat. Ipaglalaban ko ang hustisya. At hinding-hindi ko hahayaang manaig ang kasamaan." sambit ni Karen.

"S-salamat, s-salamat sa inyong lahat. S-salamat sa kabutihan ninyo. H-higit sa lahat, K-Karen, s-salamat kasi kung hindi dahil sayo, h-hindi ko malalaman kung sino ang totoong pumatay sa anak ko. P-patawarin mo ako kung nagkaroon ako ng galit at sama ng loob sa iyo dati. S-sana, magtagumpay ka sa laban mo." tugon ni Nerissa.

"Opo, tita. Tatandaan ko po ang lahat ng mga bilin ninyo. At kung iniisip niyo man po na may sama pa rin ako ng loob sa inyo dahil sa ginawa ninyo noon, wala na po 'yun." ani Karen.

"A-April, s-salamat din sa iyo. S-salamat dahil ikaw ang tumayong anak ko noong mamatay si Mystie. S-salamat din sa lahat. A-April, W-'wag mong hahayaang mawala ang lahat ng mga pinaghirapan natin." sambit ni Nerissa.

"Tita, 'wag naman po kayong magsalita ng ganyan. Bakit parang nagpapaalam na kayo? Tita, 'wag mo 'kong iwan." tugon ni April.

"A-April, r-ramdam na ramdam ko na hanggang dito na lang ako. Ramdam ko na ang katapusan ko. S-sa wakas, m-magkakasama na rin kami ng pamilya ko sa kabilang buhay. P-pasensiya na kung hindi na kita masasamahan sa lakbayin mo sa buhay. P-pasensiya na kayong lahat kung hanggang dito na lang ako. H-hindi ko na kaya." hinang-hinang sambit ni Nerissa.

"Tita, please, 'wag. 'Wag mo kaming iiwan. Kailangan ka pa namin. Kailangan pa kita. Lalabanan natin ang mga Villanueva. Kukunin pa natin ang hustisya." tugon ni Karen.

Umiling-iling na lamang si Nerissa bilang pagtugon kay Karen.

"Tita..."

"K-Karen, s-sa inyo ko ipapamana ang bahay ko. T-titira kayo doon kasama si April. K-kayo na ang bahala sa lahat ng ari-arian ko. B-basta ang mahalaga, alam kong nasa mabuting kamay na ang mga pinaghirapan ko." sambit ni Nerissa.

"Opo, tita. Opo. Kami na po ang bahala. Kami na po ang bahala." lumuluhang tugon ni Karen.

Pagkatapos noon ay unti-unting pumikit si Nerissa. Unti-unting nagdilim ang paningin niya. Hanggang sa...

Hanggang sa bawian na siya ng buhay...

—————

"Grabe, Karen, ang bilis ng pangyayari. Hindi ko akalaing, pati si tita, mawawala. Nawala na ang nanay ko, ang tatay ko, si Mystie, si tito Nelson, pati si tita Nerissa. Hindi ko na alam kung saan pa ako pupulutin. Hindi ko na alam kung paano pa ako makakabangon. Hindi ko na alam." umiiyak na sambit ni April.

"April, 'wag kang mag-alala. Nandito pa kami. Tutulungan ka namin. Nandito ako, si Leslie, si Sabrina, si nanay, si tatay, si Edward, kaming lahat. Nandito kami. Tutulungan ka naming harapin ang bawat araw ng buhay mo." tugon ni Karen.

"Salamat, Karen. Maraming salamat. Utang ko sayo ang buhay ko." sambit ni April.

Napalingon sina Karen at April nang makita nilang may tumatakbo papunta sa hallway ng ospital.

The Switchحيث تعيش القصص. اكتشف الآن