Chapter 23: Paghaharap

10 2 0
                                    

"Oo, ako si Vicky. At anong problema mo, Magda?" tanong ni Vicky.

"Hayop ka, ikaw ang sumira sa pamilya namin! Kung hindi dahil sayo, hindi kami nagkasira ni Rico!" tugon ni Magda.

"Well, I don't care kung maghiwalay pa kayo. Minahal ko ang asawa mo at alam kong minahal niya rin ako," saad ni Vicky.

"Ang kapal ng mukha mong babae ka, pero huwag kang mag-alala, dahil ako na ang mas pinipili ni Rico kaysa sayo." sambit ni Magda.

"Well, Magda, I don't care. I don't care kahit sino pa ang piliin niya, wala akong pakialam," tugon ni Vicky.

"Ito ang tatandaan mo, Vicky, 'wag na 'wag kong makikita ka na lumalapit sa asawa ko. Kapag hindi mo tinigilan si Rico, ako ang bubura d'yan sa mukha mo!" sambit ni Magda.

"I don't care, get out of my way. May importante pa akong pupuntahan." saad ni Vicky at tsaka naglakad palayo.

Napabuntong-hininga si Magda. Naiinis siya kay Vicky. Pero naisip niya, ano kayang pinag-awayan nila at bakit nila naisipang maghiwalay?

Makalipas ang ilang oras, nakauwi na rin ng bahay si Magda.

"Nay, bakit po ganyan ang itsura ninyo? Ayos lang po ba kayo?" tanong ni Leslie.

"Nak, mahabang kuwento. Nagkita kami nung..." tugon ni Magda ngunit hindi niya maituloy ang sasabihin.

"Sino po, Nay? Sino pong nakita niyo?" tanong ni Leslie.

"Nakita ko ang dating kabit ng papa mo. Nakasalubong ko siya kanina sa palengke." sagot ni Magda.

"Eh ano pong ginawa niyo? Ano pong nangyari?" ani Leslie.

"Wala naman, anak. Naalala ko lang 'yung mga kawalanghiyaang ginawa niya sa pamilya natin. Hindi pa rin ako makapaniwala na nasira ang pamilya natin nang dahil sa kaniya." tugon ni Magda.

"Hayaan niyo na po, Nay. Hindi naman na po siguro mauulit 'yung kasalanan ni Tatay. At sana po, tumigil na rin sa panggugulo 'yung kabit niya." saad ni Leslie.

"Kaya nga, anak. Pero heto, heto na 'yung mga school supplies mo para sa pasukan ninyo bukas." sambit ni Magda.

"Salamat po, Nay!" tugon ni Leslie.

"Wow! Ano 'yan?" tanong naman ni Roxanne habang pababa ng hagdan.

"Mga school supplies ko, ate. Pasukan na kasi bukas eh." sagot ni Leslie.

"Naku, Leslie, pagbutihin mo ang pag-aaral mo ha. Don't worry, kapag matataas ang mga grades mo, bibigyan kita ng reward." saad ni Roxanne.

"Naku, ate, salamat!" tugon ni Leslie.

"Oh anak, ba't parang nakabihis ka?" tanong naman ni Magda.

"Nay, babalik na po kasi ako sa mansyon. Baka po, hinahanap na ako ni Edward." ani Karen.

"O siya sige, anak. Mag-iingat ka parati. Sabihin mo sa 'kin palagi 'pag inaapi ka ng biyenan mo ah!" saad ni Magda.

"Sige po, Nay. Salamat po. Alis na po ako." tugon ni Roxanne.

"Nagpaalam ka na ba sa tatay mo?" tanong ni Magda.

"Opo, Nay. Nagpaalam na po ako. Alis na po ako." sagot ni Roxanne.

"Sige anak, ingat ka." saad ni Magda.

—————

Kinabukasan, maagang gumising si Leslie dahil unang araw ng kanilang pasukan. Maaga siyang nag-ayos ng kaniyang mga gamit.

"Naku, anak, kolehiyo ka na. Sana, pagbutihan mo ang pag-aaral mo ha." ani Magda.

"Opo, Nay. Pagbubutihan ko po." tugon ni Leslie.

"Sige, anak. Aayusin ko lang 'tong baunan mo." sambit ni Magda.

"Sige po, Nay." ani Leslie at tsaka nagtungo sa banyo upang maligo.

Pagkatapos niyang maligo, kaagad siyang nagtungo sa kaniyang kwarto upang magbihis.

"Anak, ang ganda mo naman." sambit ni Rico habang pababa ng hagdan.

"Salamat po, Tay. Medyo kinakabahan nga po ako sa first day ko eh." tugon ni Leslie.

"Anak, huwag kang kabahan. Tsaka, kasama mo naman si Mindy diba?" tanong ni Rico.

"Opo, Tay. Tawagan ko raw po siya kapag malapit na po ako sa school." sagot ni Leslie.

"Anak, heto na ang baon mo. Mag-aaral kang mabuti ha?" sambit ni Magda.

"Opo, Nay. Salamat po. Sige po, alis na po ako." tugon ni Leslie.

"Sige anak, ingat ka." sambit ni Magda.

"Ingat ka, anak. Uwi ka ng maaga ha," ani Rico.

"Sige po, Nay, Tay, alis na po ako." sambit ni Leslie sabay yakap sa mga magulang at umalis.

—————

"Mindy, malapit na ako. Nasan ka na?" tanong ni Leslie sa kaibigan niyang si Mindy sa telepono.

"Andito na 'ko. Bilisan mo ang magsisimula na ang klase!" tugon ni Mindy.

"Sige, sige. Malapit na ako. Mga less than five minutes." ani Leslie.

"Sige."

Makalipas ang ilang sandali, nakarating na rin si Leslie sa kanilang paaralan. Nakita niya kaagad si Mindy.

"Mindy!" sambit ni Leslie.

"Oh, Leslie! Kanina pa kita hinihintay, ang tagal mo naman." tugon ni Mindy.

"Naku, pasensiya ka na, medyo traffic lang." sambit ni Leslie.

"O siya sige, hanapin na natin kung saang klase tayo." ani Mindy.

"Sige, sige."

Nang mahanap nina Leslie at Mindy ang listahan kung saang klase sila tutungo, kaagad silang nagpunta roon. Magkaklase sina Leslie at Mindy.

"Nasa Room 208A pala ang room natin. Halika na!" sambit ni Mindy.

Kaagad nagtungo ang dalawa sa kanilang room. Matapos ang kanilang klase, breaktime na nila.

Kaagad bumaba ang dalawang magkaibigan. Nagtungo sila sa cafeteria at bumili ng pagkain.

"Bes, talagang hotdog sandwich lang talaga kakainin mo?" tanong ni Leslie.

"Oo, marami kasi akong kinain kanina sa bahay eh. Medyo busog pa ako. At tsaka, medyo nagtitipid kasi ako ngayon eh." tugon ni Mindy.

"Sabagay, talagang dapat tayong magtipid para may ipon tayo pagdating ng panahon." ani Leslie.

"Oo nga. Balak ko pa naman kasing magtravel sa Japan eh." tugon ni Mindy.

"Jusko, inuna pa talaga 'yung travel-travel. O siya sige na nga, kumain na nga tayo!" ani Leslie.

Matapos nilang kumain sa cafeteria, lumabas ang dalawa at naglakad-lakad. Mahaba pa ang oras ng kanilang breaktime.

Naglakad-lakad ang dalawa hanggang sa makarating sila sa court. Maraming naglalaro ng basketball doon.

"Ano ba 'yan, first day na first day, andami na kaagad naglalaro." ani Leslie.

"Kaya nga eh. Upo muna tayo. Panoorin natin sila maglaro." tugon ni Mindy.

"O siya sige," sambit ni Leslie.

Habang sila ay nanonood, aksidenteng natamaan ng isang player si Leslie ng bola.

Kaagad na pinuntahan ng player si Leslie.

"Sorry, miss!" sambit nito.

"Ano ba 'yan, kuya! Hindi ka naman nag-iingat eh! Ayan, natamaan mo pa tuloy si Leslie!" masungit na sambit ni Mindy.

"Okay lang 'yun." sambit ni Leslie habang siya ay nahihilo at unti-unti siyang nawalan ng malay.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now