Chapter 62: Agaw-Buhay

6 3 0
                                    

Nagmamadaling tumakbo si Olivia patungo sa emergency room. Napaluha siya nang makita ang anak na nag-faflatine. Sinusubukan na rin siyang i-revive ng mga doktor.

"Anak, please, lumaban ka!" umiiyak na sambit ni Olivia.

Nagpatuloy sa pag-CCPR ang mga doktor. Wala pa ring nakikitang pulso kay Joana.

"Please, save her! Please! Iligtas ninyo ang anak ko!" sigaw ni Olivia.

Nakatingin sina Leslie at Magda sa nirerevive na katawan ni Joana. Natatakot si Leslie na baka may masamang mangyari kay Joana.

"N-nay, natatakot po ako. Sana po, ma-revive nila si Joana." natatakot at kinakabahang sambit ni Leslie.

"Huwag kang mag-alala, anak. Ipapanalangin natin si Joana. Makakaligtas siya." tugon ni Magda.

"Oo nga, Leslie. Kumalma ka." ani Roxanne.

"N-nay, a-ate, p-parang hindi ako m-makahinga." sambit ni Leslie at pansamantalang nawalan ng malay.

"Leslie! Leslie!" sigaw ni Magda.

"Teka, nay! Tatawag ako ng nurse!" sigaw ni Roxanne.

Joana's POV

Bakit nasa ospital ako? Anong nangyayari?

Luminga-linga ako sa paligid, at nagulat ako sa nakita ko.

Nakikita ko ang sarili kong katawan! Bakit ako nirerevive ng mga doktor? Patay na ba ako?

Nakikita kong umiiyak si mommy. Tinitignan niya ang katawan ko hahang nirerevive ako.

"Anak, lumaban ka! Lumaban ka, anak! Please do everything to save her! Please!" naririnig ko ang pagtangis niya.

Tumakbo ako papunta sa kaniya.

"Mommy, I'm here! Nandito ako!" sigaw ko ngunit hindi niya yata ako naririnig.

"Mommy!" sumigaw ulit ako ngunit nagulat ako nang bigla akong maglaho.

Narrator's POV

Makalipas ang ilang minuto...

Patuloy pa rin sa pag-iyak si Olivia. Umaasa siyang mabubuhay ang kaniyang anak.

"We got a pulse!" nagulat si Olivia nang sabihin ito ng doktor.

"Jusko, salamat! Salamat po!" lumuluhang sambit ni Olivia.

Napatingin si Karen sa emergency room.

"Nay, tignan niyo po, oh." sambit ni Roxanne.

"Nak, ikaw muna ang bahala dito sa kapatid mo. Painumin mo ng tubig." tugon ni Magda.

"Sige po, Nay."

Tumayo si Magda sa kaniyang kinauupuan upang tignan ang nangyayari sa emergency room.

"Buhay si Joana!" sambit ni Magda.

Makalipas ang ilang sandali, nagkaroon na muli ng malay si Leslie.

"Nay? Ate?" sambit ni Leslie.

"Anak, may magandang balita ako sayo, na-revive nila si Joana!" tugon ni Magda.

"Po? Talaga po? Naku, salamat po! Salamat!" kampanteng sambit ni Leslie.

—————

"Ma'am, stable na po ang lagay ng anak ninyo. Inilipat na po namin siya sa private room. Pwede niyo na po siyang puntahan anytime." sambit ng doktor.

"Naku, doc, maraming salamat po! Salamat po talaga, doc! Pero, kailan po siya magigising?" tanong ni Olivia.

"She must be awake for 24-48 hours. Hindi naman masyadong malala ang nangyaring aksidente at wala naman masyadong naapektuhan sa kaniyang utak." tugon ng doktor.

"Sige po, doc, salamat po ng marami." ani Olivia.

"Sige po, maiwan ko muna kayo."

Gumaan ang loob ni Olivia nang marinig ang mga katagang iyon ng doktor. Masaya siya dahil maayos na ang kalagayan ng kaniyang anak.

Pinuntahan ni Olivia si Joana sa kaniyang kwarto. Nakita niyang nakahiga ang anak.

Napaluha si Olivia.

"Anak, tinakot mo naman ako, e. Kinabahan ako sayo. Akala ko, iiwan mo na ako. Natakot ako ng sobra dahil akala ko mawawala ka na sa 'kin." sambit nito.

Napalingon si Olivia sa pinto nang biglang may kumatok dito. Dumating ang mga kaibigan ni Joana.

"Cath, Nicole, halika, pasok kayo." sambit ni Olivia.

"Tita, nabalitaan po kasi namin 'yung nangyari kay Joana. Kamusta na po siya?" tanong ni Nicole.

"Ayun, wala pa rin siyang malay. Ang sabi ng doktor, 24-48 hours pa raw siya magigising." tugon ni Olivia.

"Tita, matanong ko lang po, ano po bang nangyari sa kaniya? Bakit po ba siya naaksidente?" tanong ni Cath.

"'Yung pesteng Leslie na 'yun. 'Yung babaeng kaaway niya, siya ang may gawa nito sa anak ko." tugon ni Olivia.

"Leslie? Hindi po ba, siya 'yung kaaway ni Leslie sa school?" tanong ni Cath.

"Oo, Cath. Tama ka. Si Leslie ang babaeng laging kaaway ng anak ko sa school. Walanghiya siya. Siya ang may kagagawan ng lahat ng 'to. Kung hindi dahil sa kaniya, wala sana ang anak ko rito sa ospital." tugon ni Olivia.

"Ano pong eksaktong nangyari kay Joana? Paano po siya naaksidente?" tanong ni Nicole.

"Nahulog si Joana mula sa second floor ng mall. Nakita ko na lang na nakakapit siya sa harang. At sigurado ako, na si Leslie ang may gawa no'n." tugon ni Olivia.

"Hayop talaga 'yung babaeng 'yun. Alam niyo tita, parati naming nakikita sa school na inaaway siya nung babaeng 'yun. Palagi niya pong sinasaktan si Joana." kwento ni Nicole.

"Oo nga po, tita. Tama po si Nicole. Para niya pong sinasaktan si Joana." dagdag pa ni Cath.

"Walanghiya talaga 'yung Leslie na 'yun. Humanda sila ng buong pamilya niya. Maghihiganti ako. At hindi ako papayag na hindi ko makuha ang hustisya para sa anak ko." tugon ni Olivia.

"Ano pong balak ninyo, tita?" tanong ni Nicole.

"Well, as of now, hindi ko pa alam. Pero gagawin ko ang lahat para makabawi sa pamilya nina Leslie. Nang dahil sa kanila, nandito ngayon sa ospital ang anak ko." tugon ni Olivia.

"Well, tita, that sounds good. Sige, kasama mo kami sa laban ninyo ni Joana." sambit ni Nicole.

"Ako rin po, tita." dagdag pa ni Cath.

"Salamat, Nicole." tugon ni Olivia.

—————

"Ano ba, ha? Wala pa rin ba kayong balita? Parati ninyong sinasabing maghahanap kayo pero ano? May nahahanap ba kayo?" sigaw ni Rita sa telepono.

"Pasensiya na po, ma'am." tugon ni PO1 Garcia.

"Mga wala kayong kwenta! Alam ninyo, 'wag niyo nang hanapin ang anak ko! Ako na lang ang maghahanap sa kaniya! Baka may mas mapala pa ako!" sigaw ni Rita at ibinaba ang telepono.

"Ma'am, okay lang po ba kayo? Sino po ba 'yang kausap ninyo? Bakit po, parang galit na galit po kayo?" tanong ni Janice.

"'Yung mga pulis na kausap ko, mga wala silang kwenta! Ang tagal-tagal na nilang naghahanap, pero ano? Wala pa rin silang nakikita! Mas lalo tuloy akong natatakot dahil baka mas lalo nilang hindi makita ang anak ko!" tugon ni Rita.

To be continued...

The SwitchWhere stories live. Discover now