Chapter 16

7.8K 177 9
                                    

Chapter 16

Azel POV

“Ahhh!!!!”

Kasabay ng pag putok ng baril ay sya rin naman nanginginig ko’ng hampas sa batok ni Jason ng kapirasong kahoy. hindi ko kayang makakita ng taong mamatay sa aking harapan, hindi pa naman ako gano’ng kasama.

Nakahinga  ako ng malalim ng hindi tumama kay Allison ang baril

“Azel? What the.. ANO’NG INIISIP MO!!!”

Pasigaw ni Jason sa mukha ko habang  hinihimas ang masakit nyang batok.

“. W-wala sa usapan natin ang p-pumatay Jason.”

Utal utal ko’ng paliwanag sa kanya dahil sa takot. Hindi ko naman alam na ganito ang pinaplano nya.

Ngumisi sya ng tila ba isang tunay na mamatay tao tulad  sa isang pelikula.

“wag mo’ng sabihin na nagbabago na yang isip mo Azel, nakalimutan mo na ba na si Allison ang dahilan kung bakit namatay ang tatay mo? I mean tatay nyo sa daan habang nagmamadaling pumunta sa birthday party ni Allison..”

Muling bumalik ang sakit at galit sa akinng pagkatao, kusang sumara ang aking mga palad at naginig ang aking kalamnan.

 “…o baka naman nakalimutan mo na din ang pagpapakamatay ng babaeng mahal mo ng hindi na nya makayanan ang mga sinasabi ng mga tao.. hindi ba’t si Allison din ang may gawa non?..”

Maslalong nag higpit sa pagkadakot ng aking mga palad, ramdam ko na ang matutulis kong kuko na tumutusok sa aking kamay.

“…here.. buhay ang nawala sayo, dapat buhay din ang kapalit non...”

Mahinahon nyang samabit sabay bigay sa akin ng baril.inabot ko ito ng walang anu ano  at itinutok sa nakahandusay na si Allison.

“..pag kakataon mo na para gumanti Azel, wag mong hayaang masayang ‘to..”

Tila  demonyong bumubulong sa akin ang  bawat salitang lumalabas sa bibig ni Jason, ngunit kahit anong galit ko ay hindi ko kayang pumatay ng tao kung kayat ibinaba ko ang aking mga kamay, mabilis ang paghinga .

“I can’t … i-iwanan na natin sila”

Pinipilt ko’ng huminahon habang nag sasalita.. ngunit malakas ang kabog ng aking dibdib.

“No! kung hindi mo kaya.. pwes ako nalang ang gagawa..”

Pagtangi ni Jason sabay hablot sa baril ngunit hinigpitan ko lalo ang hawak ko dito.. wala akong balak na ibalik sa kanya ang baril, ayoko ng may mamatay dito sa loob ng kwartong ito.. kahit sino. kahit hinang hina na ako ay hindi ko parin ito binitawan.

“let it go Azel, Let.It.Go!!”

Sigaw ni Jason sa aking mukha.. aaminin ko’ng masmalakas sya sa akin.. kung kayat sinipa ko ang pagitan ng kanyang mga hita upang makatakas sa higpit ng pagkakahawak nya sa akin… 

“Ahhh!! Bitch!!”

Napaluhod sya sa sakit habang hawak ang lugar kung saan dumapo ang aking mga paa.

“sorry Jason but we need to stop this, nakaganti na tayo, let’s leave them alone!”

“are you kidding me? Akala mo ba sa ginawa natin palalampasin ‘to ni Allison? Hindi mo ba naisip na  pag binuhay natin yang dalawa e tatahimik lang sila na parang walang nangyari?Think Azel! think!”

Makahulgan nyang pagpapaliwanag, dahil sa mga sinabi nya ay tila nagulo ang aking isip. tila may anghel at demonyo ang bumubulong sa akin kung ano ba ang dapat ko'ng gawin.

Inlove With The Monster (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon