Chapter 28

6.3K 107 38
                                    


Ang ganda ng panahon, ang lamig ng simoy ng hangin habang nakasilip ang araw, iniunat ko ang aking mga paa at nahiga sa damuhan kung nasaan si Alison.

"Alison..." bulong ko habang nakapikit. Tahimik lang sa lugar. Ang maririnig mo lang ay ang mga huni ng ibon na bumababa upang kumuha ng pag kain para sa kanilang mga sisiw. Di ko naramdaman na tumutulo na pala ang mga luha ko habang nag sasalita kung kayat agad ko pinunasan ito gamit ang laylayan ng aking long sleeve.

"Simula ng nakilala kita Alison , naging kumplikado na ang lahat. Pero ni minsan hindi ko yun pinag sisihan, ni isang Segundo ng buhay ko hindi ko pinagsisihan na nakilala kita... pwede kitang layuan nuong una palang pero di ko ginawa,mas pinili kita kahit alam kong hindi na magiging kagaya ng dati ang buhay ko. . . . Nakakatawa lang, na Yung taong pinaka ayaw mo ay yun pala ang taong mamahalin mo ng todo. Pero ganun nga siguro, walang excepted magpakatanga sa pag ibig.." katahimikan ang sumagot sa aking pagsasalita.

Ang dami ng nagbago simula ng makilala kita, pero masmadaming nagbago simula ng mawala ka.

"... miss na kita Alison.." muli ay dahan dahang tumulo ang mainit na likido sa aking pisngi pero sa pagkakataong ito hinayaan ko nalang umagos habang pinag mamasdan ang matigas na kongkreto kung saan naka ukit ang pangalan ni Alison. ang pinakamamahal kong Alison.

Sinangga ni Alison ang bala ng baril na sana ay para sa akin bago pa man dumating ang mga police at naligtas kami ni Azel pero hindi na si Alison. Hindi na kinaya ng katawan nya ang lahat ng pahirap na natangap nya kay Jason.

Pag katapos ng lahat ng mga nangyari ay nawalan na ako ng pag asa at ganang mabuhay.. lahat nakalimutan ko pati ang Diyos. Ang nasa isip ko lang ng mga panahon nayon ay kung gaano ka unfair ang buhay, bakit kung kalian alam mo na kung pano 'to sayawan tsaka ka naman mapipilayan? Bakit kung kailan natatanaw mo na ang dulo tsaka ka naman madadapa? Bakit kung kailan alam mo na ang sagot tsaka ka naman mauubusan ng oras? At bakit kung kailan natutunan mo na syang mahalin tsaka naman sya mawawala?

-----------------------------------------------------

"Pero year after,  naging mystery ang biglaang pagkawala ni Eya. Huli syang nakita sa sementeryo na pinag libingan kay Alison"

"Sir Jason! , Im curious about dun sa guy na pumatay kay Alison? Anong nangyari sa kanya after nyang makulong?"

"That's it for now, class dismiss! Have a great weekend. Goodbye! "

"But Sir, maybe Jason abduct her. I should investigate! "

"do you know the proverb about curiosity? pag di ka tumigil.. ikaw yung magiging pusa! "



-----------------------------------------------END----------------------------------------------------


Disappointed? okay lang yan.. ako din naman haha

Sad. pero totoo na 'to.. eto na talaga ang ending..  naiiyak ako. chos! 

THANK YOU PEOPLE!!  woot! woot! 


                                                                                                                                                xoxo   TIN


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 18, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Inlove With The Monster (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon