Chapter 6 Part 2.

9.3K 287 22
                                    

Part 2

Kumakabog ang dibdib ko sa sobrang lakas na tunog ng musika. Mga ilaw na tila mo na pupundi at mga kabataang nag sasaya at nag sasayawan…

Ngayon lang ako nakapasok sa ganitong lugar,

“Hey! Ali, what’s up?”

Lumapit ang isang babae kay Alison na tila mo linta na kumapit sa leeg nito.. ang sarap nyang batukan!

 

“Hey”

 

“ bakit ngayon ka lang nag punta? Siguro meron ka ng iba?”

Maharot nyang sambit sabay hawak sa ilang buhok na nasa balikat ni Alison.

 

“I’m busy doing school”

 

“school? Huh, school is not your thing Ali.. ”

 

“well, it is now..”

 

“your funny.. let’s dance”

Naawala ng parang bula ang dalawa matapos nilang pumasok sa iba pang mga kabataan na nag sasayawan ..

Ngayon mag isa lang ako.. iniwan nya lang ako ng ganun ganon..great! mas pinili nya pang samahan yung kuto na yon! Ugh! Gusto ko syang tirisin. Silang dalawa actually!

 Naupo ako sa isang sofa na naka pwesto sa gilid. Mabuti nalang at walang nakaupo dito.. pinanunuod ko lang silang lahat habang nag kakasiyahan…  paano silang nag e-enjoy dito? Ang ingay, ang daming tao at sobrang lakas ang amoy ng alak.. hindi ko maimagine na pag sasaya ako sa ganitong lugar.

 

“Hi”

Nakuha ang attention ko sa lalaking nakatayo sa aking harapan. Matangkad, maganda ang pangangatawan. Maganda ang mata at paniguradong maraming mga babae ang kikiligin pag ngumiti.. pero hindi ako.

 

“hi”

Sagot ko tsaka ko sya binigyan ng ngiti. Wala naman sigurong masama kung makikipag kaibigan ako.. mukha naman syang mabait.

“John by the way”

 

“Rhea”

Nag paalam muna sya kung pwede daw bang umupo sa tabi ko. tumango ako at napa ngiti sa kanyang pagiging maginoo.. meron papalang mga lalake na ganito sa panahon ngayon.

 

“ah..drinks? I’ll get you a drink”

 

“ah.. Juice nalang saken”

Tumawa lang sya tila di maka paniwala at tuluyan ng umalis. Well. Di ko sya masisisi.

Inlove With The Monster (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon