Chapter 10

11.1K 227 18
                                    

 

 

Rhea’s POV

“sabay tayo mag Lunch, see you later!”

Sabay talikod at masayang umalis si Alison matapos nya akong sabayan sa pag lalakad hangang sa classroom.

 Naninibago ako, simula nuong nangyari ang aksidente ng pag kakasaksak sa kanya, parang nag simula ng nag bago ang pakikitungo nya sakin. Lagi na syang dumadaan sa bahay upang isabay ako sa pag pasok at maging sa pag uwi ay inihahatid nya rin ako. at ngayon inaya nya akong sumabay na kumain ng lunch sa kanya? Hindi kaya na-apekyuhan narin yung utak nya sa pag kakaaksidente?? Hay nakoo, -.-(wala namang kuneksyon ang pag kakasaksak ni Alison sa pag alog ng utak nya,)

“anu ba tong pinag-iiisip ko?”

Agad na akong pumasok sa classroom at naupo sa karaniwan kong upuan, wala pa ang guro kung kaya’t wala pa ang mga estudyante sa mga upuang naka destino sa kanila. Malakas mo pang maririnig ang mga tawanan at kwentuhan ng mga magkakaibigan habang mag kakasama sa isang lugar, may ilan din na mas piniling mapag isa at ubusin ang kanilang libreng oras sa pakikinig ng musika sa kanilang mga mamahalin at high-tech na mga gadgets o sa pag babasa ng mga nakakahumalingang mga libro

 

“Hey”

Malapit ng nahulog ang puso ko sa gulat ng may babaing bumulong sa aking tainga, agad kong nilingon ang babae na hindi masyadong katangkaran, malasutla ang kulay ng balat, maliit ang buka ng mga mata na tila isa sa mga bidang koreana sa Korean dramang napapanood ko sa telebisyon at ang buhok na umaabot lang sa ibabaw ng kanyang maliliit na balikat. Naka ngiti ito habang ang dalawang kamay ay nasa likuran ng kanyang katawan. Hindi ko na rin napigilan ang pag ngiti sa ka cute-an ni Jessy.

Naupo sya sa bakanteng upuan na katabi lang ng upuan na inuupuan ko ng walang paalam,. Diretso ang tingin nya sa aking mukha habang naka patong ang baba sa dalawa nyang cute na kamay na tila nanunuod ng paborito nyang palabas sa telebisyon . Hindi ko tuloy mapigilan ang pagkailang kung kayat umiwas ako ng tingin at itinuon sa dalawang lalake na nasa harap ng blackboard habang nag susulat ng mga kakaibang letra.

“so..”

At sa wakas nabasag ang nakakailang na katahimikan sa pagitan naming dalawa. Napalingon ako at hinintay na muli syang magsalita.

“… are you.. dating Alison?”

Nanlaki at nahulog ang panga ko ng marinig ang tanong ni Jessy. Makikita mo na seryoso sya sa tanong nya dahil naka titig sya sa akin habang nakataas ang isa nyang kilay. Umaayos ako ng upo at sumagot.

Hindi ko alam kung anu ba ang nasa isip nitong si Jessy at naiisip nya ang bagay na yon

 

“h-hindi, bakit mo naman naitanong?”

Lumiwanag at muling sumilip ang matamis na ngiti sa mukha ng babaing nasa tabi ko. di naman napigilan ng isang kilay ko ang pag angat.

Nakakatakot na ngayon, pansin ko nagiging weirdo na ang mga tao sa paligid .. simula naba ‘to ng pag sakop ng mga Alien sa Earth?

Inlove With The Monster (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon