Chapter 2

16.1K 413 19
                                    

Yo! Yo! Guys, grabe almost 1 month akong di naka open ng wattpad..sobrang dami kasing nangyare.., anyways, natuwa ako sa mga bumoto. Salamat guys(gusto ko kayong i-kiss haha kung walang magagalet)..at salamat din sa mga nag babasa nito..nag kakaron tuloy ako ng ganang mag sulat pag ganyan e..eto na yung Chapter 2 ..thank you ule.(sana nandyan pa kayo T.T)

PS:

 Keep on reading lang at vote nyo na ren..at sobrang matutuwa rin ako kung mag co-comment kayo. K.thanks.bye

=====================================================================================

Rhea Dilan

Matapos kong  mag shower ay umupo ako sa dulo ng kama upang patuyuin ang basa kong buhok.

Ano kaya ang gustong sabihin ni Alison? Ramdam kong may gusto syang sabihin pero hindi nya ito nasabi sa akin kanina..hindi ko rin nakita sa mukha nya ang galit ..mas nakita ko sa mga mata nya ang pag aalala na may halong lungkot?

Matapos matuyo ng buhok ko gamit ang suklay at stand fan.  nahiga na ako at tuluyan ng natulog habang iniisip si Alison..

“Riiiiinnngggg!!”

Napabalikwas ako sa kama ng marinig ko ang tunog ng alarm clock

6:30

kahit nahihirapan pang magbukas ng mata ko ay tumayo na ako upang maligo.

Isang oras din akong gumayak at matapos ay nag paalam na ako kay mama upang umalis at simulan na ang pag lalakad.

Maganda ang araw ngayon..masarap mag lakad, sa totoo lang may pang jeep naman ako pero mas gusto ko lang talagang mag lakad papasok at papauwi  galing sa eskwelahan...

Sa aking pag lalakad ay sumasabay sa pag hampas ng hangin ang aking buhok na nakalugay..parang musika sa aking tainga ang tunog ng mga sasakyang lumalampas sa akin

..marami rin akong nakikita na mga taong papasok na sa eskwelahan at trabaho

naputol ako sa maaliwalas at Masaya kong pag mamasid sa paligid ng karsada ng maramdaman ko ang malamig at makulay na tubig ang bumuhos sa buo kong katawan kasabay ng malakas na tawanan ng mga tao sa loob ng rumaragasang sasakayan,.

ganito ba bumati ng good morning si Alison? yun ang unang idea ang pumasok sa aking isipan.. eto na ang simula. ramdam ko.


“Eya? A-anung nang yari sayo?”

“hmm, meron lang nan trip sa kin habang nag lalakad ako sa daan”

“di na talaga safe dito sa mundo..nakilala mo?”

Umiling ako para sabihin hindi. Hindi ko naman sigurado kung si Alison nga talaga ang may gawa  non .baka nga mga wala lang magawa.

“bat pala andito ka sa tapat ng room namen? May kailangan ka ba?”

“a-a w-wala….well, isang tao lang alam kong kayang gumawa nyan”

“si-sino?”

“kaynino kaba may atraso? At sino ba ang walang pusong kayang gumawa nyan ditto??.”

“si…Alison?”

“Bingo! Walang duda si Alison  nga ‘yon..so evil talaga! lahat ng kamalditahan kaya nyang gawin satin.”

Sya rin ang pinag hinihinalaan ko pero wala pa naman akong matibay na ebidensya at hindi ko naman nakita yung mukha..kaya wala parin dapat akong karapatan na humusga.

Inlove With The Monster (gxg)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon