Perfect Four

5.7K 135 3
                                    

May balat ba siya sa puwet at puro kamalasan inaabot niya? O hindi niya alam na "Disaster" ang middle name niya?

Disaster no.1: Nawala ang passport niya. Hindi niya agad iyon nakita. Humingi pa siya ng tulong kay Ara para hanapin iyon.

Kalilipat niya lang kasi sa lugar na iyon dalawang linggo na nakakaraan. Hindi pa niya naayos mga gamit niya dahil naging busy sila sa trabaho, late na siya palagi umuuwi. Saturday was spent at the office and Sunday were used sleeping the whole day. Nang makaluwag siya sa suweldo niya, umalis na siya sa condo na pinatitirhan sa kanya ni Jose Marquez. Nang lumuwas kasi siya ng Maynila, at humingi ng tulong dito, ini-offer nito sa kanya ang condo nito bilang isa sa mga "pambayad" nito sa mga naging atraso nito at ng pamilya nito noon sa kanila ng mommy niya. Wala naman siyang choice that time, plus limited ang budget niya, pumayag na siya sa setup nito. Later she realized, though, na baka gawin nitong bala ang pagpapatira sa kanya sa tirahan nito para gawin niya ang gusto nito. Kaya napagdesisyunan niyang lumipat ng ibang tirahan para makawala dito. Hindi pa nga lang niya direktang nakakausap ang matanda dahil wala daw ito at nasa isang business trip sa Middle East.

Nalaman ni Ara na naghahanap siya ng tirahan kaya ini-offer nito ang apartment na ipinapagamit ng kompanya sa mga nagiging sekretarya nito. One of the perks of being the secretary of the general manager, maluho pagdating sa benefits.

Disaster no.2: At dahil nga hindi agad nakita pasaporte niya, they had to cancel their flights. Ayaw naman umalis ni Ara nang hindi siya kasama. Sa sobrang pagod at pag-aalala, malalim ang naging tulog niya nung gabi. Resulta, late siya nagising. Hindi niya narinig ang tunog ng alarm clock. Kung hindi pa sa walang tigil na tawag ni Ara, hindi siguro siya magigising. Umalis tuloy sila ng bahay nang hindi pa siya naliligo at mukhang bagong gising dahil wala ni isang kolorete sa mukha.

Disaster no.3: muntik na siyang hindi palagpasin sa immigration. And why is it so? Her passport is three months short to its expiration. For her to get out of the country, her travel document must be valid for at least six months. Again, her boss Ara came to the rescue. Mabuti na lang at malayong kamag-anak nito ang isa sa mga high officials ng ahensya. Nakiusap na lang ito para pagbigyan siyang makalabas ng bansa. She even signed a document saying Ara will be answerable to the government in case she makes some violation during her trip.

Disaster no.4: dahil sa stress at puyat, her monthly period came earlier than expected. And when she's having her period, expect her to feel nauseated and wanting to vomit every now and then.

Disaster no.5: she didn't make it to the groundbreaking dahil sa dysmenorrhea. Hindi na siya isinama ni Ara at pinagpahinga na lang siya. And since hindi siya nakapunta sa groundbreaking, hindi rin siya nakapag-sightseeing. In other words, she was stuck inside the hotel feeling dizzy and always running to the bathroom to vomit. Kaya pala sa eroplano pa lang, parang gusto niyang basagin ang bintana at tumalon sa pagkahilo.

She was now on her bed, wrapped with a blanket while wearing one of the bathrobes provided by the hotel. Nakainom na siya ng pain reliever na palagi niyang dala in cases ng katulad nito. Before she finally drifted to sleep, she prayed that she'll be okay in the evening at wala ng disaster pang darating. Sobrang nahihiya na siya kay Ara sa mga nangyayari sa kanya.

.

.

.

.

.


Thank you, Ms. Valdez for granting us this interview.

You're welcome, sagot naman ni Alyssa sa mga reporter na kausap niya. And thank you for covering this event. Are you also going to cover the party tonight?

PerfectNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ