Perfect Ending

5.4K 108 2
                                    

How is she now? humahangos na nilapitan ni Alyssa ang kaibigang si Victonara.

I don't know. Hindi pa lumalabas ang doctor. I'm really sorry! I...

It's okay, it's not your fault. It was an accident.

Pero si...

Don't worry about her. I already explained to her. She's on her way, by the way.

You....you mean, now? As in, straight from Manila?

If I guess it right, directly from our bed, tango sabay tingin niya sa relo niya. 

But...but ngayon na talaga? Hindi ba matatagalan?

She called the pilot while we were talking kanina. Alam mo naman yun kapag nag-panic, multi-tasking.

Patay!

Ayaw mong nandito sya?

'Di naman, kaso, alamo mo na.

Don't worry dude, it will be okay.

Did she sound mad?

Lagi naman, lalo na pagdating sa kanya. And this one, well, it's a first time, so...

Aly!

Vic, it's really okay, okay? Our girl's tough!

Pero kasi...

It's all part of growing up. And she really love what she's doing. Bata pa lang, yan na ang gusto niyang gawin. Den was able to persuade her to do something else for a while, in the end, yan pa rin ang gusto niya. Imagine, from ballet to...

Aly!!

Lumingon si Alyssa sa pinanggalingan ng boses. It was Dennise in her robe. And bedroom slippers.

Sabi na nga ba.

Hon! salubong na yakap niya dito.

How is she?!? nagpapanic na tanong ni Dennise sa kanya.

Mapula ang mata nito pati ilong, dahilan siguro sa pag-iyak at magulo ang pagkakaayos ng hanggang balikat na buhok. Nag-toothbrush lang siguro ito at ni hindi na nag-abalang magpalit ng damit sa sobrang pag-aalala sa anak.

I just came too, but wala pang balita. Hindi pa lumalabas ang doctor, kalmadong tugon niya sa asawa.

Ano ba kasi ang nangyari?!?? may pagpadyak pa ng paa na tanong nito sa kanya.

I told you on the phone naman di ba?

Well, it's not enough!!!

Tinawagan siya kanina ni Victonara at ibinalitang nahulog sa kabayo ang 10-year old na anak nilang si Alyse Danessa. Nagpumilit umano ang bata na mag-practice kahit hindi pa umano dumarating ang trainer nito. Tutal naman daw ay marunong na, pinayagan na ni Vic ang gusto ng bata. Yun nga lang, nang makakita ng ahas ang hayop, bigla itong nagwala, dahilan para mahulog ang batang babae.

Nagpumilit sumama sa kanya ang panganay na anak nang malaman nitong sa farm nila sa Batangas ang punta niya, kung saan nagbi-breed sila ng thoroughbreds. Itsitsek niya kasi ang pag-i-install ng security system sa buong area kaya nandun din ang kaibigan at business partner na si Victonara, na ninang din ni Ahdah, palayaw ng bata. Kinabukasan, may kinailangan siyang puntahan sa Laguna at didiretso na sana ng uwi sa Maynila, lamang, si Ahdah ay ayaw pa. Gusto pa daw nitong dalawin ang mga inaalagang kabayo na nakahiligan din nitong sakayan mula pagkabata. Wala namang pag-aalinlangang iniwan niya ang anak sa ninang nito. Nakarating na siya sa pupuntahan niya nang tumawag ang kaibigan at sinabi ang tungkol sa aksidente.

PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon