Perfect Sixteen

5.3K 178 9
                                    

#HappyBirthdayAlyssaValdez!!!🎉💥🎈🎊






An...nong ginagawa natin dito? Bakit...?

Bakit, ayaw mo ba?

Paanong....?

Since we agreed manliligaw muna ako, at para patunayan sa'yo na malinis ang intesyon ko, I decided dito na lang tayo pumunta. Don't you think this is the best way to start my courting? Ang mag...

Without informing me at least?! Alyssa, ano ka ba naman? Sana man lang kinunsulta mo muna ako bago ka gumawa ng ganitong hakbang! O pinairal mo na naman yang pagiging arogante mo, ha?!

I'm sorry. I just thought...

Yeah, you just did.

I'll just turn...excuse me!

Biglang lumabas ng sasakyan si Alyssa at lumingon sa gawi niya sa labas.

Go...good morning po!

Paglingon ni Dennise labas, andun at nakatayo ang lola niya. Hindi niya namalayang nakatayo na pala doon ang matanda sa sobrang kaba at inis kay Alyssa. Paano pa sila makakaurong sa binabalak nito? Dali-dali siyang lumabas at nagmano dito sabay yakap.

Hi, 'la!

Kaawaan ka ng Diyos! Denden, apo, anong ginagawa mo dito?

Su....surprise? Si mommy po, 'la?

Nasorpresa nga akong bata ka. Andun sa likod bahay, kausap yung mga alaga natin. Akala ko ba nasa Europa ka? Nabanggit ng mommy mo na pupunta ka dun?

Ah, eh, na-cancel po yung trip namin. Siya nga pala 'la, si Alyssa Valdez po, amo ko, pagpapapakilala niya sa kasama niya na noon ay nakalapit na sa kanila. Alyssa, lola ko.

Magandang umaga po ulit! bati nito at ginaya ang ginawa nitong pagmano sa matanda.

Kaawaan ka ng Diyos hija! At magandang umaga din. May problema ba sa apo ko at napasugod kayo rito ng ganito kaaga?

Dennise looked at her watch. It's only quarter to eight.

Ahm, wala po. At pasensya na po kung maaga ko kayong maiistorbo, sagot ni Alyssa dito.

Istorbo saan? Teka nga, bakit ba tayo dito sa labas nag-uusap? Pinagtsitsimisan na tayo tuloy ng mga kapitbahay. Tara na sa loob!

Mabilis na kumilos si Dennise para alalayan ang lola niya. Suportado na ng tungkod ang paglalakad nito dahil sa rayuma. Si Alyssa naman ay pumuwesto sa kabila, nakaabang lang kung sakaling kailangan ng tulong pa ng lola niya.

Binigyan niya ng isang mapang-akusang tingin si Alyssa. Walang-wala sa isip niyang dito siya dadalhin nito sa halip na kung saan. Alam niyang papuntang Tagaytay ang destinasyon nila kanina base sa ruta na tinatahak nila, pero hindi niya akalaing hindi pala sila doon tutuloy at sa halip ay sa bahay nila sa Silang, Cavite.

At si Alyssa, hindi niya alam kung ikatutuwa niya o ikaiinis ang naging desisyon nitong panliligaw sa kanya. Oo, at natutuwa siyang seryoso pala ang intensyon nito sa kanya, pero ang umakto itong parang sinauna kung manligaw, gustung-gusto na niyang sunggaban ito at sabihing "oo, sinasagot na kita!"

Paano ba naman, daig pa niya ang may nakakadiring sakit sa balat kung itrato ng babae. Pagkatapos nilang mapagkasunduan na manliligaw ito sa kanya, iwas na iwas itong mahawakan man lang maski daliri niya. Todo alalay at pagsisilbi sa kanya kanina mula pagkain nila sa Jollibee hanggang bumalik sila sa sasakyan at itinuloy ang biyahe. Ipinagbukas siya ng pinto, ikinabit ang seatbealt, pero sinigurado nitong hindi magdidikit ang balat nila. Nagkuwento na rin ito tungkol sa buhay nito, kay Ara, sa lolo at lola nito at sa namatay na magulang. Pero hindi ito nagkuwento tungkol kay Jose Marquez. Nanatili pa ring misteryo sa kanya ang galit nito sa tiyuhin niya.

PerfectWhere stories live. Discover now