Perfect Twenty

4.4K 114 9
                                    

Hi Babe!

Hello?

Hi Babe! I miss you!

Aly! Napatawag ka?

Why, you don't want to talk to me now?

Alyssa, may problema ba?

Just tell me kung ayaw mo akong kausapin! Madali naman akong kausap!

Ba....

Pinatay ni Alyssa ang tawag.

Damn it!!

Sa sobrang inis, naitapon niya ang telepono. Fully carpeted ang opisina niya kaya hindi man lang iyon nabasag.

Linggo, pero nasa opisina siya ngayon. Wala siyang ibang maisip na lugar na puwedeng puntahan para kumalma siya at makapag-isip kundi opisina niya. She can clear her mind easier kapag buhos ang atensyon niya sa trabaho.

Galit siya sa lolo niya, kaya siguradong galit sa kanya ang lola niya dahil pinasama niya ang loob ng lolo niya, at galit din siya kay Vic. Hindi naman niya pinuntahan si Dennise at baka mapansin nito ang pagka-aburido niya kaya dito sa opisina niya siya tumuloy para magpalamig ng ulo. Pero na-miss niya kaagad ang nobya kaya makalipas lang ng ilang oras tinawagan niya ito.

And she did not like the way Dennise answered her call. Parang ni hindi man lang ito nag-i-expect na tatawag siya o ito sa kanya.

And she flared up just like that. Tuluyan nang umalpas ang inis niya at sa kamalas-malasan, si Dennise ang napagbuntunan niya.

At sa halip na ma-realize niya ang pagkakamali niya, mas lalo siyang nagmukmok at naawa sa sarili.

No one in her family understood and supported her decision. At ang tao namang ipinaglalaban niya, umaaktong hindi siya kasintahan.

Then para saan pa ang ipinaglalaban niya? Para saan pa at nagagalit siya dahil hindi sang-ayon ang dalawang matanda sa desisyon kung wala naman pala siyang halaga sa babaeng pakakasalan niya?

She opened her laptop and tried to work. At ang unang bumungad sa screen niya ay isang email reminder about her supposed meeting sa Amsterdam. Meeting na na-postponed dahil sa pag-amin ni Dennise na naging tulay para magkaalaman sila ng damdamin sa isa't isa hanggang sa napagkasunduan nilang magpakasal na.

Na mukhang mauuwi rin pala sa wala.

She never really thought her grandparents would be against Dennise.

But they never thought too na ganun kadali para sa kanya na balewalain na kamag-anak ito ni Jose Marquez. Na ganun kadali para sa kanya ang alisin ang pagdududa kay Dennise.

Because she loves her. Loving Dennise is far most important than any feeling she has for anyone, including her hatred with Marquez. Kaya niyang ibalewala lahat, basta nagmamahalan silang dalawa ni Dennise.

O mali ang pagkakaintindi niya?

Hindi naman siya ganun kamahal ni Dennise?

At ano namang klaseng pag-iisip yan Alyssa? biglang singit ng konsensya niya. Nagawa mo pa talagang mag-isip nang ganyan pagkatapos ng aminan ninyong dalawa? Siya na nga ang nag-alok ng kasal, di ba? Duda ka pa rin?

But what if tama si lolo?

Oh akala ko wala ng ni katiting na pagdududa? You don't really love like what you made your family believed! You're still doubting her!

I'm not! I'm just thinking what lolo has said!

Kung talagang mahal mo si Dennise, ni hindi mo ii-entertain ang posibilidad na yan Alyssa! At tama lang na hindi muna matuloy ang kasal ninyo, hindi dahil tama ang lolo mo, kundi hindi buo ang tiwala mo sa kanya!

PerfectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon