Perfect Thirteen

4.4K 168 32
                                    

Anong napakaimportanteng bagay ang dapat nating pag-usapan at kailangang sumugod ako dito nang ora-orada? bungad agad ni Ara matapos niyang makapasok sa opisina ni Aly. Naabutan pa niya itong matamang nakatingin sa labas ng gusali at paglingon niya ng tingin sa kanan, nakita niyang nakaupo si isang sulok ng sofa si Dennise, nakayuko ang ulo at parang umiiyak.

Den? Anong nangyari, bakit ka umiiyak? tanong niya agad dito nang malapitan niya.

Ara...nagsusumamo ang boses nito sa kanya.

Anong nangyari? Aly? baling niya sa kaibigan na nanatiling nakatingin lang sa labas.

Lumingon ito at tinitigan si Dennise.

Why don't you tell her what you told me a while ago? salita nito sa mahinahong boses.

Victonara knew that behind that soothing voice of Aly was an enraged emotion. What's keeping her friend from showing her anger? Ibinalik niya ang tingin sa katabi na patuloy na humihikbi.

Den? siya man ay nagsalita sa pinakamalumanay rin niyang boses. Gusto niyang ipaintindi dito na kung anuman ang dahilan ng pag-iyak nito ay maiintindihan niya, nila ni Alyssa.

I'm sorry! Hindi ko alam! tuloy sa paghagulhol si Dennise, itinakip pa ang mukha sa dalawang palad.

Tuluyan nang lumapit si Ara sa sekretarya niya at inakbayan ito. Hey, hey, calm....

Get your hands off her, Galang!

Off what???? nagulat man sa biglang pagsigaw ng kaibigan, inalis na niya rin ang pagkakayakap kay Dennise at bumalik ang mata niyang nagtatanong. Why am I not suddenly allowed to embrace her, Aly? Teka nga, teka nga, naguguluhan ako...

Dennise. She was sent by Marquez to spy on the company, dugtong nito na matalim na nakatingin sa katabi niya.

Halos kumawala naman ang ulo ni Ara sa bigla niyang pagbaling ng tingin sa tinutukoy ni Aly.

You?!

Ara, it's not what you think! Dennise tried to explain. Hinawakan nito ang braso niya. She tried to let go but when she looked into her eyes she noticed something. Dennise's eyes were asking to be heard, to be listened.

Natigil ang pagpupumiglas niya sa nakitang pagmamakaawa ni Dennise.

Is it true? tanong niya dito.

No, Dennise answered, straightforward.

The hell it isn't! sigaw ni Aly.

Shut up Aly! suway niya sa kaibigan nang hindi nakatingin dito. Don't mind her, Den. Just tell me the truth. Ano ang sinasabi niya tungkol kay Marquez?

Si Joaquin Marquez, pinsan siya ng mommy ko.

And?

One time, pumunta ako sa opisina niya para humingi ng tulong para makahanap ng trabaho. He offered me a job. Yun ay ang mag-spy sa AVGC. Alumpihit sa pagkukuwento si Dennise habang nakatungo pa rin ang ulo nito. Tiningnan ni Ara ang reaksyon ni Aly. Blangko na ngayon ang reaksyon ng mukha ng kaibigan niya.

Did you do it? baling ulit niya sa dating sekretarya.

Nang umalis ako sa opisina niya, hindi ako nangako pero sinabi kong gagawin ko ang makakaya ko, pero hindi pala kaya ng konsensya ko kaya hindi ko itinuloy.

Is that the reason bakit hindi ka nakapasa sa interview mo sa AVGC? Did you intentionally fail your tests Den?

Tumango si Dennise.

PerfectWhere stories live. Discover now