Chapter 5 : Christmas Break

1.3K 24 1
                                    

A/N : If you don't like Girl×Girl.. don't read this. Read other stories ok?

NICK'S POV
                                                                        

Pagkatapos ng Christmas party ay nag ayos na kami ni Shaira sa Dorm.

"Hoy, hatid kita mamaya sainyo. Wag ka nang tumanggi kung ayaw mong kaltukan kita. ", sambit ko at napatawa nalang sya.

"Oo na, oo na jusko. "

"Bilisan mo magligpit jan, uwi na tayo. ", sabi ko at binitbit na ang ilan sa mga gamit namin.
                                                                      

Tahimik ang biyahe papunta sa probinsya hanggang sa makarating kami sakanila.

"Baba nako Nick. ", paalam nya.

"Sige, bye! "

"Ingat ka, bye bye. ", sagot nya kaya naman napangiti ako at pina andar na ang sasakyan para umalis na sana ngunit may narinig ako.

"I love you.. "
                                                                       

Ilang araw ang nakalipas pagkatapos ng Christmas party ay Christmas break na rin sa wakas.

"Anak, pwede bang tulungan mo kami sa pag kabit ng mga dekorasyon? ", tanong ni Ma.

"Of course Ma! ", sagot ko naman at tumulong na.

Hayyyy pasko nanaman!..

Di parin matanggal sa isip ko ang narinig ko na "I love you", mahina man ngunit rinig ko. Grr baka guni guni lang yon, bahala na.

Kamusta na kaya si Shine?

Tinigil ko muna ang pagdedekorasyon at nilabas ko ang cellphone ko mula sa bulsa ko.

"Hello Shine! ", chat ko sakanya.
    
Hindi sya online kaya hihintayin ko nalang.
                                                                      

"Ma, kelan uuwi si ate? "

"Baka sa 23 daw anak. Busy sya sa trabaho nya eh. "

"Buti pa si ate may trabaho at asawa na. Dami na nyang pera. ", ani ko.

"Ay, hindi ba't may girlpren kana? Tas malapit kana ren grumaduate oh. "

"Maaaa, wala akong girlprennn. ", napahilamos nalang ako ng mukha.

"Sa kina tomboy mong yan? Wala? "

"MAAAAAA! anong tomboy? Bi yun Ma, Bisexual. ", paliwanag ko sakanya.

"Ay basta ewan ko sayong bata ka. ", sabi nito at napatawa nalang ako.
                                                                       

Tumagal ren ng ilang oras ang pagdedekorasyon namin. Habang nakatitig ako sa mga christmas lights na kumikinang ay naalala ko si Shine.

May reply na kaya yun?

Binuksan ko ang cellphone ko agad at chineck kung may reply sya, himala! meron nga.

"Hi Ate. "

Shutek? Ate ule? Ahhhh mas matanda pa ata sya sakin eh.

Eh si Shaira kaya? Kamusta na?

Torture (G×G) Where stories live. Discover now