PROLOGUE

10.7K 120 2
                                    

A/N : If you don't like Girl×Girl.. don't read this. Read other stories ok?

NICK'S POV

Are you tired of being left alone? Are you tired of being broken? Are you tired of everything? Well.. me too, but what can i do?..

"Hey! Nick! Magsisimula na yung Chess Tournament mo oh! Tas nanjan ka lang na nakatunganga, you better get ready. ", tawag sakin ni Jayze, my Girlfriend.

"Don't worry manonood ako ng tournament mo, I'll cheer you. ", hinalikan ni Jayze ang pisnge ko at ngumiti naman ako. Tumayo na ako at binitbit ang chess board ko para pumunta sa lugar kung saan magaganap ang Event, sumama naman si Jayze sakin habang hawak ang mga kamay ko.

Pumasok nako sa room ngunit naiwan si Jayze sa labas dahil bawal pumasok dito sa loob ang mga spectators or yung mga magchecheer.

Umupo na ako sa upuan, ngayon ang Elimination round ng Chess Tournament dito sa University namin. Kung sino ang mananalo ay mailalaban sa University Meet (Intramurals).

I played well with my opponent, in the end..  i won. Kaya naman nakipag kamay ako sa kalaban ko, naramdaman kong nanginginig at nanlalamig kamay ng kalaban ko kaya naman tumingin ako sa mga mata nya at ngumiti.

"YOU PLAYED SO GOOD, LOVE! ", bungad sakin ni Jayze ng makita nya ang result ng Tournament.

"Because you're there to cheer me, love. Kahit nung nag prapractice palang ako nanjan kana para i cheer ako. Urghh I love you! ", niyakap ko sya at hinalikan sa noo.

2 months passed and ok parin kami ni Jayze, walang awayan, walang problema. Lahat ok.. until..

"Nick.. ", tawag sakin ni Jayze habang luhaan ang mga mata.

"Why love? ", sagot ko naman at cinomfort sya.

"Can i hug you? This is my last time to hug you.. ", sabi nya ay yumakap sakin.

"What? Why? What happened, love? "

"Nalaman na ng parents ko.. and di sila payag.. "

Yes.. hindi alam ng parents nya noon.

"Then kakausapin ko mga parents mo, I'll fight for you, love.. No, no, no, i can't lose you.. ", naiiyak na sambit ko at hinigpitan ang pagyakap sakanya habang sya naman ay humahagulgol na sa iyak.

Pagkatapos kong tuyuin ang mga luha nya ay sumakay kami sa Jeep Wrangler na regalo sakin ng Ate ko noong grumaduate ako ng Senior High School at bumyahe papuntang bahay nila Jayze.

"Deep breath, love.. ", sambit ko at tumingin kay Jayze nang nakarating na kami.

"Good afternoon po.. "

"Magandang hapon den sa iyo, bat kayo napunta dito? Tapos naba klase nyo? ", tanong ng tatay ni Jayze.

"Wala po kaming klase ngayon.. nandito po ako para kausapin kayo tungkol sa namamagitan saamin. ", usal ko at yumuko ng bahagya.

"Ahh, ikaw pala ang napupusuan ng anak ko. ", matalim ang tingin sakin ng tatay ni Jayze.

"Arturo! Ano ba! ", suway ng nanay ni Jayze sa tatay nya.

"Pagpasensyahan mo na sya iha, maaari ba kitang makausap? ", tanong saakin ng nanay ni Jayze kaya naman tumango nalang ako at pumunta sa hardin nila.

"Alam mo bang isa sa mga kasalanan ang magmahal sa kapareho na kasarian? ", nakatitig na usal nya.

"Opo, kaso diko mapigilan ang nararamdaman ko para sa anak nyo.. "

Torture (G×G) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon