Chapter 9 : Tease

1.3K 24 0
                                    

A/N : If you don't like Girl×Girl.. don't read this. Read other stories ok?

 
 
NICK'S POV

  
January 4 (9:37 am)
 
Ilang araw nalang ay balik skuwela nanaman.

 
Nakakatamad.. Kaso kelangang mag pursigi sa pag aaral!! Kaya to to!
 
 
Napagdesisyonan kong mamayang hapon ako babalik sa Dorm, dahil gusto ko pa makasama mag hapon ang pamilya ko. Mamimiss ko nanaman sila.
 
 
Habang naka upo sa terrace ay kinuha ko ang phone ko at chinat si Shaira.

 
"Oii sis, mayang hapon mga 3 ganun.. mag hintay ka na jan kase susunduin kita pabalik sa dorm. "
 

Active 1 hour ago sya kaya hinintay ko nalang ang reply nya. Nag laro muna ako ng Geometry Dash habang hinihintay sya.
 
Matatapos ko na sana ngunit may nag chat at namatay ang nilalaro ko.

 
Nubayan!
 
 
"Sorry.. ", chat ni Shine.

Nakkoooo Shine wag moko ginaganyan, narurupok ako!
 
 
"Wala bang reply jan? "

 
Oh god no, no, NOOOOOO!!

 
"Sorry din.. ", reply ko sakanya. Wala na narupok nako.

"Musta na kamay mo? masakit pa ba? ", tanong nya. Wow..

"Uhh, hindi na. Wala 'to. ", reply ko naman.

 
Usto ko syang yayain lumabas para makabawi ako at maka pag sorry ng maayos.. saan kaya..?

 
"Uhm Shine, gusto mo lumabas? Libre kita. "

"Ngayon? "

 
Naalala ko.. babalik na pala ako sa dorm ngayon.
 
 
"Bukas.. babalik nako sa dorm ngayon. "

"Ahh, sige sige pati ako babalik na sa Apartment. "

"Uhh.. gusto mo ihatid naren kita? ", tanong ko sakanya.

"Si Kuya na mag hahatid saakin. "

 
Ay.. sayang naman.. huhu.
 
 
"Sige, ingat nalang. ", pinatay ko ang phone ko at nag handa na para bumalik sa Dorm.
   

 
SHAIRA'S POV
   
 
 
Malapit na ang pasukan.. kelan kaya ako babalik sa Dorm?
 

Alas dos pasado na ng hapon at naka tunganga parin ako dito habang naka higa.
 
 
Miss ko na si Nick.. Musta na kaya sya?

 
Binuksan ko ang phone ko at nag pop agad ang message nya sakin.
 

"Oii sis, mayang hapon mga 3 ganun.. mag hintay ka na jan kase susunduin kita pabalik sa dorm. ", ani nya.

 
Nako! Ngayon na kami babalik?..
 
 
"Ahh sige sis mag aayos nako ng gamit ko. ", sabi ko at dali daling inayos gamit ko.

 
Hallaaaa mag aalas tres na kaso di pako naka ayos ng gamit ko..
 
 
Habang nag aayos ay may narinig nakong busina ng sasakyan. Ang busina ng sasakyan ni Nick..
 
Narinig kong tumigil iyon sa tapat ng bahay namin kaya naman tumingin at sumilip ako sa bintana namin.

 
Oh.. my..
 
 
Nakasolo black sya ngayon, black oversized T-Shirt at black jeans.. naka high cut ren na sapatos. Ang astig nyaaaaaa.
 
Sinasabi ko na.. kung lalaki lang talaga to kinababaliwan ko na. Pero kahit hindi naman sya lalaki ay kinababaliwan ko paren sy-

Torture (G×G) Where stories live. Discover now