• Chapter 11 •

329 14 2
                                    


???'s P.O.V


I'm currently waiting for my butler here in my bedroom. Inutusan ko kasi siya na hanapin ang minamahal ko. Nakaupo lang ako sa kama ko habang gumagamit ng phone ng bumukas ang pinto.

Ngumiti ako ng makita ko ang butler ko, si tito Fox. Bata pa lang ako, nasa tabi ko na siya. Ngumiti siya saakin at nagbow ng kaunti. Naglakad siya sa harapan ko at tiningnan niya ang clipboard niya.

"M'lady, nakita na po namin si Sabina Salazar." sabi niya na ikinatuwa ko.

"Nakuha niyo na siya?" tanong ko at nilapag ang phone sa kama. Tumango namn si tito Fox.

"Nandon siya sa guest room, natutulog." dagdag niya.

Tumayo naman ako at inabot niya saakin ang larawan ng mahal ko. Ngumiti ako at nilagay sa bulsa ang larawan. Tumingin muna ako kay tito Fox at lumabas na ng kwarto ko.

"M'lady, pupuntahan niyo na ba si Salazar?" tanong ni Lux, pamangkin ni tito Fox at personal bodyguard ko.

"Yeah, can you guide me?" tugon ko at naglakad na kami.

Habang naglalakad kami ay napangiti ako. I will see her again, my beloved. Tumingin ako sa malaking bintana na nadadaanan namin, maganda ang panahon ngayon. Sakto rin para makapag date kami.

'I missed you, my beloved Sabina.'


Sabina's P.O.V

Nagising ako nang may ingay akong narinig, may ibon lang pala. Napaupo ako ng mabilis ng maalala ko ang nangyari. Sinuri ko ang kwarto at masasabi ko lang na ang ganda. Parang nasa ibang lugar ako, mansion ata 'to.

Tumayo ako sa kama at naglakad papuntang veranda at nakita ko ang malawak na hardin. Maganda ang hardin, maraming bulaklak at maganda ang pagka design dito.

Napangiti na lang ako sa nakita ko, sino ba ang hindi mapapangiti dito sa magandang hardin. Napansin ko rin na umaga na pala, wait... Diba hapon ako na-kidnapped???

Narinig ko naman na bumukas ang pintuan ng kwarto kaya mabilis akong napatingin doon. At nanlaki ang mata ko nang makita ko ang isang dyosa. Napangiti siya nang makita ako at nag simulang maglakad papunta saakin. Nataranta naman ako pero hindi ko pinahalata.

'Sino ba to? Nasaan ba ako? Anong kailangan nila saakin?'

"Buti naman gising ka na." rinig kong sabi niya. Ang ganda rin ng boses niya, parang boses ng anghel. Binalik ko naman ang malamig kong tingin at seryosong tiningnan siya.

"Sino ka? Nasaan ba ako?" tanong ko at ngiti lang ang sinagot niya.

"Sumunod ka muna saakin at kakain tayo bago ko sagutin ang mga tanong mo." mahinahong tugon niya at tumalikod na.

Naglakad siya palabas ng kwarto kaya sumunod na lang ako. Pagkalabas ko ng kwarto ay nakita ko siyang nakaharap saakin at naglakad ulit siya palayo. Sumunod lang ako sakaniya hanggang sa makarating kami sa kusina.

May isang mahabang lamesa na may mga nakalapag na pagkain. Dahil naman dito ay nakaramdam ako ng gutom sa sarap nito. Umupo siya sa dulo at tinuro niya ang upuan na nasagilid niya kaya umupo ako dun.

Nagsimula na kami kumain. Habang sumusubo ako ramdam ko ang mga titig niya kaya bumibilis ang tibok ng puso ko sa kaba. Creepy naman nitong dyosa na to...

"You can ask me." sabi niya nang matapos kaming kumain. Uminom muna ako ng tubig bago nagtanong.

"Who are you?" malamig kong tanong.

Loving The Manager (GxG)Where stories live. Discover now