• Chapter 21 •

272 8 0
                                    


Genesis's P.O.V


"Hah... Gosh, bat parang uminit ata ngayong araw?" tanong ni Cassie habang pinapaypay ang kamay nya.

"Sinabi mo pa, feeling ko tuloy kasalanan ko to kasi ang hot ko na masyado." tugon ni Cess na nagpasimangot kay Cassie.

Natawa si Ann habang nagpapaypay rin ng kamay niya para mahanginan. Napa iling naman si Sab na ikina ngiti ko.

Naglalakad kami ngayon papunta sa mga lockers namin. Napansin ko rin na pati ang mga tao sa main hall ay naiinitan rin. Sana lang ay umulan para lumamig kahit papano.

"Uy gagi, hali kayo... Ginugulo na namn ni Seth si Bella."

"Weh? Nasaan sila?"

"Dun oh, bilis."

Napatigil kaming lima sa narinig namin. May mga naririnig pa kaming mga bulong tungkol kila Seth at Bella. Mukang ginugulo na naman ni Seth si Bella.

'Kailan ba yun matututo.. '

"Ano na namang ginagawa nung shokoy na yun?" sabi ko at napa iling naman sila Cess.

"Sundan natin sila." tugon ni Ann habang nakatingin sa mga nag uusap kanina. Tumango naman kami at sinundan ang mga estudyante.

Habang naglalakad ay napansin kong parami ng parami ang mga estudyante. Tumigil rin ang mga sinundan namin dito sa badang dulo ng main hall at nakita na namin si Seth na ginugulo na naman si Bella.

"Can we just work this out? Gusto mo naman ako diba?" sabi ni Seth habang lumalapit kay Bella na seryoso ang tingin kay Seth.

"Dati lang yun Seth at nandidiri pa rin ako na nagkagusto ako sayo." sagot ni Bella na nagpasinghap sa mga tao sa paligid.

"Tsk, naging ganyan ka lng dahil sa babeng yun! Hindi mo ba napapansin?! Naguguluhan ka lang Bella!" galit na tugon ni Seth at tinulak si Bella sa locker. Kita naman sa mukha ni Bella ang sakit sa pagkatama nya sa locker.


Bago pa may magawa si Bella at kung sino man ay lumapit na si Sab kay Seth at inalis ang kamay niyang nasa balikat ni Bella. Nagulat naman ang lahat sa ginawa ni Sab, pati kami nagulat rin eh. Hinawakan ni Sab si Bella sa kamay at humarang siya sa gitna nila ni Seth.

"Tsk, ikaw na naman!" galit na sabi ni Seth at sinubukang hawakan si Bella nang itulak ni Sab si Seth ng malakas para lang mapa upo siya sa sahig.

"Fucking bitch." gigil na sabi ni Seth.

Mabilis na tumayo si Seth at tinaas ang braso nya sa harap ni Sab nang itulak ulit siya ni Sab at sinuntok siya. Napasinghap na naman ang mga taong nakakita sa nangyari. Tiningnan ko naman si Sab at kita ko sa mukha nya na galit siya ngayon.

'Kahit kailan talaga to, di niya na naman nakokontrol sarili nya...'

"Kung gusto mo pala ng away dapat sinabi mo sakin para mabugbog ko ulit kayo. Sabagay, sino ba namang hindi mahihiya na a-apat na nga kayo tas natalo pa kayo ng isang babae." sabi ni Sab sabay hinawakan si Bella sa kamay at hinila siya papalayo.

Walang makagalaw sa mga estudyanteng nakakita sa nangyari lang. Kailangan ko pang alugin sila Cassandra bago sila mabalik sa katinuan. Mabilis na pumunta kami kung saan hinila ni Sab si Bella.

Nakarating kami sa baseball field at nakita namin na inabutan ni Sab si Bella na nakaupo sa isang bench ng soft drink. Bumuka naman ang bibig ni Bella at tumango si Sab bago umupo sa tabi nya.

"Ano ba yan, di natin sila marinig!" bulong ni Cess kahit malayo kami kila Sabina. Umiling naman ako at ngumiti.

"Hayaan na muna natin sila."



Loving The Manager (GxG)Where stories live. Discover now