18

15.6K 376 26
                                    

Marina's POV

Nakahiga lang kaming dalawa sa kama dahil sa sobrang boring

"Song"Tawag ko sa kanya 

"Uhmm?"Sagot 

"What do you want to do now?"Tanong ko tsaka sya hinawakan sa kamay 

"I don't know, I Just want to be wtih you"Tsaka sya yumakap sa akin at napangiti naman ako 

"Tara!"Hatak ko sa kanya patayo

"Why?"Tanong nya

"Mamasyal tayo sa dagat"Tsaka ko sya hinatak palabas 

 ----

"What do you feel when we first met?"Tanong ni Song tsaka kami umupo 

"Nothing "Tawang sagot ko

"Yahh! "Palo nya sa akin 

"Yes that's true , when I saw you that day , You're beautiful , cute and so puti"Sabi ko sa kanya dahil nung nakita ko sya hinangaan ko yung ganda nya pero hanggang dun lang 

"Why you don't fall for me in the first sight?"Naka pout na sabi nya 

"Because Im not a boy who fall in love because you're beautful "Sagot ko

"But but !H̄lb khuṇ  peid kĥāngkhāw khrậng ræk k̄hxng c̄hạn reā pheīyng khæ̀ (Ang daya naman bat ako nafall sayo unang kita pa lang!)"Tsaka nya ko pinaghahampas

"Aray!hindi nga kita maintindihan papalo-palo ka pa"Sabi ko tsaka sya hinawakan sa kamay

"Ano nanaman ang ginawa ko ?"Tanong ko 

"Why? why Im the first who fall in love with you?"Nakayukong tanong nya sa akin 

"Because im beautiful"Sagot ko habang tumatawa

"You're so dark "Asar nya 

"Uy hindi kaya!"Tingin ko sa balat ko 

Oo na kasalan ko bang maaraw sa Pilipinas tss

"Oo"Sabi nya na parang bata kaya natawa na lang ako

"Oo na ako na maitim"Sagot ko tsaka napatingin sa dagat 

"I love you even that you're ugly"Sabi nya habang tumatawa 

"No Im beautiful kaya tss"Sabi ko sa kanya 

"Wow you're joking right?"Tawang sabi nya 

"Hoy Song! nakakailan ka na sa akin ha!"Saway ko sa kanya 

"Why? Im just saying the truth!"Sabi nya tsaka bumelat sa akin 

"Then leave me if im ugly you know"Masungit na sagot ko 

"But I love you"Pacute nanaman na sabi nya 

"But Im ugly"Mataray na sagot ko 

"But I don't care , im just in love what to do?"Sabi nya kaya napangiti naman ako

"But im not inlove"Sagot ko naman 

"Yahh!"Palo nanaman nya

"Joke lang!"Sagot ko tsaka sya tinitigan ng matagal

Ang ganda talaga nya , sinong hindi mahuhulog sa baliw na to?

"Dati ayaw ko sa dagat kase kinuha nya ang tatay ko , kinuha nya yung hindi ko pa nakikita pero mahal ko , pero nagbago ang lahat ng dumating ka Song"Tsaka ko sya hinawakan sa kamay at tinitigan sya sa mata 

"Hindi ko akalaing liliko ako para lang sa isang Song na hindi ko kilala sa umpisa , na hindi ko naman maintindihan kung bata ba talaga o kaedad ko eh"Hinaplos ko ang pisnge nya

"Itong makinis , maganda , malliit at perpektong mukha na to , Hindi ko akalaing dadating sa buhay ko "Hinalikan ko sya sa noo

"Mahal na mahal na kita Song kahit hindi mo maintindihan please sana intindihin ng puso mo yung mga salitang galing din sa puso ko " 

Hindi ko na alam ang sunod kong nagawa  ,ang alam ko lang nahalikan ko sya , nahalikan ko ang babaeng mahal na mahal ko .

"Marina!"Rinig kong sigaw ng isang lalaki kaya napatayo ako ng makita ko si Lolo

"L-lo!"Kinakabahang sagot ko dahil palapit na sya sa amin 

"A-anong ginagawa niyo ni Song! Alam nyo mali yan! Pumasok nga kayo sa loob mag-uusap tayo!"Galit na sabi ni Lolo kaya pumasok na kaming dalawa at ano pa bang aasahan mo kay Song umiiyak 

Pagpasok namin ay agad na dumeretso si Lolo sa kwarto nila para tawagin si Lola .

"Alam mo ba ang ginagawa ng apo mo?"Tanong ni Lolo kay Lola

"Oo Mando kaya pabayaan na lang natin sila tignan mo natatakot na si Song sayo!"Pigil ni Lola kay Lolo

"Pero Maria mali ang ginagawa nila parehas silang babae at alam mo ng bawal at mali sa mata ng lahat!"Sigaw nya sa amin 

"Lo p-pero mahal ko si Song"Napaiyak na rin ako pagkasabi ko nun 

"Alam mo ba ang sinasabi mo Marina! Babae ka! Maria iakyat mo muna si Song"Sabi ni Lolo kaya napaupo na lang ako 

Habang pinapatayo ni Lola si Song ay ayaw nya ako bitawan sa kamay 

"Don't leave me please"Yun lang ang sinabi ni Song tsaka bumitaw sa akin at umakyat na sila 

"Mahal ko talaga siya Lo"Salita ko agad

"Hindi mo pa alam ang ibigsabihin ng mahal Marina , bata ka pa! "Galit na sabi nya 

"Pero Lo natutunan ko na syang mahalin"Iyak na sabi ko 

"Kung natuto kang mahalin sya kailangan pag-aralan mo rin kung paano masaktan. Hindi mo pa alam lahat tungkol dyan"Payo nya sa akin

"Lo mahal na mahal ko si Song , hindi nya ako sasaktan"Paliwanag ko naman 

"Yun ang akala mo Marina , Si Song hindi natin kilala , hindi sya taga dito kaya hindi mo sya pwedeng mahalin ng ganun-ganun na lang dahil hindi mo alam kung kailan aalis ang isang tao sa buhay mo dahil hindi mo rin alam kung bat sya dumating sa atin , sa buhay mo "Sabi ni Lolo tsaka lumapit sa akin 

"Lo bat mo sinasabi yan , hindi nya ako iiwan"Sabi ko tsaka ko sya niyakap

"Hindi porket sinabi mo mangyayari , tandaan mo Marina hindi sya taga dito"Sabi nya ulit

"Pero mahal na mahal namin ang isa't-isa "Pilit na sagot ko dahil ayokong mawala si Song sa akin 

"Mahal nyo nga ang isa't-isa mahal ba kayo ng tadhana?" Doon na ako napaisip sa sinabi ni Lolo

Stay With Me (gxg)Where stories live. Discover now