10

17.3K 432 9
                                    

Marina's POV

Wala akong masabi nung isinuot ni Song ang binili naming damit  .Oo hindi sya mamahaling damit pero pag sya ang nagsusuot parang kakaiba .

"Ina okay ka lang ?"Tapik ni Lola sa akin

"Ah eh opo La !"Sagot ko dahil sa gulat

"Bat ka ba nakatulala dyan? Tara na asan ba si Song?"Tanong ni Lola

"Ah wala po . Si Song ano kasama po ni Lolo dun "Turo ko sa labas

"Halika na tawagin mo na sya"Sabi ni Lola

Di ba pwedeng wag na lang syang sumama? urghh

"Song"Tawag ko sa kanya

"Sama-sama ?"Nakangiting tanong nya 

"Oo"Tumatawa kong sagot 

Habang naglalakad kami ay hindi ko mapigilang mainis sa mga tumitingin kay Song parang mga manyak , hindi ako nagseselos pinoprotektahan ko lang sya ah

"La pwede bang magtricycle na lang tayo ang sakit na ng paa ko "Pagdadrama ko 

"Ang arte mo tara na nga "Sabi ni Lola na napangiti naman ako 

"Song sakay"Tsaka ko sya inalalayan sa loob pati si Lola ako naman dun sa may likod ng driver 

Habang nasa byahe syempre tahimik dahil nasa loob si Song kaya tahimik , pagdating namin sa bahay nila Ninang nagbayad kami sa tricycle tsaka kumatok sa pinto nila Ninang 

May kaya naman sila Ninang dati tinutulungan nila akong makapagtapos sa high school pero masyado ng malaki ang bayarin sa college kaya si Joseph na lang ang nakayanan nya pero okay lang anak nya yun syempre .

"Lola Maria!"Sigaw ni NInang tsaka nagbeso kay Lola at ako naman nagmano

"Ang laki na talaga ni Ina oh "Sabi ni Ninang tsaka ginulo ang buhok ko 

"Oh sino tong magandang babae na to "Sabi ni Ninang tsaka hinawakan si Song sa braso at nakita kong parang natatakot si Song kaya kumapit sa akin 

"Ah ano Ninang kaibigan ko po si Song "Ngiting sagot ko 

"Ah ganun ba sige pasok muna kayo "Nakangiting sabi ni Tita 

Pinaupo kami at kumuha ng meryenda si Ninang para sa amin 

"Song oh"Bigay ko ng tinapay sa kanya 

"Iha paano kayo nagkakilala?"Tanong ni Ninang kay Song kaya si Song nakatingin lang sa akin 

"Ah Ninang , ano kase sya eh hindi nakakaintindi ng tagalog unti lang kaya english pwede pa "Sabi ko tsaka kumain ng tinapay

"Ah ganun ba , taga san ba sya ?"Tanong ni Ninang 

"Uhmm Thailand daw po"Sagot ko 

"Eh paano napunta sa inyo? nagbakasyon?"Tanong ni Ninang

"Uhmm long story po eh "Kamot ulo kong sagot 

"Make it short , hindi biro lang iha teka andyan na pala si Joseph wait lang tawagin ko "Paalam sa amin ni Ninang

Sana nagkwento na lang ako para hindi na nya tawagin si Joseph 

Maya-maya pa ay dumating na sila kaya tumayo kami  

"Hi Lola Marina "Sabi ni Joseph tsaka lumapit sa akin

"Hi Marina my lov--"Bigla syang napatigil sa pagsasalita at tumitig kay Song 

"Hi beautiful "Sabi nya tsaka lumapit kay Song at hinalikan ang kamay nya 

Ito na nga ang sinasabi ko eh , masyadong babaero ang lalaking ito para kay Song . Wala akong nagawa kundi hatakin si Song na namumula , ano ba? ginusto nya yun pss .

"Who is she Ina?"Feeling gwapo na sabi nya , oo na  gwapo naman sya .

"Si Son-"Naputol ako sa pagsasalita

"I- Im Songsuda but you can call me Song"Masayang sagot nya kanina 

Urghhh di naman gwapo yan mukhang tuko 

"Oh where are you from? "Tanong ni Joseph tsaka kami umupo

"Ahmm Thailand "Nakangiting sagot ni Song habang titig na titig kay Joseph

"Oh it's obvious nga because of your accent , but your good in english ha "Puri nya kay Song 

Biglang bumulong si Ninang sa akin 

"Buti na lang Ina at dinala mo yang kaibigan mo , halatang gustong gusto sya ng anak ko "Tumatawa habang kinikilig na sabi ni Ninang . Syempre bilang mabuting inaanak ay umoo na lang ako kahit ayoko , lokohin nya lang si Song eh 

"Mukhang nagkakamabutihan kayo ah"Sabi ni Lola

"Oo nga , Joseph ligawan mo na yan si Song "Habol naman ni Tita

"Ah eh Song "Yun lang ang nasabi ko tsaka sya lumapit sa akin

"I like him Ina"Bulong nya sa akin 

"But but he is a chickboy ! playboy!"Bulong ko rin sa kanya 

"I make him change "Namumulang sagot nya 

"Song hayy "Yun na lang ang nasabi ko 

Maya-maya ay kumain na kami ng kanin tsaka nagpahinga at namaalam 

"Sige Lola Maria , Ina , Song sa susunod naman ha "Paalam ni tita

"Bye Ina , Bye Lola bye Song "Malambing na sabi ni pagdating kay Song  Joseph tsaka ulit hinalikan ang kamay ni Song 

Hanggang sa nakauwi kami ay nagkukwento si Song pero hindi ko naman maintindihan dahil sa ang ginagamit nya ay ang sarili nyang linggwahe pero alam kong kinikilig sya dahil sa kilos nya 

"Ano ba Song , para ka namang tanga eh !"Sigaw ko sa kanya dahil halos mabali na ang braso ko 

"Thảmị?(baket?)"Sagot nya tsaka yumuko natakot ko ata sya 

"Ina ano ba nangyayari sayo? kanina ka pa tahimik tas bigla bigla ka na lang magagalit kay Song "Sabi ni Lola tsaka hinawakan sa braso si Song 

"Eh kase naman La ang gulo-gulo nya "Kamot ulo kong sabi

"Kahit na alam mo naman na gusto nya si Joseph halata naman "Sabi ni Lola sa akin kaya tumahimik ako 

Isang araw  lang gusto na nya ? tas pag a--- hindi hindi .

Nakarating kami sa bahay ng mga ala-una ng hapon , pagdating namin syempre wala si Lolo . Dumeretso ako sa taas 

"Are you angry Ina ? I did not urghh I don't know hayy Im sorry if I act like a kid "

"Wala yun 'Tsaka ako humiga 

"Ina "Tumabi sya sa akin 

"Uhmm?"Tanong ko habang nakapikit

"I I think Im inlove"Sabi nya kaya napamulat ako 

"Ano! nagayuma ka lang nya Song ano ba !"Sigaw ko 

"W-why? "

"Urghh kung alam mo lang talaga magtagalog Song maiintindihan mo ko ! nakakainis ka alam mo yun? bat ka nainlove sa gagong yun ? eh hamak naman na mas mabait ako sa kanya !"Nagulat ako sa huli kong nasabi 

Stay With Me (gxg)Where stories live. Discover now