9

18.1K 443 0
                                    

Marina's Pov

 "Ina gising na "Naramdaman ko nanaman ang alog sa akin 

"La naman "Sagot ko tsaka niyakap ang unan sa tabi ko 

"Marina isa pag nagising yang si Song "Rinig kong bagit sa pangalan ni Song  kaya napamulat at napatingin ako sa yakap ko kay Song 

"Ano ba yun La?"Tsaka ako unti unti kumilos

"Samahan mo Lolo mo sa pangingisda "Sabi ni Lola

"La naman alam mo namang ayaw ko sumama sa ganyan dahil malansa , sabi mo pa nga sa akin wag a--"Pinutol ako ni Lola sa pagsasalita

"Bwiset ka Marina sige na nga pasalamat ka at sinabihan ako ng nanay mo "Sabi ni Lola pero humabol sya 

"Sabi pala sa akin ni Popoy nakita daw nila kayo pauwi , kayo na ba ni Mateo?"Tanong ni Lola

"La ano nanliligaw pa lang sya "Nahihiyang sagot ko 

"Hay dalaga ka na talaga Marina "Nakangiting sagot ni Lola tsaka ako niyakap 

"La , pwede ulit ako matulog ? medyo antok pa eh "Kamot ulo kong tanong kay Lola

"Sige basta gumising ka ng ala-syete "Sagot ni Lola

"Pero La baket? ang aga naman "Reklamo ko 

"Alangan sasamahan mo ako sa ninang mo , gusto ka daw makita ni Joseph "Sagot nya

"Dumating na sila ?"Masayang sigaw ko kaya nakita kong gumalaw si Song 

"Uhmmm Good Morning "Bangon nya 

"GoodMorning Song "Sagot ko 

"Oh isama na lang din natin si Song "Sabi ni Lola

"Ayaw ko !"Sagot ko 

"Why so loud Ina!"Palo sa braso ko ni Song 

"Wag ka ng magreklamo basta ala -syete aalis tayo "Sabi ni Lola tsaka bumaba

"Song ? you want ano sama-sama ?"Tanong ko 

"Sama-sama ? wait "Sagot nya tsaka kinuha yung libro

"Oh yes im sama-sama!"Sagot nya naman

"Patay"Sabi ko sa sarili ko tsaka nagtakip ng mukha

"Dead?who?"Tanong naman nya

"Uhmm none , ano you ligo ligo then we eat then sama sama "Sabi ko tsaka sya tinulak sa banyo at bumaba at pumunta sa lababo ginawa ang dapat gawin tsaka lumapit kay Lola

"La ako na dyan "Sabi ko kay Lola tsaka ko kinuha yung sandok 

"Sige . Ina kelan mo ba sasagutin si Mat?"Tanong ni Lola habang inaayos yung plato 

"Hindi ko pa po alam La , hindi pa ako sigurado eh "Sagot ko naman 

"Mabait naman sya at kilala namin siguro ay papayag na akong maging kayo "Sabi naman ni Lola 

Hindi na ako sumagot at inayos ko na lang din yung ulam .

"Ina? Ina "Tawag sa akin ni Song habang bumababa

"Oh you're reading again "Nakita ko kaseng hawak nya yung binili namin ulit 

"Kakain na tayo okay?"Tanong ko sa kanya para malaman ko kung naiintindihan nya ako

Stay With Me (gxg)Where stories live. Discover now