Paglabas ko ng room dali dali akong naglakad patungo sa tambayan namin.

Hinawakan ko ang tenga ko at pakiramdam ko nadadama ko pa amg hininga nya.

'Joke'

"Argggggh! Pesteng joke yan! papatayin ko talaga nagpauso nyan!"

sigaw ko dahil sa inis.

"Hoy bro! ang lakas ng boses mo halos mabingi ako!"

Sabi ni rex.

"At bakit mo naman papatayin ang nagpauso ng JOKE."

Sabi ni josh at umupo sa sopa at yun naman tatlo ay nagpunta sa kusina.

Ang tambayan kasi namin ay talagang pinagawa ko. Halos magmakaawa na nga ako noon kay ate para mapapayag lang,para syang bahay at kumpleto sa gamit may limang kwarto para aming lima, minsan dito na kami natutulog at syempre kasama ang mga chix namin.

"Anong ginawa nyo dito?!"

sigaw ko sa kanila.

"Malamang sinundan ka!"

sabi ni rex at umupo na rin sopa.

Nagpunta ako sa kusina para uminom ng tubig narinig ko pa ang usapan ni travis at vince.

"Grabe bro! ang ganda talaga ni Satanly"

sabi ni Travis at ngumiti, bakit sya ang pinag uusapan ng dalawang to?

"Oo nga. Kaya lang mukhang si Jie ang gusto, ang lakas pa ng loob. .kakaiba talaga"

Sagot naman Vince at kumuha mansanas sa Table.

"Basta pag ayaw ni jie kay satanly, aagawin ko sya."

sabi ni travis, Pumasok na ako sa kusina at dire-diretsong kumuha ng tubig halatang nagulat ang dalawa pero agad ding nawala. Matapos kong uminom ay nilapag ko ang baso at diretsong tumingin kay travis.

"What mine is only mine"

Cold na sabi ko, ewan ko din pero nang marinig ko si travis parang nainis ako bigla sa kanya, hindi ko alam kung bakit ganito ang inaasta ko dahil lang sa isang babae nag kakaganito ako, dahil lang sa joke nabubuwisit ako at dahil lang kay Satanly  Michell Gomez nababaliw ako.

"Whoah! Bro! Joke lang hehehe wala akong balak,  joke lang yun"

sabi ni travis na numutla pati rin si vince ay namumutla ganoon ba talaga ako katakot pag nag seseryoso?

Napailing nalang ako at lumabas ng kusina, nagpunta ako sa sopa kung saan nakahiga si rex at hinulog sya narinig ko pa syang mag mura bago tumabi sa akin sa sopa, naandito na rin si Travis at Vince Naumupo sa carpet at nagsimula maglaro.ng Xbox.. .

At kahit hindi nila sabihin alam kong naghihintay sila ng sagot sa ginawa ko kanina.

I sigh. .

"Joke lang yung kaninang sinabi ni Ms. Angel."

Tumigil sa paglalaro si Travis at Vince, Tumigil sa kasalukuyan na nakain na si Josh, Nahulog ULIT sa sopa si Rex.

"ANO?! JOKE LANG YUN?!

Sabay sabay na sabi ng apat.

"Takte! balak nyo ba akong gawing bingi?"

Sigaw ko din sa kanila at kinalikot ang tenga ko. Langya! para nabingi ako ah!

"Hi-hindi bro pero papaano naging joke yun? eh rinig na rinig namin yung prince Zenjie Velardez be my boyfriend. . diba?"

sabi ni Josh na sinang -ayunan naman ng tatlo.

My world is HELL.Where stories live. Discover now