Chapter 20

8.6K 292 4
                                    

Zenjie POV

7:00 A.m nagising ako at nararamdaman kong nagagalit ang mga dragon ko sa tyan. Tsk. Nagluto na kaya si Yaya?

bumangon ako sa kama at lumabas ng kwarto na parang Zombie.

Teka? asan ba yung Hagdan? bakit hindi ko maapakan?

Umusod usod pa ako. Pero wala talaga. inaantok pa ako. Pero nagugutom na ako

"Shit!"

mura ko ng mauntog ako. kaylangan pa nagkaroon ng semento dito sa ba--

Napamulat ako ng mata sa realisasyon at pinagmasdan ko ang paligid. Ang gwapo mo Talaga Zenjie! tsk! wala nga pala ako sa bahay!

napahilamos nalang ako sa mukha ko. At biglang pumasok nanaman sa utak ko ang itsura ni Satanly habang nakangiti.

"Arrrgh! My angel! mababaliw na ako."

atsaka ako nagpakawala ng buntong hininga. Tama! ikakain ko nalang to! Nagpunta ako sa kusina at tinignan kung anong makakain.

Puro lulutuin? wala ba ditong ready to eat? tsk! nagugutom na talaga ako.

kinuha at ko yung 2 itlog at isang lagayan ng bacon at tinapay.

Paano ba magluto ng itlog? Napasampal nalang ako sa noo ko. Bibili talaga ako ng ready to eat na pagkain. Sa ngayon bahala na muna si batman!

"TAKTE! NASAAN ANG LUTUAN?"

Sigaw ko sa inis! Yung totoo? Arggh!

Paano ako kakain?

"Babies paano tayo kakain.?"

Sabi ko sabay himas sa tyan ko.

Kruuuu.

Shit nagugutom na talaga ako halos mag give up na ako ng may naalala akong maaring makapagligtas sa aking pagkamatay sa gutom.

Pero ang tanong papayag kaya sya? Zenjie! Ano kaba! pag gutom na ang pinag uusapan pakapalan na!

Hayy bahala na.!

------------

Kanina pa ako kumakatok pero walang nagbubukas. .nanlalambot na ako sa gutom.

Last na to mamatay na talaga ako. Mawawala na ang gwapo sa mundong earth!

kumatok ako sa huling pagkakataon sa pintuan nya.

May narinig akong papunta sa pinto at sa wakas nag bukas rin.

"My Ang----- shit! my angel bakit ka may ganyan?"

Nyeta! Halos mawalan ako ng hininga ng pag bukas palang ng pinto ni my angel may naramdaman na akong nakatutok sa dib-dib ko.

Shit! hindi ba nya alam kung gaano kadelikado yun?

"what do you want?"

sabi niya. Ang ganda pala ng boses ni My angel pagbagong gising pero syempre malamig parin.

"My Angel bakit ka may ganyan?"

tanong ko, inalis na nya ang baril at itinago sa bulsa.

"Tss."

"My angel hindi mo ba alam na delikado yan?"

I said hindi sya umimik. Pansin ko lang ang laki ng eyebag nya. Yung buhok nya gulo gulo tapos.

Gulp. .yung suot nya

Shit! biglang init! nawala yata ang gutom ko ah.Umiwas ako ng tingin dahil namumula ako. Ganito ba talaga si my angel mag damit sa gabi? loose sando na tiger print at maikling short na white.

My world is HELL.Where stories live. Discover now