Chapter 35

786 19 4
                                    

Satanly POV
"Bakit tayo nandito?"
Tanong ko kay Zenjie.

"Gusto kitang ipakilala sa Mommy ko"
Sagot ni Zenjie bahagyang nyang pinisil ang kamay ko at kumindat sakin.

I smirked, gusto mo ko ipakilala? Tss Zenjie... Hindi mo ba alam na ipapakilala mo sa kanila ang taong papatay sa inyo? Lalong lalo na sa ama mo.

Mula ng mamatay ang pamilya ko, buong buhay ko umikot na sa pagpaplano kung paano makakapaghigante sa mga taong dahilan kung bakit ako namuhay ng mag isa.

Binawi ko ang kamay ko na kapit ni Zenjie, bawat parte ng katawan ko ay ramdam ko ang panginginig sa galit, malapit na malapit na ko sa misyon ko.

Mula sa kinatatayuan namin ay nakita kong humanay ang nasa walong katulong sa bukana ng pinto ng mansyon handa ng salubungin ang parating nilang prinsipe.

"Magandang hapon senyorito"

Bati nila amin, nilibot ko ang paningin ko sa buong bahay, kumikinang ang mga muwebles at sumigaw ang buong bahay ng karangyaan, Nag igting ang kamay ko at hinanap ko ang taong matagal ko ng gustong makita.

"Manang sabi ko sa inyo hindi nyo na kailangan gawin yan kapag dadating ako"

Narinig kong sabi ni Zenjie sa matandang katulong.

"Ngunit senyorito ang iny---"

Naputol ang sasabihin matandang katulong na may bumaba sa hagdan, bawat tapak nya ay syang kuyom ng kamao ko.

Alezandro Velardez with his dark aura.

Hindi pa sya nakakalapit samin ngunit ramdam ko na ang nakakakilabot nyang presensya.
What do you expect Satanly? Pero kahit anong kilabot ang dala nya ay nanatili ang tingin ko sa kanya,
Hinihimay ang bawat detalye ng katawaan nya para sa pag plano kong pagpatay.

Saan ko ba sisimulan? Sayo? Sa asawa mo? O dito sa anak mong katabi ko?.
O gusto mo sabay sabay na kayo.

"Son"

Tila isang bagyo ang boses na yon, umayos ng tayo ang mga katulong samantalang si Zenjie ay mabilis na kinapitan ang kamay ko, ramdam ko ang panlalamig at panginginig nito.

"Dad i thought yo--"

"Hindi mo manlang ba ako ipapakila sa bisita mo?"
Sabay baling sakin ng ama nya, isang tingin na kung sa ordinaryong tao ay tiyak na matatakot at maari pang tumakbo palabas, ngunit sa katulad ko ay wala ako halos maramdaman bukod sa kagustuhan kong patayin sya agad.

" D--dad, Satanly... my friend"
Pakilala ni Zenjie sakin, mas lalo naramdaman ang panginginig ng kamay nya.
Inangat ko ang kamay ko para magpakilala.

"Satanly"
Sabi ko at bahagyang pinakalma ang sarili ko,

"Alenzandro, Im his father"
Tinanggap nya ang kamay ko agad akong bumitaw dahil kung hindi ay baka mabali ko ang kamay nya.
Hirap na hirap na ko pigilan ang sarili ko.
Nakita ko ang bahagyang pagkabigla ng ama ni Zenjie ngunit agad din bumalik sa dati nitong emosyon

"Zenjie?!"

"Mom!"

Umalis ang ama ni Zenjie at pumunta sa dining room, sinundan ko ng tingin ang ama nya, iniisip na sana ay dala ko ang baril ko maganda pa naman kung babarilin ko sya likuran.

"Bakit ngayon ka lang dumalaw? Ayos ka lang ba sa condo mo? Sorry hindi ko alam na darating ang daddy mo"
Mahinang sabi ng ina ni Zenjie, kumpara sa ama nya, wala ako maramdaman na kakaiba sa kanya, maamo ang mukha kagaya ng kay Zenjie. Tumingin sakin ang babae kaya bahagya ako ngumiti at inalis ang kamay ni Zenjie na nakakapit parin sakin.

My world is HELL.Where stories live. Discover now