CHAPTER 11

191 9 3
                                    

Galit na dumating si Mina sa bahay ni Jihyo kung saan hinanap niya ito sa mga kwarto pero hindi niya makita. Sinubukan niya rin itong tawagan pero hindi macontact ang number niya


Nagpasya nalang na pumunta si Mina sa bahay nila Dahyun pagdating niya doon wala rin tao. Sinubukan niyang pumunta sa bahay nila Jeongyeon pero wala rin tao doon


"Aaahhh!" pagsigaw ni Mina mula sa isang tulay


"Mina ..." pagtawag sakanya ni Lisa

"Bakit?! bakit ganito?!" galit na tanong niya

"Mina .." dahan dahan na pagyakap ni Lisa sakanya at doon umiyak na si Mina

"Alam kong buhay siya pero bakit? ....bakit hindi niya ako maalala?!" pag iyak na tanong niya

"Antagal kong hinintay ito pero bakit ganun?! bakit?!" sigaw pa nito na mas lalong niyakap siya ni Lisa ng mahigpit

"Tahan na please ..." sabi ni Lisa sakanya

"Kumalma ka muna" dagdag pa nito



Pumunta muna sa isang hotel sina Lisa kung saan nakatulog si Mina sa kotse niya. Hindi pa niya kabisado ang mga lugar dito kaya naman naisipan niya muna na sa hotel muna sila magpapalipas ng gabi


Binuhat ni Lisa si Mina sa likod niya at dinala niya ito sa kwarto, hiniga niya ng dahan dahan at pinagmasdan ito


"Chaeyoung" pagpatak parin ng luha ni Mina kahit tulog na

"Kahit sa pagtulog mo siya parin ang iniisip mo" malungkot na sabi ni Lisa

"Chaeyoung ...mahal kita" nakaramdam na ng kirot si Lisa ng marinig niya yun



Matagal ng may gusto si Lisa kay Mina pero dahil sa first love niya hindi makuhang umamin sakanya si Lisa. Dahil sa tuwang gagawin niya yun biglang sisingit ang pangalan ni Chaeyoung at nawawalan ng gana na umamin si Lisa

- - - - -

Kinabukasn nagising si Mina na hindi familiar ang kwarto, pagupo niya nakita niya si Lisa na nasa harapan niya

"Nasan tayo?" tanong ni Mina

"Nasa hotel" sagot ni Lisa

"Ano?! bakit moko dinala dito?!" galit na tanong ni Mina

"Pwedi ba uminahon ka lang?! kagabi kapa galit!" pagsigaw sakanya ni Lisa na ikinagulat ni Mina

Ito ang unang beses na sinigawan siya ni Lisa at makita ang ganitong ugali

"L-Lisa .." sabi ni Mina

"I'm sorry hindi ko sinasadya" pagpikit na humingang malalim si Lisa

"O-okay lang" sabi ni Mina

"Ano ng balak mo?" tanong ni Lisa sakanya


Bago pa makasagot si Mina biglang may tumawag sa phone niya at nakita niya ang pangalan ni Jihyo. Dali dali niya itong sinagot at pagkatapos nagmadali narin siyang mag ayos ng sarili


"Saan ka pupunta?" pagtakang tanong sakanya ni Lisa

"Magkikita kami ngayon ni Jihyo" sagot ni Mina

"Hatid nakita" sabi pa ni Lisa

"Hindi na, diba babalik kana rin sa Busan? pasensya na kung ganito pagkikita natin, pero asahan mo babawi ako sayo" ngiting sabi ni Mina na hinalikan si Lisa sa pisngi

"Mag iingat sa biyahe" sabi pa nito tsaka na umalis







JIHYO'S HOUSE

Pagdating niya doon nakita niya si Jihyo na nasa sala at hawak hawak ang phone. Dali dali niya ito nilapitan at hinawakan sa braso na ikinagulat ng isa

"Mina! hay baliw kaba? nakakagulat ka naman" sabi ni Jihyo sakanya

"Jihyo Unnie? sabihin mo ...buhay ba si Chaeyoung?" naluluhang tanong ni Mina na mas lalong ikinagulat ng isa


"W-what? anong klasing tanong yan" pagtawang pilit ni Jihyo na inalis ang kamay ni Mina sa braso niya 

"Please tell me the truth ...buhay ba si Chaeyoung?" naluluhang tanong niya ulit

"Mina? okay ka lang? mukhang stress ka ata sa work" alalang tanong ni Jihyo

"Hindi, hindi ako stress Unnie pwedi bang sagutin mo nalang ang tanong ko?" pagpatak ng luha ni Mina


Napahingang malalim si Jihyo at tinignan niya si Mina ng seryoso


"Mina ...matagal ng patay si Chaeyoung bakit mo ba tinatanong ang mga bagay na yan?" sabi ni Jihyo

"Talaga? eh sino yung nakita ko kagabi?" pag iyak na tanong ni Mina na mas lalong nagulat si Jihyo sakanya

"A-ano?" tanging sabi nalang ni Jihyo

"Nakita ko siya kagabi sa isang restuarant at may kasamang lalaki, nung nilapitan ko siya tinatanong niya kung sino ako" paliwanag ni Mina

"Unnie please sabihin mo na si Chaeyoung yun" makaawang paghawak ni Mina sa kamay ni Jihyo

"Hindi si Chaeyoung yun" sagot ni Jihyo

"Sino yung nakita ko kagabi? kung hindi siya si Chaeyoung? please Unnie sabihin mo nalang ang totoo"makaawang sabi pa ni Mina

"Nung birthday ni Momo nakita ko ang conversation niyo nung Son Jungkook sino yun? Kuya niya ba yun?" sabi pa ni Mina

"Tapos nung nagkita kami ni Dahyun nakita ko sa phone niya may tumatawag at yun si Chaeyoung"


Hindi makapaniwala si Jihyo sa mga narinig niya kay Mina, nakatingin lang siya sakanya na sobrang gulat at hindi alam kung ano ang sasabihin


"Please ...sabihin mo buhay pa ba si Chaeyoung?" pag iyak na tanong ulit ni Mina


Napayuko nalang si Jihyo at tumingin sa sahig. Pilit na hinawakan ni Mina ang kamay ni Jihyo at paulit ulit na tinatanong kung buhay pa si Chaeyoung


"Nakikiusap ako sayo please sabihin muna ang totoo sakin" pagluhod na ni Mina

"A-anong ginagawa mo?" pagtakang tanong ni Jihyo na hindi parin alam ang sasabihin sakanya

"Unnie ...please sabihin muna" paghagulgol na no Mina

"M-Mina ...t-tama na please k-kalimutan mo nalang siya" tanging sabi ni Jihyo pero tutol si Mina sakanya


"I need her Unnie! mahal ko parin si Chaeyoung alam mo ba kung ilan taon ko tiniis to?! alam mo ba ang pakiramdam na nakipaghiwalay siya sakin?! tapos magkikita kami ulit na hindi niya ako kilala?!" hindi na mapigilan ni Mina ang kanyang nararadaman


"Please Jihyo .... nakikiusap ako sayo sabihin muna ang totoo" dagdag pa nito

"Tama na Mina ...kung kinalimutan ka niya edi kalimutan muna rin siya" seryosong sagot ni Jihyo

"Nooo!!! hindi ko kaya ...please sabihin mo nalang ang totoo" makaawa pa ni Mina

PANAGINIP "IKAW PARIN" - BOOK 2/ MICHAENGWhere stories live. Discover now