CHAPTER 6

193 8 0
                                    

Isang buwan na nakakaraan at lumipat na nga si Mina sa Seoul kung saan nagtatrabaho na siya sa kumpanya ni Mr. Kang naging maayos naman sakanya ang pakikisama ng kanyang mga katrabaho


Samantala sinabi na ni Jihyo ang totoo sa kanyang mga kaibigan na gising na si Chaeyoung natuwa ang mga ito at agad ng binisita ang kaibigan nila. Hanggang ngayon hindi parin sinasabi nila Jihyo ang totoo sakanila Mina dahil bilin ng Ama ni Chaeyoung na palabasin na patay na ito at wag sasabihin kung kanino man ang totoo kahit sa kaibigan pa nila


Mabigat sa pakiramdam yun nila Jihyo lalo na hanggang ngayon nagsisinungaling parin sila sakanilang mga kaibigan. Ganun rin si Jeongyeon sakanyang kasintahan na si Nayeon, mahal na mahal niya ito pero kailangan niya parin itago ang totoo


Nagsimula ng magpractice si Chaeyoung sa paglalakad na tinutulungan siya ng kanyang mga kaibigan at hindi nagtagal natuto na ito

"Hey Chaeng?" pagtawag sakanya ng kapatid niya na nasa garden si Chaeyoung
"Bakit?" tanong ni Chaeyoung
"Namiss mo ba simoy ng hangin sa labas?" ngiting paglapit ni Jungkook sakanya
"Sobra" sagot ni Chaeyoung
"Marami ng nagbago pansin mo ba?" tanong pa ni Jungkook
"Yup, sobrang dami na nga" ngiting sabi ni Chaeyoung na tumingin sa mga ulap
"Pwedi kanang lumabas ng bahay pero siguraduhin mo lang na mag iingat ka okay?" paghaplos ni Jungkook sa buhok ni Chaeyoung









Mina's Pov

Paglipat ko dito sa Seoul tumira na muna ako sa bahay ni Jihyo habang wala pang nahahanap na dorm. Okay naman ang mga katrabaho ko mabait tsaka palakaibigan sila isang buwan na nga lumilipas at napapansin ko kay Jihyo na maaga itong umaalis sa bahay at hindi kuna nadadatnan pag gising



Heto ako ngayon nagluluto ng almusal at walang trabaho. Pagkatapos kong magluto kumain na ako tsaka naglinis ng kwarto, after ng ilang oras naisipan ko na mamasyal muna sa Seoul para naman mamemorize ko ang mga lugar dito


Naglakad lakad ako sa isang parke inamoy ang simoy ng hangin na napaka gaan sa pakiramdam


"Mina?!" biglang tawag sakin na napalingon ako

"Oh Dahyun-ah" ngiting sabi ko na lumapit siya sakin
"Anong ginagawa mo dito?" tanong niya
"Namamasyal lang" sagot ko na naglakad kami
"Ikaw ba? buti nandito ka wala kabang work ngayon?" tanong ko pa
"Meron pero nagbreak na muna ako" sagot nito
"Baka mapansin ka ng mga tao tapos dumugin tayo dito" ngiting pabiro ko
"Don't worry naka face mask at cap naman ako" sabi nito

"Kamusta nakayo ni Sana?" tanong ko bigla
"Ayun nag away nanaman kami" malungkot na sagot niya
"Bakit naman?" pagtakang tanong ko
"Lagi nalang siya nagseselos kay Eunwoo na wala naman dapat ikaselos" ramdam sa boses niya na nagsasabi siya ng totoo
"Simula palang kasi ayaw na niya kay Eunwoo, sa tuwing nakikita niya ito kumukulo agad ang dugo niya kaya ayun palagi kaming nag aaway" dagdag pa niya
"Edi iparamdam mo nalang sakanya na mahal mo talaga at wala siyang ikaselos" sabi ko
"Kahit gawin ko yun wala parin naman sakanya" sabi nito


Sa gitna ng aming pag uusap may biglang tumunog na phone at kinuha ni Dahyun ang kanyang cellphone sa bulsa. Laking gulat ko sa nakita kong pangalan kung sino ang tumatawag


"A-ahm, excuse lang" kabang sabi ni Dahyun tsaka muna siya dumistansya sakin para sagutin ang phonecall


Ibig sabihin totoong buhay siya? pero bakit? bakit sinabi nila samin na patay na si Chaeyoung?? ...mga katanungan sa isip ko nung makita ko na si Chaeyoung ang tumatawag


Pagbalik ni Dahyun sakin ngiting pilit ang sumalubong sakin

"Mina? k-kailangan ko ng umalis maiwan nakita" nauutal na sabi nito
"Ganun ba ..okay sige ingat" sabi ko

Tangka na siyang aalis ng hinawakan ko bigla ang braso at tumingin sakanya ng diretso

"S-saan ka pala pupunta?" tanong ko na napalunok siya bigla
"B-babalik na ako sa trabaho ko tinatawag na kasi nila ako" sagot nito tsaka kuna binitawan ang paghawak sakanya
"Okay sige" pagtango ko nalang tsaka na siya nagmadaling umalis







CHAEYOUNG'S HOUSE

Nanonuod ngayon si Chaeyoung sa sala ng biglang may nagdoorbell at agad niya naman itong pinagbuksan

"Chaeng!" tuwang sabi ng dumating
"Dahyunah!" tuwang pagyakap ni Chaeyoung sakanya na pumasok at umupo na sa sofa

"So bakit ka tumawag kanina?" tanong ni Dahyun sakanya
"Nabobored na ako dito sa bahay pwedi ba tayong lumabas?" sabi nito
"Pinayagan kana ba?" tanong pa ni Dahyun
"Oo pero dapat mag iingat parin daw ako" sagot nito

Nag isip munang mabuti si Dahyun bago ito sumagot hanggang sa dumating na si Jihyo at sinamahan sila

"Basta Chaeng mag iingat ka parin okay?" babala sakanya ni Jihyo na nagpaalam sina Chaeyoung at Dahyun sakanya
"Don't worry mag iingat ako ng mabuti" ngiting sabi nito na nakalitaw ang dimple niya
"Hay sobrang namiss kita" pagyakap sakanya ni Jihyo
"Namiss ko rin kayo" ngiting sabi pa nito
"Alis na muna kami Unnie namiss ko rin kasi ang Lugar" sabi pa ni Chaeyoung


Hindi nagtagal at umalis na nga silang dalawa. Una silang pumunta sa restuarant kung saan kumain na muna sila. Tuwang tuwa si Chaeyoung ng muli siyang makalabas ng bahay


"Sa wakas nakapasyal ulit" tuwang sabi ni Chaeyoung
"Ikaw ba naman natutulog ng ilang taon" pabirong sabi ni Dahyun sakanya
"Pero naaalala mo ba yung nangyare noon?" tanong pa ni Dahyun
"Nangyare?? ..." napatitig nalang si Chaeyoung sa kaibigan niya na inaalala ang nangyare bago siya macoma

"Hindi" sagot nito na ngumiti nalang pilit si Dahyun sakanya
"Bakit? ano ba talaga ang nangyare noon?" tanong pa nito
"Hindi muna kailangan pang maalala" sagot ni Dahyun sakanya na nagtaka ang kaibigan niya



Maya maya pa dumating na ang order ng dalawa at nagsimula na silang kumain. After nun pumunta naman sila sa isang street foods kung saan hindi lang pagkain ang makikita, kundi mga nagtitinda rin ng mga bag, sapatos, damit at marami pang iba



"Dahyunah? sure kaba dito tayo? maraming tao oh" alalang sabi ni Chaeyoung sakanya
"Okay lang yan nakacap naman ako tsaka hindi ba pweding mamasyal ang artista?" pabirong sabi nito
"Ikaw talaga, tara bili tayo ng milktea" ngiting sabi ni Chaeyoung tsaka sila pumunta sa isang Milktea shop

Paglabas nila may nakapansin kay Dahyun at kinuhanan siya ng picture na agad naman itinago ni Chaeyoung sa likod nito

"Tigilan mo yan" seryosong sabi ni Chaeyoung sakanya hanggang sa dumarami na ang tao at nakilala na si Dahyun

"Hali kana" paghawal ni Chaeyoung sa kamay ng kaibigan niya tsaka sila tumakbo

"Sandali lang! Dahyun papicture naman!" pagsunod at sigaw ng mga tao sakanila
"Wait lang" sigaw pa ng iba
"Ang ganda mo!" tuwang sabi pa ng iba

PANAGINIP "IKAW PARIN" - BOOK 2/ MICHAENGWhere stories live. Discover now