#10: NO ONE VISITED

20 4 0
                                    

Bigla na lamang akong sumulpot sa isang lugar na sementeryo.

Sa una ay nagtataka pa ako ngunit naintindihan ko na agad na kung bakit ako naririto. Nagsimula na akong maglakad, napatingin pa ako sa kaliwa't kanan ko, may nakikita akong mga bata na naglalaro.

Wait lang... naglalaro? O.O

Ahh siguro matagal na din sila naglalaro dito, HAHAHAHA bobo kaba self? Ano ba yan, ngayun ko lang naisip eh, bat ba?

Taray, kaya sila naglalaro dito kase nakasanayan na nila? Hmm, hindi na weird saken.

Tumingin ako sa kalangitan at base pa lamang sa sa mga ulap ay tiyak na mamaya ay papatak na ang mga butil ng ulan. At malapit na din maggabi, makulimlim na din ang kalangitan. Wala na akong pake kong hindi na ako uuwi sa aming tahanan, ang mahalaga ay may dadalawin ako na hindi dinadalaw ng iba, at isa pa pala ay wala na din akong mauuwian haha.

Nagpatuloy na ako sa paglalakad, at may hinahanap ako ngayun na hindi ko mawari kong ano ba talaga ang aking hinahanap. Madalas na din akong makalimutin pero di gurang ang mukha ko. Baby face pa kaya, kung ayaw mo maniwala, isungal-ngal ko na lamang sayo tong mukha ko na mapaniwala ka.

Nang mahanap ko na ang aking hinahanap ay umupo agad ako sa damuhan, ngumiti ako ng peke at hinamas-himasan ang isang lapida

"Who you? Why are you here little girl?" Napahinto ako ng may biglang nagtanong. Tinignan ko yung nagsalita sa kanan ko na hindi lumilingon sakanya.

"I'm just visited here puntod fo, wala kaseng ni isa ang dumalaw sakanya, maliban saken" Saad ko at napatango na lamang siya at biglang tumahimik.

Umupo siya sa aking tabi at ako naman ay hindi makagalaw sa aking inuupuan dahil hinihimas-himasan ko pa din ang nasa harap kong lapida.

"Kawawa po talaga tong tao, bata pa lamang siya ay nagkasakit na. At dahil sa hindi siya mapangalagaan ng kanyang mga magulang ay lalong lumala ang kanyang sakit at iyon ang dahilan kong bakit siya nandiyan" Pagsisimula ng kwento ko, napahinga na lamang ako ng malalim.

"But why naman na alam mo ang kwento niya?" Tanong niya. Tumayo ako at humarap sakanyang umupo para makapag-usap kami ng maayos.

"Malamang ako yung kaisa-isahang kaibigan niya po eh, haha, kaya alam na alam ko ang kwento niya." Pagkasaad ko nun ay bumalot na naman sakin ang lungkot.

"Pero alam mo po ang mas masakit?" Tanung ko sakanya.

"Hmm, ano yun bata?"

"13 years old siyang namatay at nailibing, pagkatapos po nun ay ang kanyang mga magulang ay lumipat ng tirahan at hindi na alam kong nasan na sila napadpad. Ngayun ang edad niya na po ay 87 na pero halos 74years ay hindi man lang siya dinalaw ng kanyang mga magulang." Sagot ko at mas lalo na talaga siyang natahimik, na animo'y na nung nalaman lang ang kwento ay parang siya yung nakaranas.

"Hindi kase siya mahal ng kanyang mga magulang eh, pati ng kanyang mga kaibigan ay ni isa walang bumisita sakanya." Dagdag ko pa at nilingon ang puntod.

"Ewan pero nagmumukha po akong tanga kakahintay na umaasa na may makaaalala sakanya. Pero wala talaga eh, 74 years akong naghintay at wala talaga" Malungkot na
pagtatapos ko sa kwento ng taong nasa harap ng lapida namin.

"Zaires Quertige...?" Basa niya sa pangalan na nakaukit sa lapida, napangiti naman ako ng peke sakanya at alam niya yun kaya nalungkot bigla ang kanyang mukha. Napahinga na lamang ako uli.

"Yeah, si Zaires Quertige ay ako."

END.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 13, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon