#7: ANG BALIW NA KAKLASE KO

13 5 0
                                    


"Hoy Lamia gaga" Tawag ko kay Lamia, habang nakatingin sa bintana. Nakigaya na din ako sakanya.

"Alam mo ba? Sobrang miss ka ng nga kaklase natin. Siguro kapag nakabalik kana sa school pagtatawanin ka lang nila kase namiss din nila na pagtawanan mo sila araw-araw pfft"

"Tama ka nga Evy..." Tumingin ito bigla sakin at ngumisi hanggang sa natawa ito. Kaya nakitawa na din ako, nakitawa nga ako pero mukhang natatae naman yung mukha ko tangek.

"Kaya nga Lamia, magpakabait kana sa bago mong tahanan. At alagaan mo sarili mo para mabilisan kang magaling" Saad ko at medyo lumayo ng kaunti sakanya kase nakita ko ang matanda na lumapit sa likod ni Lamia.

"Oo nga, tama sinabi mo Evy HAHAHAHAHAHAHAHAHA. Gusto ko na kaseng makita ang crush ko na nicrushback lang ako nitong nakaraan na linggo" Pagk-kwento nito saken, napakamot naman ako sa batok ko. Talagang iniingit ako ni Lamia pero ano ayos din naman. Kahit nakakasakit na siya sa pag-iingit sakin kahit...ano, basta.

[Wag mo ng alamin, tsismosa kaba?]

"Magpagaling kana kase at sundin mo din ang pinapayo sa iyo ng Lola mo" Paaalala ko sakanya. Tumingin pa ako kay Lola, ngumiti din ito pabalik.

"Namiss ko na talaga ang crush ko na si Deib Lohr Enrile, namiss ko na siyang harutin. Omyghad hshshshs." Kinikilig niyang sinabi at umikot-ikot pa, feel na feel ang gaga.

"Kaso nga nung past days, na magkasama kami ni Deib Lohr ang sama ng tingin sakin ng dalawa na sina Juanito at Jeydon."

"Ha? Bakit naman?" Tanung ko dahil nagtataka ako.

"Umamin din kase sila noon na crush din nila ako, ghaaad ang haba ng hair ko." Ngumisi-ngisi pa ito at pahawak-hawak pang nalalaman sa buhok niya na maikli naman na hanggang leeg lang niya. Potangina.

"Ede sanaol Lam---" Hindi ko na tapos sasabihin ko kase bigla na lamang ako nito nilapitan at niyugyug ang balikat ko.

"Ano baaaaa HAAHAHAHAHAHA inggit ka lang eh, kesa sakin kase ay may nagkakagusto tapos sayo wala HAHAHAHAHA." Tumawa pa ito ng tudo hanggang sa nakakatakot na ang tawa niya.

Agad namang nagsilapitan ang mga nurse at ang mga matatanda na nag-aalaga kay Lamia. May itinurok ito sa kabilang braso ni Lamia para mawalan ito ng malay at nilayo na siya sa akin ng mga nurses.

Napakalakas ng imagine ni Lamia, nagsasabi na may nagkakagusto sakanya eh wala naman. Daming alam tangina, pero natatakot ako at natatakot sa kalagayan niya baka kase lumala pa saki niya.

Nasa Mental Hospital po ngayun si Lamia, opo totoo sinabi ko. Dinalaw ko lang siya dito at tignan kung ayos pa ba siya pero mukhang hindi pa.

END.

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon