#1: ANG KA-RS KO SA RPW

150 8 11
                                    

"ANAK? Ano ba naman 'yan? Buong araw kana riyang nakababad sa cellphone mo. Binilhan na kita ng kung anong gusto mong basahin na Wattpad Book tapos babad kapa rin d'yan?" Nag-angat ako nang tingin kay Mama na ngayon ay sapo na sapo ang kanyang noo na animo'y problemado na naman sa akin. Hays.

Umayos ako sa kakahiga ko at napabuntong hininga. Ngunit na ganyanin ko na lang siya tignan ay binalik ko na lamang ang paningin ko sa cellphone.

"Ano bang pinagkakaabalahan mo riyang bata ka?"

"You'll die if i tell you."

"SIERRA!"

Tumahimik na lang ako. Agad na sumilay na ngiti sa king mga labi ng nakita kong nagreply ng [I LOVE YOU TOO, BABY] sa akin si Johassen.

Bago pa iyon makita ni Mama ang ekspresyon ng mukha ko ay nawala na ang ngiti sa mukha ko. Mahirap na kapag nakita niya iyon.

Naramdaman ko na lang na unti-unting naglalakad kaunti palapit si Mama sa pintuan. "Bago mag-alas otso ay lumabas kana riyan. Kakain na tayo maya't-maya." iyon na lang ang sinabi niya sa akin bago tuluyan na lumabas sa aking silid.

Galit na iyon sa 'kin si Mama ngunit pinipigilan na iyon lamang. Hindi ko masisisi si Mama, kasalanan ko naman 'to kaya panindigan ko man kung anong susunod na gawin sa akin.

---
"Sierra! Hali ka nga rito!" daglian akong nagpupunas nang aking kamay. Napatakbo ako sa halos hindi ko malaman na dahilan ang nararamdaman ko.

Doon ko na lang naaalala na nakaiwan palang nakabukas ang aking phone at hindi iyon pinatay!

Kaya hinayaan ko yung mga pinaghuhugasan kong plato roon sa lababo. At...

"Oh dahan-dahan lang Baby Sie. Baka madulas ka. Bat ba nagpapanic iyon?..."

Narinig ko pa yung huling salita pero hindi ko pinansin ang sinabi man lang ni Papa. Sa halip ay nilampasan ko lang siya at nagpatuloy sa pagtakbo hanggang sa makarating ako sa harap ni Mama.

Hingal na hingal akong naghahabol ng hininga nang sa wakas ay nakapunta ako. At sa ngayon, nasa harap na niya ako.

Natatakot ako. Natatakot ako na baka nakalkal niya ang mga chats ko sa messenger. Namputsa talaga...

Umayos ng upo si Mama at tinambad sa mismo'ng mukha ang cellphone ng screen ko. Kingina, bungad na bungad.

"Ano 'to?" mahinahon niyang sabi at napapikit akong tignan yung conversation namin ni Johassen.

"Obviously---c-chat namin, 'ma " sagot ko, para akong inuunti-unti na kinakain ng kaba ko sa sobrang pagtibok nang puso ko.

Yumuko ako at pinaglalaruan ang dalawa kong daliri.

Nasa ganoon ako na sitwasyon ng bumigat ang aking magkabilang balikat. Umangat ang tingin ko kay Mama, tinignan ko siya na nakatayo na sa harap ko na hinahawakan ang magkabilang balikat ko.

Wala akong magawa kundi pasadahan siya nang tingin at labanan ang mga masasamang titig sa 'kin.

Isang pinakawalan na hininga ang ginawa ni Mama, "tell me the truh anak, boyfriend mo ba 'yon? Gaano na kayo katagal?"

Nagbabara na sa lalamunan ko ang laway ko, shet. "5months na kami..." pahina na pahina ang aking boses.

Kahit magsinungaling ako ay malalaman din n'ya diba? Kaya ano paba ang karapatan kong magsinungaling? Magsasayang lang ako ng mga minuto para magdahilan ng magdahilan sa harap niya.

"Boyfriend mo sa Role Play World?" nabigla ako at nanlakihan ng mata'ng nakatingin kay Mama. Idiniin talaga ang ROLE PLAY WORLD.

"How did you k-know---" iyan lang ang tanging kong nakayanan na sabihin.

ONE SHOT STORIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon