15. Monday Morning

Start from the beginning
                                    

"Alam n'yo na ang gagawin!" malakas niyang sinabi na nag-echo pa sa buong ground floor.

Biglang kumalat ang mga maid, at eksaktong pagpaling niya sa kaliwa, nagtagpo ang tingin naming dalawa.

"Good morning po, Mrs. Serena," bati ko saka bahagyang yumuko. Pagderetso ko ng tayo, gulat na gulat ang mukha niya habang nakatingin sa akin.

"Buhay ka pa rin?" bulalas niya agad na para bang super shocking na makitang humihinga pa ako.

Sumimple ako ng pag-irap sa kanan at tumango. "Opo, buhay pa po ako."

Ang sabi ni Mr. Phillips, matagal nang nagsisilbi si Mrs. Serena sa pamilya. E wala na nga raw ang mga Helderiet. Ibig sabihin, mas matanda pa siguro si Mrs. Serena kaysa kay Mr. Phillips. E higit one hundred years na ang boss ko.

Bampira din kaya si Mrs. Serena? Pero hindi siya mukhang bampira. Baka gaya ng sabi ni Mr. Phillips, imortal din siya. Pero paano ba nagiging imortal?

Napatayo agad ako nang deretso nang maglakad papalapit sa akin si Mrs. Serena. Mabilis siyang tumingin sa center table at nakita niya agad ang mga folder doon, saka niya ibinalik ang tingin sa akin.

"Bakit wala ka rito kahapon?" mahigpit niyang tanong.

Napalunok agad ako sa tanong. Ayoko namang sabihing umalis ako kasi nalaman kong bampira si Mr. Phillips.

"Kasi po . . . nag-almusal po ako sa labas?" Ngumiwi agad ako sa sagot kong patanong pa pagtingin sa kanya.

"Nag-almusal ka hanggang alas-dose ng tanghali?" nakataas ang kilay niyang tanong.

Ano ba'ng gusto niyang sabihin ko? Na lumayas nga ako 'tapos bumalik lang kasi naaawa ako sa boss kong mag-isa?

"Serena."

Magkasabay kaming napatingin sa ibaba ng hagdanan at nanlaki agad ang mga mata ko nang makitang nakasuot ng formal suit si Mr. Phillips. White long sleeves na pinatungan ng maroon vest, ipinares sa maroon trousers, saka sa black leather shoes.

"Mr. Phillips." Gumilid agad si Mrs. Serena at nagtaas ng mukha habang pinanonood ko naman ang boss kong mag-ayos ng cuff ng long sleeves niya.

"Could you please call Morticia for me, Serena?"

Gusto kong pumikit pero pinipigilan ko lang. Umiikot sa hangin ang pabango ni Mr. Phillips, parang nang-aakit ng babae.

"Ano ang sasabihin ko sa kanya?" tanong ni Mrs. Serena na parang mas boss pa sa boss ko.

"Tell her to guard the Cabin until sunset. I'll go out."

"Donovan?" Napatayo agad nang deretso si Mrs. Serena, at unang beses kong nakitang magbaba siya ng mga kamay habang gulat na gulat na tiningnan ang amo naming dalawa. Kahit din ako, nandilat ang mga mata sa narinig ko. "Masyado nang mataas ang araw para lumabas ka."

"I'll keep myself guarded. Sabihan mo na lang si Morticia na magbantay rito hanggang pagbalik namin." Binalingan ako ng tingin ni Mr. Phillips. "Let's go, Chancey."

"Po?"

Imbes na sagutin ako, tumalikod lang siya at pumunta sa may pintuan. "Lance, umbrella, please."

"One moment, Mr. Phillips."

Mukha akong tangang nakatulala lang sa may pintuan dahil sa nangyayari.

Ano 'yon? Lalabas siya? Akala ko ba, matutulog siya! Alas-nuwebe pasado na!

"Miss Chancey," pagtawag ni Lance sa may pintuan.

"Saglit lang, Lance!" Dinampot ko agad ang lahat ng folder sa center table at naiilang na nginitian si Mrs. Serena na kunot na kunot ang noo sa akin.

Prios 1: Contract with Mr. PhillipsWhere stories live. Discover now