Chapter ♥ 33

Magsimula sa umpisa
                                    

"Kyaaahhhh!" tili ni Lucy at kumaripas ito ng takbo pabalik sa amin.

Naalerto kami dahil sa kaharap naming nilalang ngayon. Ito ang nakalaban ko noon na kung tatawagin ay Juton.

"Mag-ingat kayo, wag niyong hayaang mahawakan kayo ng nilalang na iyan o mahawakan niyo ang parte ng katawan niya" seryosong saad ko sa kanila at nangunot naman ang kanilang mga noo.

"Bakit?" nagtatakang tanong ni Scarllet.

"Kaya niyang gawin kayong yelo pag nagkakataon" seryosong tugon ko habang matiim nakatingin sa kalaban.

"Oh my ghad" kinakabahang bulalas ni Sophie.

"Kyaahh!" tili ng ibang kaibigan kong babae nang sumugod ito sa amin. Nagkanda watak-watak kaming lahat para iwasan ito.

Agad namang binato ni Four ng Fire ball ang kalaban kaya umungol ito sa sakit. Binagsakan ng kalaban ang lupang niyebe ng mabibigat nitong kamay kasabay ng pagyanig ng paligid. Nagsibagsakan naman ang mga yelo na nang galing sa itaas. Agad akong umiilag nang may bumagsak sa aking harapan na isang matulis na yelo. Napatingin ako sa diyamanteng bato, kaylangan na naming makaalis dito kundi madala kami sa pagguho ng kuwebang ito.

Nakita kong pinatamaan ni Four ng Fire blast ang kalaban kaya humiyaw ito muli sa sakit ngunit sa kasamaang palad ay mas lalo itong nagwala kaya mas lalo ding yumanig ang paligid. Nakita kong binatuhan ni Sophie ito ng Ice blade. Si Kade naman ay nagbato ng poison at nararamdaman ko ang panghihina ng kalaban. Siguro'y kaya na nilang kalaban ito.

Muli kong itinuon ang atensyon sa bato at mabilis akong tumakbo habang iniilagan ang mga yelong nagsibagsakan. Napadapa ako nang may bumagsak sa aking likuran na yelong bato. Laking pasasalamat ko dahil hindi naman ako nagalusan. Tumayo ako muli at pinagpatuloy ang pagtakbo.

Malapit na ako sa kinaroroonan ng bato kaya mas lalo kong binilisan ang pag takbo at sa wakas nalapitan ko na nga ito. Napatingin ako sa taas nang may narinig ako na parang natipak. Nanlaki ang aking mga mata nang may matulis na yelong pabagsak sa gawi ko. Agad kong kinuha ang bato at agad nagpalutang sa ere para iwasan ang pagbagsak ng yelo.

"Nakuha kona ang diyamanteng bato!" sigaw ko at itinaas ang aking hawak kaya naagaw ko naman ang lahat ng atensyon nila. Nakita ko ang tuwa sa mukha ng aking mga kaibigan.

Napalingon ako sa kinaroroonan ng bato kanina nang may narinig akong mga bitak. Nanlaki ang mga mata ko dahil sa lupang niyebe na unti-unti ng gumuho.

"Four! Gumawa ka ng portal! Kaylangan na tayong makaalis dito!" sigaw ko habang kinakabahang nakatingin parin sa lupang naguguho.

Nilingon ko si Four at nakita ko sa huling pagkakataon ay binato niya ng Fire ball ang kalaban. Tumilapon naman ito at ginamit niya ang pagkakataon na iyun para gumawa ng portal.

"Get in!" sigaw ni Four kaya mabilis akong lumipad papunta sa kanila habang umiilag parin sa mga yelong nagsibagsakan. Nagsipasok nadin silang Scarllet samantalang si Four naman ang nananatili lang sa kinatayuan niya.

Inabot niya ang kanyang kamay nang malapit na ako sa kanya. Humawak ako sa kanyang kamay at agad naman niya akong hinila papasok sa portal.

Laking ginhawa ko dahil sa wakas ay nakabalik narin kami ng Akademya.

"Kyaaahhhh anjan na sila!"

"Welcome back Royalties!"

"Kyaaahhh I love you prince Chaos!"

"I miss you baby Kade!"

"Ang ganda niyo mga prinsesa!"

"Look, nag iba ang kulay ng buhok ni Blaire"

"Sus, baka nagpakulay lang yan"

"In fairness bagay sa kanya"

"Yuck, anong bagay? Haler! Nagmumukha siyang patay noh!"

Klaseng-klase ang naririnig kong sigawan at bulungan nilang mas malakas pa sa mikropono. Napairap nalang ako sa aking pag-iisip dahil ikaw ba namang nanggaling sa pakikipaglaban o sa delikadong misyon tapos sasalubungin ka lang pala ng masasamang kemonto.

"Welcome back Royalties!" naagaw lahat ng atensyon namin nang may nagsalita. Nakita naman namin ang nakangiting mukha ni HM.

"Follow me to my office" dugtong niya at nauna na itong naglakad. Sumunod nalang kami sa kanya at nagbigay daan naman ang mga studyante.

Tanghalian na kasi ngayon kaya nasa labas ang lahat ng studyante at hindi sa loob ng silid-paaralan. Nakarating kami sa office ni HM at agad niya kaming hinarap.

"Nakuha niyo na ang Diamond stone?" tanong ni HM at napatingin naman sa akin ang mga kaibigan ko.

Nilabas ko sa aking bulsa ang bato at inabot kay HM. Ngumiti naman siya.

"Di talaga ako nagkakamaling kayo ang ipapadala ko sa misyon" nakangiti niyang sabi. Di lang kami kumibo dahil gusto ko na talagang magpapahinga at siguro ganun din ang gusto ng mga kaibigan ko.

"By the way, may ipakilala ako sa inyo" nakangiting dugtong ni HM kaya nangunot naman ang noo ko.

Lahat kami napalingon sa pintuan nang bumukas ito at iniluwa doon ang magandang dilag na nakangiti ng malapad. Mataas ang maitim at mahaba niyang buhok, bumagay iyun sa maputi niyang balat. Ang ganda niya ngunit lantad naman ang kanyang dibdib at pusod. Nakauniporme siya at bumagay iyun sa kanya. Ngunit sino ito?

Nangunot ang noo ko nang agad itong tumakbo papunta sa gawi namin.

"Love!" natutuwa niyang usal. Agad siyang tumalon at kumapit ito sa leeg ni Four habang ang mga binti nito sa beywang niya.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig nang agad siya nitong siniil ng halik. Narinig ko naman ang pagsinghap ng mga kaibigan ko. Parang ilang ulit sinaksak ng kutsilyo ang aking dibdib dahil sa aking nasaksihan. Walang nagawa si Four dahil gulat din ito. Parang umikot ang mundo ko kaya napahawak nalang ako kay Aubrey. Naramdaman kong nanghihina nadin ang mga tuhod ko.

Bumaba naman ang babae sa pagkakayakap sa kanya at masayang-masaya itong nakalingkis sa braso niya. Napangitin si Four sa akin kaya agad akong nagiwas ng tingin.

"Siya pala si Divine Oracles, ang itinakda" nakangiting pakilala ni HM sa amin at mas sumukip naman ang dibdib ko. Bakit? Bakit ngayon pa na mahal na mahal ko na si Four?

"HM, sigurado ka po ba jan?" kumpirma ni Scarllet.

"Nakita namin siya sa labas ng akademya kagabi na nakikipaglaban sa tatlong demons at naipalabas niya ang apat na elemento" kalmadong saad ni HM. Parang babagsak na ang mga luha ko dahil sa sakit. Sinulyapan ko ng huling pagkakataon si Four at nakita kong kahit anong emosyon ay wala kang makikita sa mukha at mata niya. Mas lalong sumakit ang dibdib ko dahil dun.

Di ko nakaya ang mga nangyayari kaya agad kong nilisan ang office ni HM ng walang paalam.

Ito na ba ang simula ng kinakatakutan ko? Dito naba magtatapos ang kasiyahan ko kasama ni Four?

@Missloorh

Hope you like it! Muahh lovelots!

Maghanda ng tissue babies, chareeng iwan ko kung marunong ba akong magpaiyak hahahahaha I'm telling you na masiyahin akong tao kaya don't expect too much na babaha ang luha niyo sa mga susunod na kabanata. Pero still hoping na magawa ko ito hehehe

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon