Prologue

6.4K 224 62
                                    

Third Person POV

Nakaupo si Haring Ismael sa trono niya na may malalim na iniisip. Parang laking pasan niyang problema dahil sa mukha niyang nakakunot. Agad siyang napatingin sa tarangkahan nang bigla itong bumukas at iniluwa dun ang Heneral niya.

Seryoso itong naglakad punta sa harapan ng trono niya at agad din itong lumukob para magbigay galang.

"Anong balita Heneral?" seryosong tanong niya sa kanyang heneral.

"Bumukas na ang aklat ng propesiya kamahalan" tugon nito sa kanya ng nakayuko parin.

"Sabihin mo ang iyong nalalaman" kuryusidad sabi ni Haring Ismael.

"Nagbigay ng misyon ang konseho ng akademiya at ito ang misyon sa aklat ng propesiya. Naglakbay ang mga royalties kasama ang bagong miyembro sa bundok soctum dala ang aklat para ipabasa sa babaylan ang nakasulat. Sinundan ko sila ng palihim at nalaman ko na ang nakasulat ay_dumating na ang itinakda" salaysay ng heneral sa kanya. Tumaas ang sulok ng labi ni Haring Ismael sa nalaman niya.

"Iyan lang ba lahat ng impormasyon heneral?" malalim niyang tanong dito at agad naman itong tumango-tango.

"I-iyan l-lamang k-kamahalan dahil saglit lamang ako d-doon" nauutal nitong sagot sa kanya. Nanliit ang mga mata niya pero tumango-tango nalang siya.

"Hmmm papalampasin ko muna ngayon ang katangahan mo. Maari kanang umalis baka magbago pa ang isip ko" pagbabanta niya dito at agad namang tumayo ang heneral na parang takot. Yumuko ito at agad umalis sa harapan niya.

Huminga ng malalim si Haring Ismael bago tumayo sa pagkakaupo at nagmamadaling naglakad palabas ng silid trono niya.

Dumaan siya sa pasilyo ng kaharian niya at pumasok siya sa huling pintuan, kinandado niya ito at nagsamula ulit naglakad papalapit sa maliit na pintuan sa loob ng silid.

Binuksan niya ito at pumasok. Agad din niya itong sinirado, humarap siya at tumambad sa kanya ang maliit na hagdanan paitaas. Inakyat niya ang mahaba at maliit na hagdanan na may maliit na ispasiyo. Hingal-hingal siyang nakarating sa itaas at nakaharap siya ngayon sa itim na pintuan.

Huminga muna siya ng malalim at ikinalma ang sarili. Dahan-dahan niya itong binuksan. Nang tuluyan niya itong nabuksan ay bumungad sa kaniya ang madilim na silid at tanging sinag lang ng araw na nagmula sa maliit na bintana ang nagbigay liwanag.

May maitim na parang usok ang nasa loob nito na umikot-ikot sa buong silid.

"Ano ang dala mong balita at bakit ka napasugod dito Haring Ismael?" tanong ng malamig at malalim na boses na dumadagundong sa buong sulok ng silid. Nagbigay iyun kilabot kay Haring Ismael kaya napalunok na lamang siya.

"Bumukas na ang aklat ng propesiya panginoon at sinabi doon na dumating na ang itinakda" pilit niyang palakasin ang kalooban niya para masagot ang tanong ng kinilala niyang panginoon.

Mas lalo siyang natakot nang humalakhak ng tawa ang boses ng kausap niya.

"Hahahahaha! Magaling, magaling. Dumating na ang panahon Ismael! Dumating na hahahahaha" halakhak ng kausap niya. Napangiti nalang ng kaunti si Haring Ismael dahil sa narinig niyang komento ng panginoon niya. Nagbigay iyun ng ginhawa sa naramdaman niyang takot.

Nagusap sila at gumawa ng plano. Pagkatapos nun ay umalis siya sa silid na iyun at bumalik sa silid trono niya. Pinatawag niya ang kaiisang anak niyang babae at agad naman siya nitong pinuntahan.

"Ama, pinatawag niyo raw ako" panimula ng anak niya. Nakaupo ito sa paanan niya at ang ulo nito ay nasa hita niya habang hinaplos-haplos niya ang mahahaba at kulay itim nitong buhok.

"Dumating na ang inaasam mo aking anak" nakangiti niyang sabi sa anak niya. Agad nag-angat ng tingin ang anak niya habang nakakunot ang noo.

"Anong ibig mong ipahiwatig aking Ama?" takang tanong nito sa kanya. Ngumiti si Haring Ismael bago nagsalita.

"Ang pangarap mo aking mahal na Anak" mahinahon niyang tugon at lumiwanag naman ang ekspresyon ng mukha ng anak niya.

"Talaga Ama! Walang halong biro?" masigla nitong kumpirma sa kanya at tumango-tango lang siya. Napatayo ang anak niya dahil sa tuwa at napalundag-lundag pa ito na parang bata.

"Sa wakas! Makikita ko na din ang mahal ko" natutuwa niyang sabi at agad niyang hinalikan ang Ama niya sa pisnge at sila'y nagusap muli.

@Missloorh

Hope you will support me until the end, enjoy reading! Muahhhh lovelots!!

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Where stories live. Discover now