Chapter ♥ 22

2.1K 85 24
                                    

Third person POV

Nagpatuloy sa paglalakad si Chaos kahit hirap na hirap itong labanan ang malakas na hangin. Lalo na't sa mga sahig na nagkanda bitak-bitak na parang naging isang matutulis na bagay na kay hirap iwasan, hindi naman ito kagaya ng kadalasang matatawag nating arena na lupa ang nasa gitna dahil semento ito. Huli niyang namalayan ang kidlat na papalapit sa kanyang gawi pero nagawa naman niyang tumalon para ilagan ito. Ngunit sa kasamaang palad ay nadala siya sa hangin at tumama siya sa mga gibang upuan.

Napangiwi siya dahil sa sakit. Bumuga siya ng mabibigat na hininga at may lakas na tumayo. Agad siyang nag teleport malapit kay Blaire. Di niya lubos magamit ang kanyang abilidad na teleportation dahil sa mga kidlat at hangin. Matapang niyang hinakbang muli ang mga paa. Bawat paghakbang niya ay sinabayan niya ng lakas.

Agad siyang umilag at agad inapak ang mga paa sa sahig na may kasamang lakas dahil may kidlat na namang tumama sa kanyang gawi. Tiningnan niya ang dalaga na walang tigil sa pagtawa. Di muna lubos makilala ito dahil naging itim ang mukha nito dahil sa mga tinta.

Itinaas niya ang kanyang kamay para abutin si Blaire. Muli siyang humakbang ng apat na beses bago niya na nahawakan ang dalaga. Hinila niya ito pababa, buti ay hindi mataas ang nilulutangan nito.

"Threes, please lumaban ka" usal ni Chaos. Ngunit parang wala lang narinig ang dalaga.

"Please comeback to me babygirl" bumigay na ang damdamin ni Chaos dahil nagsusumamo na ito habang nagsalita.

Nakita niyang umiling-iling ang dalaga at nakapikit na ito.

"Aahhhhhh!" sumigaw ito na parang pinarurusahan ng napakasakit na paraan. Kinalmot pa nito ang mukha kaya agad inawat ni Chaos. Hinawakan niya ang dalawang kamay ng dalaga at nilagay sa likod nito saka niyakap.

"Please Babe, fight for me" emosyonal usal niya na parang tinahan din ang dalaga.

Nagpumiglas ito ngunit hindi hinayaan ni Chaos na mahiwalay siya dito. Walang tigil sa pagsigaw ang dalaga at yumanig narin ang paligid.

Inilapit ni Chaos ang kanyang bibig sa tenga nito at nagsalita muli.

"I love you babe, please comeback" madamdaming wika niya sabay halik sa ulo nito.

"I don't want to lose you, I love you so much Threes" dugtong niya. Para namang unti-unting kumalma ang paligid. Unti-unti nading kumalma ang dalaga.

Niyakap lang niya ito ng mahigpit at maya-maya ay kumalma na nga ng tuluyan ang paligid ngunit kasabay din ng pagkawala ng malay ni Blaire. Agad niya itong kinarga. Tiningnan niya ang mukha nito at pinahiran para matanggal ang mga tinta kahit papano. Nagulat siya nang nagbago muli ang kulay ng buhok ng dalaga at naging kulay lila ito. Napakaganda nitong tingnan.

Nagsilapit naman ang ibang royalties at kasama na si HM.

"Blaire" halos mangiyak-ngiyak bulalas ng mga babae.

"Anong nangyari?" nag-alalang tanong ni HM.

"She passed out" tugon ni Chaos.

"Bakit naging lila ang kanyang buhok?" takang tanong ni Parker.

"I don't know" tugon naman niya muli sa mga ito.

"Kaylangan na siyang magamot" wika naman ni Kade.

Tumango lang si Chaos at agad nagteleport sa clinic. Sinalubong naman siya ng mga Healer at kahit magulo ang paligid ay nagawa paring asikasuhin si Blaire. Marami-rami ding studyanteng nasa loob ng clinic. Mabuti't malawak ang espasyo ng pagamutang ito. May dalawampung silid ito kaya nagkasya ang ibang sugatan.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Where stories live. Discover now