Chapter ♥ 23

2.2K 91 32
                                    

Blaire POV

"Blaire, gumising ka"

"Tulungan mo sila Blaire"

"Iligtas mo sila" napalinga-linga ako. Sino ang mga iyun? Sinong tutulungan ko?

"Aahhhhhhhhhh!!"

"Kyaahhhhh tulong!!"

Nagising ako dahil sa ingay na nagmula sa labas. Agad akong bumangon at napapikit ako nang biglang sumakit ang aking ulo at may mga imahe namang naglitawan sa aking isipan.

Nakita kong may apat na malalaking nilalang. Mga maiitim at pareho ito sa mga nilalang na pumapatay ng kauri ko. Nahihirapan ang kamag-aral kong lumaban dahil naglalabas ang mga ito lason. Nakita kong marami-rami ng nakahandusay na mga studyante sa lupa. Nakita ko ang aking mga kaibigan na pilit nilalabanan ang apat na nilalang. Hinang-hina narin ang mga karamihang nakatayo pa.

Nagbukas ako ng mga mata at mabilis akong bumaba ng kama. Agad akong kumuha ng pulang kapa at isinuot. Nagteleport ako sa mataas na bahagi ng akademyang ito. Nakatayo ako ngayon sa pinakamataas na gusali ng mga konseho at nasa rooftop ako ngayon. Mabuti't ako lang ang nandirito. Dumungaw ako sa baba. Ang nakita ko kanina ay parehong-pareho sa nakikita ko ngayon.

Napatay nilang Four ang isang kalaban. Napakagat ako ng iibang labi nang binalibag si Aubrey sa isang kalaban. Kinabahan ko para sa aking mga kaibigan ngunit pinilit ko paring pakalmahin ang sarili. Tiningnan ko ang aking kamay at pumikit. Sana'y gagana ito.

Wag kang mag-alala Blaire dahil lahat sayo ay walang imposible

Minulat ko ang aking mga mata, sinubukan kong gumawa ng crossbow at nakahinga ako ng maluwag dahil gumana nga. Hawak ko ngayon ang isang panang metal. Ngunit sino ang nagsalita sa aking isipan? Piniling ko ang aking ulo dahil di na iyun importante pa.

Pumuwesto ako at hinawakan ko ito sa dalawang kamay para humanda sa pagtira. Umikot ako ng isang beses kasabay ng pagliyab ng aking pana at kulay asul itong apoy. Namangha naman ako sa aking nagawa pero di ko nalang ito pinagtuunan ng pansin. Inasinta ko ang hawak kong pana sa isang kalaban at walang pag-alinlangan ko itong binitawan.

Natamaan ko ito at sumabong ang parte ng katawan niya. Nabalutan ito ng kulay asul na apoy at agad itong naging abo. Napatingin naman sa aking gawi ang isang kalaban. Tumakbo ito para makatakas kaya agad akong tumalon mula sa rooftop at lumutang sa ere. Pinana ko ang tumatakbong kalaban at agad din itong sumabog. Sinunod ko naman ang isa.

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa aking nagawa. Nanlaki ang mga mata ko dahil lahat ng atensyon nila ay nasa sa akin. Agad akong nagpalaho at nagteleport sa isang madilim na sulok. Agad kong hinubad ang aking kapa at tinitigan. Namangha ako dahil nasunog ko ito kaya agad ko itong binitawan. Di ko akalain na nagawa ko iyun.

Lumabas ako sa pinagtataguan at agad din akong napahinto nang may naramdaman akong pares ng mga matang nakatingin sa akin. Agad akong bumaling sa kanang bahagi at may nahagilap naman akong isang anino. Napatakbo ako doon at napakagat nalang ako ng iibang labi dahil wala akong nadatnan pero sigurado akong may nagmamasid lang. Agad akong nagteleport sa aking silid. Napaupo ako sa higaan dahil di ako mapakali. Paano kung meron ngang nakakita sa ginawa ko? Sana'y mali ang aking inisip.

Alas dose na ng gabi kaya humiga na ako ng kama at isinawalang bahala nalang ang lahat. Pinikit ko ang mga mata hanggang sa hinila ako muli ng dilim.

Third person POV

"Kamahalan, may mahalaga akong bilita para sayo" saad ng heneral.

"Isawalat mo ang dala mong balita heneral" awtoridad sabi ni Haring Ismael.

Impius Academy 2: The Truism (Completed)Where stories live. Discover now