Chapter 2

36 10 1
                                    

"There are times where I don't understand how people would just do anything to survive, fully knowing that we'll still die someday...

But as it turns out, surviving is actually the one who makes life worth living."
-unkown

Kyrene's P.O.V

It's already 7:48 in the morning, higit isang oras na pala kaming nasa himpapawid, nilingon ko si Khali at nakita kung paanong nakakunot ang noo nito habang natutulog, I wonder if she's still pissed at the fact that her brother was the captain of this flight. I quitely laughed after the thought.

Sinilip ko rin si Laureen na right side ni Khali, tulog din. Inilabas ko ang cellphone ko para sana picturan sila nang biglang gumalaw si Khali, para ipinapahiwatig na alam niya ang balak kong gawin, tuloy ay si Laureen lang ang napicturan ko. Sungit mo ah! Anang ko sa isip.

Napangiti naman ako ng makita yung kinuha kong litrato, kahit tulog ay talagang kapansin pansin ang kanyang kagandahan, para siyang nag-momodel lang kumbaga. Kahit si Khali rin, siya ang may pinakamalakas na appeal samin, sadyang laging nakabusangot at laging nagpapahiwatig na wag siyang lapitan. Sinubukan ko ulit silang picturan, sa pagkakataong iyon ay nagawa ko nga! I successfully took a picture of Khali sleeping!

Sabi ko na eh, kaya sabi nila ' don't give up on the first try '

Dali dali ko namang pinindot ang gallery at tiningnan doon ang nakuha kong picture, halos mapabunghalit ako ng tawa ng makita kung gaano kalaki ang kaibahan ng aura ni Laureen at Khali. Si Laureen, para siyang anghel na natutulog, sobrang peaceful ng vibes niya, parang hindi makabasag pinggan! Eh kaya nga hindi pinaghuhugas kase baka maubusan na ng plato dahil halos lahat mabasag pag siya naghuhugas!

Khali, on the other hand, nakakunot ang noo, animo'y may kinokomprontang demonyo sa pagtulog, para siyang naghahamon ng away kahit tulog! Napatawa na lang ako ng mahina, "Saya ka?" Biglang salita ni Khali.

Muntik ko na tuloy mabitawan cellphone ko dahil sa gulat, binalingan ko siya ng tingin, she is literally oozing with sarcasm! "Tingin nga, tingin ng masaya." She said with obvious sarcasm, I just awkwardly smile at her then turned my attention towards the airplane's window.

Maya maya pa ay nag-announce na ang co-pilot na malapit na kaming lumapag, bumaling ako sa direksyon ni Khali, tinitingnan ang reaksyon niya, pero agad ding nadismaya kasi di na siya mukhang inis ngayon, kaya I just focused on fastening my seatbelt then leaned on my seat. Tinanggal ko na rin ang heat pad na nakapatong sa puson ko na hiningi ko kanina.

Well, I guess there's no coming back now




Welcome back...





Veda's P.O.V

9:25, they're still not here yet! I checked my phone to see if even just one of them texted me, but there isn't!, none of them texted me! Kanina pa ako nababagot dito, as far as I remember they should've been here like 40 minutes ago! Mag iisang oras na rin.

"Mana, did they inform you if they're already near?" Medyo irita pero magalang ko paring sabi.

Si Mana Shev na inaasikaso ang pag o-organize ng table ay natigil dahil sa tanong ko, she took out her phone to see if they did, she looked at me before going back to what she's doing, saka umiling, I just sighed, "Asan na po kaya sila?" Tanong ko pa, "Aba'y ewan ko sayong bata ka, kanina pa tayo magkasama dito tapos ako ang tatanungin mo kung asaan yang mga kaibigan mo." May pagkamasungit na tugon ni Mana.

Napangiwi na lang ako, if I hadn't known her for long enough, I would've think na she's disrespecting me by answering rudely, pero siya si Mana eh, she was the one who raised me, ganyan na talaga siya.

Warriors Within Where stories live. Discover now