Chapter 10

2 0 0
                                    

Khali's P.O.V

"ALRIGHT, class. I am Professor Esteban, I will be your advisor for the school year. Now that I've introduced myself already, it's now your turn," sunod sunod na sabi ng professor na nasa harapan namin ngayon. I sighed before looking away, mariin akong napapikit. Heck.

Umikot ito sa kanyang lamesa at pumuwesto sa gitna, binaba ng kaunti ang salamin saka kami isa isang tinignan. Nag iwas na lang ako ng tingin, "Okay, mauna ang nasa harap, from left to right." Hell yeah.

Magpapakilala na sana ang nasa harap pero bigla ulit nagsalita ang professor, pinaupo muna ang estudyante. "Further instruction, you will say your name in the last-first-middle initial arragement, then your age, and say three things about yourself. Make it interesting. Is that clear?" Istrikto nitong saad. Wala naman kaming magawa kung hindi umoo.

"Yes, prof," sabay sabay nilang saad.

"Alright, you may continue," he told the student from earlier. "Uhm, Hi everyone, my name is Juarez, Anicka Jane G. I'm 17 years old," pakilala nito sa sarili.

"I like to read novels, listen to music, and good food," nakangiti nitong saad. I looked at my friends, they were paying close attention, bahagya na lang akong napailing.

Tumayo na ang isa pa, "I am Corpuz, Elizabeth M. Most people call me Liza or Bettie, whatever you please. 17 years old. I love to paint, swimming, I consider my self as a great plant caretaker." I can feel her confidence, no doubt. Ang saya naman ng hobby nila, parang ang boring tuloy ng hobby ko. Kain, tulog, uminom kape, kainte-interesado ba yon?

" I am Ilingan, Joshrei Andrew S. Can call me Josh or Rei, also 18. I am a sketch artist, plant enthusiast, and an active member of our school's basketball team," bagay sila nung Liza. The professor congratulated him first before proceeding to another student.

Just as I am getting bored, nakaramdam ako ng tapik sa balikat ko. Nilingon ko si Kyrene, lumapit ito sakin, astang may ibubulong. "Tingin mo may mga queen bee din dito?" Pinagkunutan ko siya ng noo. "You know? The one on the movies? Everytime na may transferee, sila yung pinagiinitan," pag-explain niya pa. Napabuga na lang ako ng hangin.

"You watched too many movies," I told her. Nginusuan niya ko, "Ganda mo talagang kausap, bahala ka diyan!" Lalo naman akong naguluhan sa kinilos niya, problema netoh?

Sunod niyang kinalabit si Veda, na kahit hindi lumingon ay sumandal para marinig kung ano mang sasabihin niya. I just sighed and looked at the front, nasa second row na yung nagpapakilala, medyo malayo pa. Pang-apat na row pa kami. Last row.

"Say what?" Nalingon ko ulit sila ng mapalakas ng kaunti ang boses ni Lau, hindi naman iyon napansin ng professor. "Hinaan mo boses mo Lau!" Asik sakanya ni Veda, nag-peace sign lang ito sakanya.

"It's impossible na may queen bee rito, Kyrene. We're in a school, why would they let in an insect, especially a bee that could possibly hurt the students?" Litong litong sabi ni Lau kay Kye. Pati tuloy ako nalito ng onti.

Di siya makapaniwalang tinignan ni Kyrene, as if she did something so out of this world. "Bhie, kaibigan kita. Matalino ka naman, kaso bat ang slow mo minsan? Niliteral mo naman mhie," Kunwari pang naiiyak nitong sabi. Bahagya kaming natawa ni Veda.

"Why? Is it some kind of a metaphor?" Taka pa rin niyang tanong, napasandal na lang rin ako sa kinauupuan before spreading my right arm to tap her shoulders. Litong lito pa rin siya.

"Let her be, Kye. She wouldn't our dear Laureen if she isn't sometimes like this," mahinang anang ni Veda, bahagyang natatawa. Napanguso na lang si Lau, may sasabihin pa sana nang makita ko ang papalapit na sulyap ni Professor Esteban. Agad akong umayos ng upo at sinensyasan ang mga kasama ko.

Warriors Within Where stories live. Discover now