Chapter 1

47 10 0
                                    

“Fight to survive, rest to observe, be careful on who you trust.
This is a lifelong battle with blood in your hands.”
–Marked by 'the dragon'

*~*~*~*


Khali's P.O.V

HERE I am, on top of our mountain watching the sun rise. Ang sarap pag masdan ang pagsikat nito, it feels so...... peaceful. Seeing the birds fly freely as the fresh cold breeze embrace my skin, together with the gentle touch of the sun's light as it shines magnificently every morning. It gives me more than enough peace in this war-fed world.

Napabuntong hininga na lamang ako saka tumayo dahil napagdesisyonan ko ng bumaba ng bundok, matapos kong pagpagan ang aking mga binti at likuran, naghanda na ako sa pagbaba.
Hindi naman ganon kataas ang bundok, pero sapat na ang taas na neto para masilayan ang gandang hatid ng pagsikat ng araw.

I took a deep breath, then set my timer into 15 minutes, I jogged a little bit before running at full speed. I've known this mountain for so long that running at full speed without care at any objects that might be in the way is no longer a problem, except, of course if an animal suddenly appeared, I hissed at the memory that suddenly resurfaced. Ibinabaon na nga sa limot eh

Nasa talampakan na ko ng bundok ng biglang mag ring ang aking telepono, I creased my forehead after seeing the name of the caller...

Laureen is calling...

"Shit! I forgot!" I panicked, pinakalma ko muna ang sarili at inihanda ang aking tenga sa kung ano mang sasabihin niya, sinagot ko ang tawag at gaya ng inaasahan, hindi niya na ko hinayaan pang mag salita.

"WOW!! Sumagot din! At asan ka ngayon babaita!? Hmm? Wala kasing naghihintay sayo, oo, walang naghihintay sayo higit isang oras na!" Galit na aniya, nasapo ko na lang ang aking noo, This is when you know I fucked up.

"I'm sorry, hindi ko namalayan ang oras." Sinserong pag amin ko na lang, mas binilisan pa ang lakad para mas mabilis akong makabalik. Sa huli ay napagdesisyonan ko na lang tumakbo.

"Bakit ka ba kase out of coverage? Kanina ka pa namin tinatawagan, kung sumagot ka, edi sana, namalayan mo kung anong oras na!" Sermon pa niya, "Saan ka ba kase nanggaling?" Inis na tanong niya, sasagot na sana ko ng biglang tumunog yung timer ko, dali dali ko yong pinatay tsaka itinuon ang atensyon sa tinatakbuhan.

"Sa bundok." Sabi ko na lang.

"Bundok!? Oh, edi sana ol naman pala, daming free time, nakalimutan na may flight pa siya at may susundo sakanya!" Gigil niyang saad, natatanaw ko na ang bahay kaya minabuti ko nang magpaalam.

"Calm down, I'm already in front of the house. I'll drop this call na." Sabi ko, hindi ko na hinintay ang sagot niya.

Sumenyas ako sa mga nagbabantay, at agad din naman nilang naintindihan iyon kaya dali dali nilang binuksan ang gate. Ako naman ang nainis ng makita ang distanya nito sa pintuan ng bahay.

'Pucha, bakit ba ang layo layo ng gate sa mismong pinto, trip ka lang pagudin, ganon?'

Higit limang minuto ang tantya ko na gugugulin mo sa paglalakad bago ka makarating sa mismong pintuan, pero dahil wala na nga akong oras, tinakbo ko na iyon na napakabilis, kaya ang dating limang minuto ay naging dalawa na lang. Tuloy ay hingal na hingal na ako ng makarating sa bahay, sa susunod papalitan ko na si Usain Bolt, kingina.

Hinihingal pa rin ako ng pumasok, agad akong sinalubong ng isa sa aming mga kasambahay at inabutan ng towel, pinasalamatan ko ito bago nagtuloy tuloy papunta sa kusina. I'm pretty sure that they already know I'm here and will probably greet me with a loving hug,  sensing the sarcasm?

Warriors Within Where stories live. Discover now