Muli siyang nagtaas ng kilay sa akin. "Bakit? Hindi ka nakikipagkaibigan sa hindi mo kalevel?"

Medyo naooffend ako sa naging tanong niya. I never look down to other people, pantay pantay ang tingin at respeto ko sa lahat.

"Don't say that...everyone is pantay" medyo nabulol ko pang sabi sa kanya.

Napanguso siya, kinuha ang cup na wala ng laman. Tumunog iyon ng mas lalo niyang sinimot kahit ice na lang ang natira.

"Uhm...you want more?" tanong ko.

Marahan siyang umiling pero hindi ako nagpapigil. Binuksan ko ang cup ko.

"I'll give you a refill...but little lang ha" sabi ko pa. Ang takaw kasi niya sa coffee.

He again look amused by what I said. Ngayon lang ba siya nakakita ng magshashare sa kanya ng coffee? Napangiti ako dahil duon.

"I can't make libre, kasi nagpapalibre lang din ako" nakangitinh kwento ko sa kanya ng maalala ko si Cairo.

Nang matapos kong lagyan ng coffee ang cup niya ay ako pa ang nagsara nuon at muling ibinalik sa kanya.

"Alis na ako. Bye..." kaagad na paalam ko.

Nakahinga ako ng maluwag ng hindi man lang siya nagabala na habulin ako o pigilan. Nanatili siyang nakaupo duon, kumunot ang aking noo ng bago ako tuluyang makalabas sa coffee shop ay nilingon ko siya. Nakatulala siya sa upuan ko. He's weird.

Panay ang ngiti ko habang naglalakad ako sa may hallway pabalik sa Herrer tower. I was busy sipping on my Iced coffee. Ilang empleyado ang nakakilala sa akin kaya naman ginantihan ko ang kanilang pag ngiti.

"Saan ka galing?" galit na tanong ni Cairo sa akin pagkapasok ko sa kanyang office.

Itinaas ko ang hawak kong Iced coffee bilang sagot sa kanyang tanong. Nagtiim bagang siya at inirapan ako.

"Nag mirienda ako. Nag mirienda ka na?" tanong ko. Dahil sa pagiging weird ni Hobbes ay nakalimutan ko ng pasalubungan si Cairo. Kawawa naman.

Tumikhim siya at umirap. "Hindi ako gutom. May ipapakita ako sayo..." tawag niya sa akin kaya naman kaagad akong lumapit sa kanya.

Sandali kong inilapag sa taas ng table niya ang Iced coffee ko. Mabilis kong itinutok ang tingin ko sa laptop niya pero napansin kong nakakunot ang kanyang noo habang nakatingin sa kung saan.

"At kailan pa naging Hobbes ang pangalan mo?" madiing tanong niya sa akin.

Napaayos ako ng tayo ng makita kong sa cup ko siya nakatingin. "I met a weird guy sa coffee shop...we have the same order. Ang galing..." kwento ko pa. Kahit naman weird siya ay nakakaamaze pa din na same kami ng taste sa food.

"Kung si Hob Jimenez yan...tigilan mo" masungit na sabi niya sa akin.

Mas lalong kumunot ang aking noo. "You know him? The maginoo pero medyo bastos?" gulat na tanong ko sa kanya. Nakakaamaze lalo, hindi siya palangiti sa ibang empleyado tapos kilala niya si Hobbes.

Halos malukot ang mukha ni Cairo ng harapin niya ako. "Anong sabi mo?" iritadong tanong niya sa akin.

Ilang beses akong napakurap kurap. May wrong ba sa sinabi ko? Did I say something...Mali?

"Loko yang si Hobbes, pag ikaw hindi nakinig sa akin..." pagbabanta niya.

Hindi ako makapaniwala ng sabihin sa akin ni Cairo na pinsan niya si Hobbes. Ang sabi niya sa akin ay regular employee siya tapos malalaman kong, isa pala siyang Jimenez at anak pa ni Tito Sebastian.

Left in the Dark (Savage Beast #5)Where stories live. Discover now