"Ang daya 25 Million na followers mo sa instagram. Ako 17 Million pa lang!" Maktol ni Aden.

"Mas sikat naman talaga ako sayo." Nakangising sabi ko.

"Sama na ako sayo sa pag-uwi. Wala na rin naman akong gagawin dito." Sabi niya habang lumalagok ng alak.

Nagbikit balikat lang ako. Ayaw talagang humiwalay sa akin ng mokong na ito.

"Wala ka ng balak balikan siya?" Kapagkuwan ay tanong niya.

"Wala na hiwalay na kami diba?" Naiinis na tanong ko.

"Hindi kaya na grant divorce niyo." Agad ko siyang sinamaan ng tingin pinaalala nanaman niya iyon.

Letseng divorce yan ayaw paburan ng hukuman ng espaniya dahil walang probable cause. Ginamit kung grounds yung concubinage kaso walang sufficient evidence. Kaya ito kasal pa rin ako sa ulupong na iyon.

"Mag-ayos ka na nga don mamaya na flight natin!" Inis na utos ko sa kaniya.

Agad naman siyang tumayo at nag-ayos. Babalik na kami ng pilipinas ngayon. Mag-aayos na rin sana ako kaso biglang nag-message si Stephanie.

'Papa do not forget the Perfume and the watch I told you.'

She's referring to her pasalubong. Kahit hiwalay kami ng Daddy niya ay hindi naputol ang ugnayan namin ni Stephanie, gaya ng napagkasunduan ay nagkaroon kami ng legal na kasunduan. Tuwing bakasyon ay pumupunta sa akin si Stephanie.

Hindi ko naman makuha ang full custody niya dahil si Seth ang biological father niya.

'I wont.'

I replied. After fixing and preparing ourselves ay bumaba na kami sinalubong kami ng mga body guards namin.

Hanggang sa airport. Buti na lang at walang media ang puwedeng pumasok sa loob.

Hindi rin kami nagtagal sa loob dahil private jet naman ang sasakyan namin. Itinulog ko lang ang halos pitong oras na biyahe hanggang sa nag-anunsiyo ang piloto.

Nang makapag landing ay sinuot ko muna ang shades ko bago bumaba.

Gaya ng inaasahan ay puro ilaw mula sa nga kamera ang sumalubong sa amin.

'Mr. Juarez what are your plans now that you're back?'

'Any statement about your latest cover?'

'Mr. Juarez are the rumors true that there's happening between you and Mr. De Leon?'

'Are you staying here for good?'

'Ano po ang opiniyon ninyo na kayo ay pinagpapantasiyahan ng maraming kababaihan ngayon?'

'What are your opinions about your title for being the hottest men and a Sex God?'

'Mr. Juarez is it true that you are still married to Mr. Sañedoza?'

Hinarap ko ang reporter na nagtanong non.

"Yes... but only on papers. I am planning to continue the divorce by next year." Sagot ko bago tuluyang pumasok ng sasakyan.

Nakakunot lang ang noo ko buong biyahe, letseng reporter na iyon saan naman nila nakakuha ng source na hindi granted yung divorce? Arrg!

Dumiretso muna ako sa mansiyon para dalawin si Daddy sa unit ako ni Kuya magiistay dahil nirerenovate pa ang unit ko.

"Dad." I hugged Dad.

It's been 5 years... pumuti na ang buhok ni Dad pero mukha pa rin siyang bata at malakas.

"How are you?" Dad asked.

"I'm very much fine Dad." Masayang tugon ko.

Akala ko tapos na ang kamustahan pero hindi pa pala dahil pinitik ako ni Dad sa noo.

"You post naked huh!" Dad said.

Hindi naman malakas ang pitik ni Dad unlike before.

"You're 30 now Cloud. Ano nang balak mo? Wala ka ng balak mag-asawa ulit?" Tanong ni Dad.

"Dad you know the situation." I simply answered.

"Balikan mo na lang kasi asawa mo." Biglang sumingit si Kuyang epal.

"Sige. Kapag binalikan mo yung sa'yo." Sabi ko kaya agad siyang sumeryoso.

We had a family dinner. Bangayan naman ng bangayan ang dalawang anak ni Kuya.

SETH

I gritted my teeth. So he's back? At ano namang pumasok sa kukote niya at nag-cover siya ng hubad!

"Ano ng plano mo?" Tanong ni Xev.

Nasa bahay niya kami ngayon dahil nag-aya siyang mag-inom.

"I don't know." I simply answered.

"Kasal pa kayo diba?" Tanong naman ni Kenzo habang lumalantak ng sisig.

Tumango lang ako.

"I have a very genius idea..." Sabi ni Xev na parang may bumbilya na lumitaw sa ulo.

"Ano naman?" Tanong ko habang lumalagok ng alak.

"Why don't you kidnap him? Tapos akitin mo. Kapag bumigay may pag-asa ka pa. Kapag hindi move on na pare." Seryosong sabi ng tulok.

Gagawin pa akong kidnapper ng animal na ito.

"Sira ka ba? Edi lalong nainis sa kaniya iyon!" Asik ni Kenzo.

"Pero ang hot ng asawa mo. Pinagnanasaan siya ng mga pinsan kong babae." Biglang singit naman ni Tristan na kakarating lang.

Agad sumama ang mukha ko. Kung alam ko lang na mag ri-release siya ng ganong cover edi sana sinold out ko kaagad.

"Wala ka ng choice... ayaw ka naman atang kausapin ng asawa mo eh. Gawin mo nalang suggestion ni Xev. Bigyan mo siya ng dalawang linggo kapag hindi bumigay bitaw na." Seryosong sabi ni Tristan na abala sa paglantak ng inihaw ng bangus.

Sinamaan ko sila ng tingin.

"Ayoko lalo lang magagalit sakin iyon." Sabi ko.

"Anong plano mo ngayon?" Sabay sabay na tanong nila.

Anong plano ko? Hindi ko alam bahala na.

"Pare... maganda iyong plano ko kapag nagbago isip mo tawagan moko expert ako sa kidnappan." Sabi ni Xev kaya isa isa namin siyang binatukan.

Ampota!

Gusto kong makausap si Cloud. Masama ang loob ko sa kaniya noon dahil hindi man lang niya ako hinayaang mag-paliwanag. Buti na lang talaga at hindi na-grant ang divorce namin.

Alam kong malaki ang kasalanan ko sa kaniya. Hindi ko naman talaga intensyong itago sa kaniya lahat kaso sabi ng Doktor delikado. I can't risk his life. Kaya ko namang ipaliwanag iyon, kung hinayaan niya lang ako.

"Kung ako sayo kumilos ka na. Ikaw din baka ipagpalit ka na niya sa iba." Tristan said.

"As if I'll let him do that... he's mine. Only mine." I seriously said while sipping my drink.

Sa kalagitnaan ng inuman namin ay bigla akong nakatanggap ng tawag galing kay Mama. May importante daw meeting bukas at huwag na huwag daw akong mawawala.

I knew it pipilitin nanaman niya akong mag-model para sa ilo-launch niyang perfumes as if naman papayag ako.

I still have to think and create some plans on how to get my Cloud back. Limang taon ko siyang hinintay bumalik at ngayong nakabalik na siya sisiguruhin kong sa akin ulit siya babagsak.

He's still my mine after all.

_____________
-Unedited. Ciao!

The Unknown GuyWhere stories live. Discover now