CHAPTER 21

3.8K 156 10
                                    

CHAPTER 21
WARNING: 🔞

CLOUD

Isang buwan na ang lumipas at nagawa ko namang iwasan si Seth. Isang beses na lang sa isang linggo ako pumapasok sa opisina dahil sinabihan ko si Darlene na ihatid na lang sa unit ko ang mga importanteng papeles.

Pero ang nakakapagtaka ay ang bigla nanamang pagiging aktibo ni S. Wala nanamang mintis siya sa pagpapadala ng kung ano-ano.

Simula nang umuwi kami galing Hong Kong, hindi na ako madalas umaalis ng unit ko. Nalilibang naman ako kahit papano dahil laging nandito ang mga pamangkin ko dahil laging wala si Kuya.

"Sir may invitation pong inabot yung receptionist sa baba." Imporma sakin ni Yaya Rita ang nag-aalaga kay Clyden.

Kinuha ko ang invitation, napatigalgal ako ng makitang para iyon sa birthday ni Mama----- ng Mama ni Seth.

Carla Sañedoza's 60th Birthday!

The invitation is very elegant. It's made of glass at ang font ay hindi basta basta. May nakalagay ding serial number sa pinakababa.

Sa susunod na araw na ito. Kung pupunta ako paniguradong makikita ko si Seth. At hindi naman ako puwedeng tumanggi dahil nakakahiya kay Mama.

I have no choice! Agad kong tinawagan ang gumagawa ng damit ko para sa mga espesyal na okasyon.

Mukhang hindi ko talaga maiiwasang hindi mag krus ang landas namin ni Seth. Pero iiwas at iiwas ako sa kaniya, baka mamaya nandoon pa ang asawa niya.

Dumating ang araw ng kaarawan ni Mama. Nakapagayos na ako buti na lang maaasahan talaga ang designer ko dahil mukha akong elegante sa suot ko.

Pagbaba ko sa basement ay may biglang sasakyan na huminto sa harapan ko. Hindi ko maaninag kung sino ang nasa loob dahil heavy tinted ang sasakyan.

Biglang bumaba si Seth mula sa driver seat at pinagbuksan ako ng pinto.

"Sakay." Utos niya.

Gusto kong tumanggi pero nagtatalo nanaman ang utak at puso ko. Ang utak ko laging sinisigaw na iwasan ko siya pero taliwas naman ang pinaglalaban ng puso ko dahil may parte sakin na lagi ko pa rin siyang hinahanap hanap. Sumakay ako sa sasakyan niya.

Nang makalayo na kami sa building ay binagalan niya ng bahagya ang pagpapatakbo.

"Why are you avoiding me?" He asked.

Alam kong nakatingin siya sa gawi ko kaya hindi ako tumingin sa kaniya. Hindi niya ba talaga alam kung bakit ko siya iniiwasan?

"Galit ka ba sakin? May nagawa nanaman ba 'ko? Ano? Answer me Cloud!" He sounds desperate.

Huminga muna ako ng malalim. Kinalma ko ang sarili ko para hindi ko siya masigawan.

"You're married." I simply answered.

Kita ko sa peripheral vission ko na nagulat siya pero mabilis din niyang nabawi.

"Kasal ako? Iyon ang dahilan mo kung bakit mo 'ko iniiwasan?" Tanong niya na parang ako pa ang mali sa ginagawa kong pag-iwas sa kaniya.

"Tanga ka ba? Kasal ka na! Anong gusto mong gawin ko? Pumayag na maging kabit mo?!" I shouted.

Hindi ko na napigilan ang emosyon ko. Gusto ko siyang sigawan at sumbatan.

"Hindi ka kabit!" Madiing wika niya. Medyo bumilis ang pagpapatakbo niya ng sasakyan ngayon.

"Eh ano ak-

"Hindi ka kabit! Oo kasal ako pero hindi ka kabit!" Diin niya.

Napatunganga ako. Hindi ko alam kung tanga ba si Seth o stupido.

The Unknown GuyWhere stories live. Discover now