CHAPTER 10

5.3K 200 7
                                    

CHAPTER 10
WARNING: 🔞

SETH

Hindi niya daw gusto na hinahalikan ko siya, but he's always responding to my kisses!

It fucking hurts my ego. Why he doesn't like my kisses? Hindi naman mabaho ang hininga ko! Marunong naman akong humalik, matamis naman laway ko!

Does he like other's kiss more than mine? Gusto niya iba ang humalik sa kaniya? Well that's not going happen because he is mine!

He's moaning everytime I'm exploring his mouth tapos sasabihin niya hindi niya nagugustuhan at parang pinapalabas niyang pinipilit ko lang siya. Fuck!

"Sir, bakit hindi niyo po sinabing nakabalik na si Sir Cloud?" Tanong ni Linda.

"Pasensiya ka na kanina, akala ko kasi kung sinong hinahalikan mo sa kusina hindi ko agad napansin ang mukha ni Cloud." Singit naman ni Manang Rosa.

"Wala pa siyang naalala manang." Pag-amin ko.

Nagkatitigan ang mag Ina. Manang Rosa is my Yaya since I was a kid siya ang namamahala ng bahay na ito katulong niya ang anak niyang si Linda at ng iba pang mga kasambahay.

"Ayy...Sir akala ko pa naman po may naalala na siya, kaya pala takang taka siya kanina." Sabi ni Linda.

"Kaya itikom mo yang bibig mo Linda hah!" Utos sa kaniya ni Manang Rosa.

"Sige po Sir maghahanda na po kami ng hapunan." Paalam nila.

Manang Rosa and Linda knew the truth. Actually all of them knows the truth, lahat ng mga kasama namin sa bahay ay malapit kay Cloud.

Kaya nang mabalitaan nila ang aksidente ay nalungkot ang lahat.

It's been 4 years Hon. Kailan ba babalik ang alaala mo?

I sighed. Naramdaman ko nanaman ang takot, takot na baka kapag naalala niya na lahat ay iwan niya ako.

Nang matpos makapaghanda sila Manang nang hapunan ay nagkatitigan kaming tatlo.

"Hindi niyo po aayaing kumain si Sir Cloud?" Tanong ni Linda.

Hindi ako sumagot. Nasaktan ako sa sinabi niya kanina.

"Ikaw na po ang tumawag Manang." Utos ko kay Manang.

May pagaalangan sa mukha ni Manang alam kong gusto niyang magtanong pero tumango na lang siya at umakyat para tawagin si Cloud.



CLOUD

"Kakain na tayo." Magiliw na sabi ni Manang nang pagbuksan ko siya ng pinto.

At dahil gutom naman din ako hindi na ako nag inarte pa.

Pagdating namin sa hapag ay nadatnan ko si Seth na nakaupo sa kabisera.

Umupo ako sa kanan, pagkaupo ko ay dali-dali akong pinagsilbihan nila Manang.

"Ako na po Manang, kaya ko po." Nakangiting sabi ko kay Manang.

Tango lang isinagot niya. Kakain na sana ako kaso naiilang ako dahil nakatayo lang si Manang at Linda sa gilid namin na para bang naghihintay ng utos.

And I hate that. Gusto ko pantay pantay ang trato sa lahat mapa kasambahay man o kung ano.

"Manang sabayan niyo na po kaming kumain." Aya ko kay Manang.

Nagkatitigan sila ng anak niyang si Linda.

"Ay nako Sir, huwag na po nakakahiya." They politely refused.

The Unknown GuyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon